DAGLI: Sa Dilim

30 2 1
                                    

       “Hawakan mo na,” pakiusap ng binata sa kasama niyang dalaga.

       “Ba't ba kasi dito? Ang dilim- dilim. Saka baka may dumaan rito at may makakita sa'tin,” nag- aalalang wika ng dalaga.

       “Basta hawakan mo na. Walang makakakita sa atin dito.”

       “E ayaw ko baka mahuli tayo.”

       “Hawakan mo na kasi. Tapos isubo mo masarap 'yan,” pagpupumilit ng binata. Hiniklat
niya ang kamay ng dalaga at pinahawakan ang mahabang shanghai. “Tikman mo, masarap 'yan.
Kupit ko pa 'yan sa baon ng kaklase ko. Ito, may sarsa o.”

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon