Siklo

146 4 0
                                    

Oh buhay, buhay, buhay
Tinakasan ka nga ng saysay

Hindi maapuhap, hindi masumpungan
Walang halaga ni patutunguhan

Ang tubig sa batis patungong karagatan
Sa pamamagitan ng ulap, babalik rin sa pinagbukalan

Iniluwal ang buhay upang niigin ang kamatayan
Anong baho ba ang madadatnan?

Anong baho ba ang madadatnan?Iniluwal ang buhay upang niigin ang kamatayan

Sa pamamagitan ng ulap, babalik rin sa pinagbukalan
Ang tubig sa batis patungong karagatan

Walang halaga ni patutunguhan
Hindi maapuhap, hindi masumpungan

Tinakasan ka nga ng saysay
Oh buhay, buhay, buhay

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon