SANDALI

203 4 0
                                    


Huwag kang hihinto sa paghikbi
Nang hindi mawaksi
ang aking kamay sayong pisngi

Huwag kang ngingiti
Upang saking balikat
ang ulo mo'y manahan

Hindi ka sana datnan ng saya
Sa gayo'y  hindi maglaho
ang mainit mong yakap

Sa sakit naway hindi ka makalaya
Nang sa aking mga mata
hindi ka mawala

Ayaw ko nang magmulat
ang araw
Para ako ang 'yong tanglaw

Nawa'y huwag maghilom
ang 'yong sugat
Nang pansamantala'y pang habambuhay

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon