DAGLI: Wedding Vow

25 2 1
                                    


       Sa harap ng altar, nasa harapan ko ang pinakamagandang babaeng nakilala ko suot ang maganda at makinang na damit pangkasal. Kahit natatakpan ng belo, naaninag ko pa rin ang maganda at bilugan niyang mukha. Ang tanging mukha na nais kong masilayan habambuhay.

      Malinaw sa aking pandinig ang bawat salita ng pangako ng pag- ibig na kanyang binibitawan sa tila anghel na tinig. Kung may emosyong nangingibabaw sa kanya ngayon, ay wala roon ang kalungkutan.

      "Sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ngayon, kayo ngayon ay kasal na. Maari mo nang halikan ang iyong asawa," sambit ko sa kanya at sa lalaking pinili niyang makasama
habambuhay.

ANG/GULO: Isang AntolohiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon