CHAPTER 4

539 11 0
                                    

[CHAPTER 4]



"I can't marry you.." Diretsong sambit ni Eren. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lamang siya lumuhod sa harap ko, "I'm begging you Patrice, please cancel the wedding." Buong pagmamakaawang sambit niya.

"H-Hindi ko na magagawa 'yan.." Masyado nang huli ang lahat para don. Nakagawa na ako ng desisyon. Nakahanda na rin ang lahat para sa kasal na gaganapin bukas at kapag umurong ako ay siguradong magagalit sa'kin ang magulang niya.

"I.. I only love Agatha.. only her. I oath to be with here and promised to marry her. I only want her to be my wife and the mother of my child. Please, i'm begging you to cancel the wedding. P-Please Patrice, don't be so selfish." Natigilan ako nang marinig kong pumiyok si Eren. Umiiyak siya.

Para akong tinusok ng milyong-milyong mga krayom sa katotohanang iniiyakan ni Eren ang babaeng totoong pinangakuan. Nang sambitin niya ang mga salitang binitawan niya kanina ay hindi ko maiwasang mag-selos kahit wala naman akong karapatan.Wala ba talagang pag-asa na mapansin mo ako, Eren?

"I can't. I'm sorry." At sa oras na binitawan ko ang mga katagang 'yon ay agad ko siyag tinalikuran.

I may be selfish but I want to take a risk on this wedding. Gusto ko magbaka-sakali dito. Gusto kong sumugal kahit na alam kong ikasasakit ko 'to. I hope you'll forgive me.

"Patrice?" Tila ako naka-kawala sa isang matinding spell nang marinig ko ang boses ni Nanay Melda. Hindi ko namalayan na nakatulala nalang pala ako dito sa kwarto ko at napaalala sa mga nangyari noon bago kami ikasal.

Kanina lang ay nakaalis na si Agatha gaya nang sabi niya. Hanggang sa labas ng bahay ko lang siya naihatid at siya na daw bahala humanap ng matutuluyan niya.

"Ayos ka lang ba ija?" Napa-buntong hininga ako at hinarap si Nanay.

"Opo pasensiya na may naalala lang po Nay. Kanina ka pa po ba?" Nakangiting tanong ko. Tumango naman si Nanay. Nabaling ang atensyon sa bitbit na paperbag ni Nanay at nang mapansin niyang tinitignan ko ito ay agad niyang nilahad sa harap ko.

"Para sa'yo 'yan." Nakangiting sambit ni Nanay.

"Maraming salamat Nay. Ano po ba Ito?"

"Nako ija nagkakamali ka. Hindi galing sa'kin 'yan. Nakita ko lang 'yan sa may tabi ng gate bago ako pumasok." Sabi ni Nanay.

Tinignan ko naman ang tag ng paper bag at napakunot ang noo nang makita ang pangalan ko dito pero wala namang nakalagay na pangalan kung kanino galing. Nang buksan ko ito ay puro lamang ito mga damit. May mga dress at off shoulder. Ito 'yong mga tipo ng damit na sinusuot ni Kesha at mukhang mamahalin pa ang mga Ito.

"Napaka-ganda ng mga damit na 'yan. Siguradong babagay sa'yo 'yan ija." Ningitian ko na lamang si Nanay at itinabi ang paper bag.

"Ay oo nga pala ija, anjan na ang asawa mo. Himala nga at napaka-aga niya umuwi ngayon."Nang sabihin iyon ni Nanay ay agad akong napatingin sa orasan. Ala-sinko palang naman ng hapon. Ito ang unang beses na umuwi si Eren ng ganito kaaga. Kadalasan kasi ay mga gabi na siya nakakauwi. Siguro kaya siya umuwi ng maaga ay dahil kay Agatha. Mukhang hindi ata nasabi ni Agatha sakaniya na nakaalis na siya dito sa bahay.

"Salamat Nay. Ikaw po muna bahala magluto ng makakain niya ngayon. Kakausapin ko lang po si Eren." Sabi ko at tumango naman si Nanay. Nagmamadali akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Eren.

Nang makarating sa tapat ng pinto ay ilang katok muna ang ginawa ko bago ako pagbuksan ni Eren.

"What do you need?" Ito agad ang binungad niya sa'kin pagkabukas niya ng pinto.

"About kay Agatha.. kanina pa siya nakaalis."

"I know." Natigilan ako. Kung ganon ay alam na pala niya.

"Bakit ang aga mo ata umuwi ngayon?"

"None of your business." Aniya at kasabay non ang pagbagsak ng mga balikat ko. Gusto ko lang naman malaman. Nakakapanibago kasi at ganitong oras siya umuwi.Akmang isasarado na sana ni Eren ang pinto nang pinigilan ko siya, "Ano?!"

"May sasabihin sana ako.." Kinakabahan kong sabi. Maluwag naman na binuksan ni Eren ang kaniyang kwarto.

"Pasok." Walang ka-emo-emosyon na sambit niya sabay tinalikuran ako. Agad naman akong pumasok at sinarado ang pinto. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko. Simula nong magkausap kami ni Agatha kanina ay pinag-isipan ko nang mabuti itong mga sasabihin ko kay Eren.

"Magsalita ka na." Malamig na sabi niya habang nakatalikod siya sakin. Yumuko ako at huminga ng malalim. Sana ngayon ay tama na ang gagawin ko.

"I want an annulment, Eren." Diretso kong sabi. Hindi ko kayang tignan siya dahil sa totoo lang pakiramdam ko ay uurong ang dila ko sa tuwing titignan ko siya. Ito ang dahilan kung bakit ako tulala kanina pa. Sobra kong pinag-isipan ang bagay na 'to kahit labag sa kalooban ko alam ko Ito ang tamang gawin.

Ilang segundo kami niyakap ng katahimikan. Hindi ko alam ang reaksiyon niya dahil nakatalikod siya sa'kin at nakayuko pa ako.

Akmang iaangat ko na ang tingin ko kay Eren nang bigla niya ako binigyan ng isang malakas na sampal dahilan upang ikatumba ko.

Naluluhang tinignan ko siya. Hindi ba tama naman ang gagawin ko? Para sakaniya naman 'to.. para makapag-sama na sila ni Agatha. Ginagawa ko naman 'to para ayusin ang mali ko noon."8 months ago Patrice I begged for you to cancel the wedding! You know how much I begged for you that time but you still insist and turned your back as if i didn't say anything Patrice!" Galit na galit na sigaw ni Eren, "And now you want an annulment?! Ginagawa mo ba akong tanga?!" At sa mga oras na 'yon ay nagsimula na akong makaramdam ng takot. Nandito na naman 'yong pakiramdam na hindi ako ligtas sakaniya.

Tatayo na sana ako pero agad naman niya ako hinawakan sa leeg ko at mariin na sinakal. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

"E-Eren hindi ako makahinga. B-Bitawan mo a-ako." Pagmamakaawa ko pero mas lalo pa niyang hinihigpitan ang pag-sakal sa'kin. Ginamit ko na ang buong lakas ko para makakawala sakaniya pero sadyang mas malakas siya kaysa sa'kin.

"Why would I listen to you?! Noong nagmakaawa ako sa'yo nakinig ka ba sa'kin?! No Patrice! Ikaw pumili sa buhay na 'to! You deserve to suffer bitch!" Pahigpit ng pahigpit ang pagsakal sa'kin ni Eren. Ramdam na ramdam ko ang galit niya at lahat ng hinanakit niya sa bawat katagang binibitawa niya.

Pilitin ko man magsalita ay walang lumalabas na boses mula sa'kin at kung makakapag-salita man ako ay alam kong hindi ako papakinggan ni Eren. Sobra na siyang nilalamon ng galit niya sa mga oras na 'to. Konti nalang din ay kakapusin na ako ng hininga. Mukhang mamamatay yata ako sa ganitong kalagayan.

Ginagawa ko lang naman 'to dahil akala ko ang annulment ang gusto niya..."Kuya!"

Nagulat ako nang biglang may dumating at hinampas-hampas si Eren ng isang shoulder bag dahilan upang mabitawan ako ni Eren. Nang mabitawan niya ako ay gumapang ako papalayo sakaniya at mangiyak-ngiyak na hinabol ang aking hininga. Akala ko ay mamamatay na ako."Patrice ija nako po." Naramdaman ko ang paglapit sa'kin ni Nanay. Habol-habol ko parin ang hininga ko nang mapatingin ako sa gawi ni Eren na walang humpay siyang pinaghahampas ni Kesha ng kaniyang shoulder bag.

"Nababaliw ka na ba, Kuya?! Papatayin mo ba si Ate Pat?!" Rinig kong sigaw ni Kesha.Unti-unti na akong nakaramdam ng pagkahilo.

Alam kong may sinasabi si Nanay Melda pero hindi ko na ito marinig dahil sa unti-unting pag dilim ng paningin ko.

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon