CHAPTER 23.2

513 10 2
                                    

[CHAPTER 23.2]

Isang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Eren. Hindi na din siya natutulog sa kwarto. Lumipat na siya sa dati kong tinutulugan noon at hindi na rin siya sumasabay kapag kakain. Hindi na kami gaano pa nagkikita dito sa bahay, maaga na siyang umaalis at late na siyang umuuwi. Naabutan ko nalang siya kapag paalis na siya. Minsan hindi ko na maintindihan ang sarili ko, napapaiyak na lamang ako ngayon dahil sa inaasta niya samantalang noon ay hindi naman ako ganito ka oa.

"Patrice?" Nabalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Celine, "Ano na huy? Nasabi mo na ba kay Eren?" Napanguso ako sa tanong niya at napailing. Napasapo naman siya sakaniyang noo. Frustrated na napakamot sakaniyang ulo.
"Napaka-pakipot naman kasi." Aniya. Napanguso naman ako. Pakipot ako? Si Eren nga 'yon kasi isang linggo na niya akong hindi pinapansin. Gusto 'ata ako pa ang susuyo sakaniya.

"Patrice ija?" Napatingin kaming dalawa ni Celine kay Nanay Melda nang lumapit siya at may dala-dalang brown envelope.
"Nag-impake na si Eren ng mga gamit niya kaninang umaga."  Napanganga ako dahil sa sinabi ni Nanay. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mata at ang tila paninikip ng dibdib ko. Nag-impake? Teka, nilayasan na ba niya ako? Kaya pala 'di ko na siya nakitang umalis.

Nakunot ang aking noo nang iabot ni Nanay sa'kin ang brown envelope na hawak-hawak niya. Agad ko namang tinanggap. Nanginginig man ang mga kamay ko habang binubuksan ito.
Nang malaman ang laman nito ay naiiyak na napatakip na lamang ako sa aking bibig.

Annulment papers. Dumating na ang annulment papers namin at ang masakit pa don ay may pirma na ito ni Eren.

"Dumating 'yan kaninang umaga, para sa'yo daw. Si Eren na ang tumingin jan tapos ay may mga nilagay pa siya jan at pinapasabi niya na ibigay ko daw sa'yo ija." Dagdag naman ni Nanay.

Agad ko namang tinignan ang ibang laman nito. May isang contrata na nakasaad doon na sa'kin na pinapaubaya ni Eren ang bahay na 'to at 80% ng property niya ay ibibigay niya sa'kin. Pati 'yon ay pirmado narin niya.

Naiiling na tinitigan ko ang lahat ng ito habang walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na hindi ito totoo pero sino bang niloloko ko? Alam ko naman sa sarili ko na ako ang may gusto ng annulment na 'to. Pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Gusto kong punitin ang mga papel na 'to sa harap ko. Parang hindi ko 'to kayang makita.

Nakangiwing kinuha ni Celine ang annulment papers, "Pirma mo nalang ang kulang Patrice. Ano pang hinihintay mo? Pirmahan mo na." Sarkastiko niyang sabi. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa pagkatapos ay pabalibag na tinapon sa harap ko ang envelope. Nagulat si Nanay Melda sa inasta nito habang ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak.
Naisuklay ni Celine ang kaniyang mga daliri sa buhok niya sabay naiinis na tinignan ako.

"Patrice hindi ka na nag-iisa ngayon. Dalawa na kayo ng anak mo ngayon. Sa tingin mo ba makakabuti sa batang 'yan ang lumaki ng walang ama at tingin mo ba makakabuti kay Eren na hindi na niya malaman ang tungkol jan? Patrice I know naging gago 'yang Asawa mo but please bigyan mo naman ng pagkakataon lalo na may anak na kayo— Patrice!"

Hindi ko na pinatapos si Celine sakaniyang sermon. Kinuha ko ang mga annulment papers. Nagmamadaling umalis ako at pumara ng taxi kahit na nakapantulog pa ako.
Nang makarating sa kumpanya ni Eren ay agad akong pinagtinginan ng mga empleyado niya. May iba pang naiilang na bumati pero nilagpasan ko na lamang sila. Bahala na kung magmukha man akong baliw basta gagawin ko ang kailangan kong gawin.

Agad akong sinalubong ni Miles pagkadating ko sa floor kung nasaan ang office ni Eren. Nilagpasan ko lamang siya kahit na tinatawag niya ako pero nadire-diretso lamang ako papasok sa opisina.

Pagpasok ko ay naabutan ko siyang pumipirma ng iilang papeles at napansin ko naman agad ang kaniyang maleta at bag sa gilid ng table niya. Walang kagana-gana niya akong tinignan at tila pagod na pagod pa ang kaniyang mga mata. Kumunot pa ang kaniyang noo, siguro ay napansin niya ang suot ko.

Nanlalambot ang tuhod ko at ramdam ko na naman ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Tingin pa lang niya ay nanghihina na ako. Parang gusto ko siyang lapitan at yakapin.

"Why are you here? I already signed those annulment papers." Walang kaemo-emosyon niyang sabi. Napahigpit ang hawak ko sa envelope. Malalaki ang hakbang na nilapitan ko siya. Napatayo siya kaya agad kong pinaghahampas sa dibdib niya ang envelope na hawak ko.

"What's your problem Patrice?!" Aniya at pilit na hinaharang ang bawat hampas ko sakaniya.

"Ikaw ang problema ko!" Naiiyak kong sambit habang patuloy parin siyang pinaghahampas, "Isang linggo mo akong hindi pinapansin tapos bigla ka nalang lalayas?! Siguro pupunta ka na kay Agatha no?! I hate you Eren! I freakin' hate you! Nakakainis ka!"

"What?" Napatigil ako sa paghampas sakaniya at nabitawan ang envelope ng hawakan niya ang magkabilang siko ko at tinitigan ako sa mata. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong napaiyak.

"Tapos makikita ko nalang pinirmahan mo na pala 'to? Ni hindi mo manlang ako kinausap muna!" Tukoy sa annulment papers na ngayon ay gusot-gusot na.

"Because that's what you want!"

"You must ask my consent first!" Nanliit ang kaniyang mata pagkatapos ay napa-buntong hininga siya.

"You're unbelievable. Pumunta ka dito para lang sabihin lahat 'yan tapos ganiyan pa ang suot mo." Walang kagana-gana niyang sabi.

Sasagot palang sana ako nang maramdaman kong tila babaliktad 'ata ang sikmura ko kaya gamit ang buong lakas ko ay kumawala ako mula sa pagkakahawak niya at agad na tumakbo papunta sa banyo ng kaniyang opisina. Napahawak ako ng mahigpit sa sink at halos naisuka ko lahat ng kinain ko kaninang umagahan. Naiiyak na ako kakaduwal. Pakiramdam ko ay mga lamang loob ko na 'ata ang mailalabas ko sa susunod.
Naramdaman ko'ng tinali ni Eren ang buhok ko gamit ang kaniyang kamay at marahan na hinagod ang likod ko. Nang matapos ako ay nanghihinang nagmumog ako. Pinulupot ni Eren ang kaniyang kamay sa bewang ko. Napapikit ako at isinandal ang sarili sa katawan niya. Bigla akong inantok at mukhang naubos 'ata lahat ng lakas ko dahil sa pagduduwal na 'yon.

"Tell me.." Tila nagdadalawang isip pa siya ituloy ang sasabihin niya.
"Are you pregnant Patrice?" Mahinang sambit niya na agad ko namang tinanguan. Ramdam kong natigilan siya pero agad din namang nakabawi.
"Kailan pa? Have you consulted an OB already?"

"Last week ko lang nalaman and no I haven't." Sagot ko. Malambing niyang hinalikan ang aking noo pagkatapos ay maingat na binuhat niya ako at pinaupo sa sofa. Hinawi niya ang ilang takas na buhok sa aking mukha habang ako ay nanatili paring nakapikit. Inaantok na ako.
"I'm sleepy Eren."

"Alright. Matulog ka na muna, pag-gising mo magpapa-check up tayo." Aniya. Kahit na hindi ko nakikita ay alam kong nakangiti siya. Naramdaman ko'ng umalis siya sa tabi ko at maya-maya lang ay may narinig akong mga papel na pinunit niya. Napadilat ako ng mapagtanto ko kung ano iyon.
"You're not going to sign this papers anymore, Patrice. This is your dead end. I'm your dead end." Nakangising sambit niya habang nagkalat sa sahig ang annulment papers na pinunit niya. Napangiti ako.

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon