CHAPTER 7

539 7 0
                                    

[CHAPTER 7]

The whole event has already started. Halos lahat ng makikita ko sa event na to ay nag-sasaya. Lahat ay nakangiti at masayang-masaya sa success ng clothing line ni Kesha. Pagkatapos ng speech ni Kesha kanina ay halos hindi na siya nawalan ng kausap. Kaliwa't kanan may kausap siya kaya hindi rin ako makasingit na makipag-kuwentuhan sakaniya at parang nakakahiya din na humalubilo sakanila dahil halos lahat sila ay vip's.

Agad na nabaling ang attensyon ko kay Eren nang bigla na lamang itong tumayo."I need to talk to someone. I'll be back," Aniya.

"Hindi mo ba isasama si Ate Pat Kuya?" Tanong namin ni Marvin. Saglit akong tinapunan ng tingin ni Eren bago siya sumagot.

"Hindi na. Saglit lang ako." Pagkatapos non ay tumalikod na siya at hindi na nasundan pa ng paningin ko kung saan siya papunta. Napa-buntong hininga na lamang ako.

Hanggang ngayon ay hindi parin nawawala sa isip ko ang ginawa niya kanina. Gusto kong matuwa kasi ayun ang unang beses na ginawa niya sa'kin iyon pero at the same time nasasaktan ako dahil alam ko na parte lamang iyong ng arte niya dahil nandito ang magulang niya.

"Patrice ija, bakit hindi ka maglibot-libot muna? Samahan mo siya Marvin." Tumango naman ako sa suhestiyon na iyon ni Mr. Mendoza. Okay na siguro iyon para kahit papano ay mawala sa isip ko saglit ang nangyari kanina. Nakangiting nilahad ni Marvin ang kaniyang braso na inabot ko naman.

"Nakuwento nga pala ni Kesha ang nangyayari sainyo noong isang araw Ate. Pasensiya na Ate Pat." Sabi naman ni Marvin habang naglalakad kami papalayo sa table namin.

"Ayos lang naman ako. Naiintindihan ko ang Kuya mo." Nakangiting sambit ko pero isang pilit na ngiti lang ang isinukli niya sa'kin. Hindi pa alam ng mga magulang nila ang totoong nangyayari sa'min ni Eren. Ilang beses na pinilit ni Marvin at Kesha na magsumbong pero pinipigilan ko sila. Panigurado ay kapag nalaman nila ay baka mas lalo lang lumala ang galit ni Eren at masira ko pa ang relasyon nilang pamilya.

"Saglit lang Ate. Hintayin mo ako dito a? Mag-ccr lang ako." Natatawang tumango naman ako kay Marvin atsaka Ito nagmamadaling tumakbo papuntang cr. Naiwan ako malapit sa buffet. Pagkakita ko palang sa mga pagkain ay natakam na agad ang tiyan ko. Tamang-tama dahil hindi pa ako kumakain simula pa kanina ng mag-start ang event.

Lalapit na sana ako sa buffet nang bigla na lamang may humawak sa braso ko dahilan upang mapalingon ako.

"Hi.." sabi ng isang lalaki na humawak sa braso ko at titig na titig pa sa'kin, "Do you still remember me?" Dagdag pa niya na ikinapagtaka ko naman.

"I'm sorry pero hindi kita kilala." Sabi ko naman habang pilit na hinihigit ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Ano bang sinasabi niya? Ni hindi nga siya pamilyar sa'kin.

"No. Kilala mo ako. C'mon alalahanin mo." Pagpupumilit niya. Kinutuban na ako ng hindi maganda sa taong 'to kaya naman ay puwersahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Ako 'to Pat— wait!" Hindi na ako nag-abalang pakinggan siya nang talikuran ko siya at naglakad ng mabilis papalayo sakaniya kahit hindi ko alam kung saan ako papunta. Wala na akong pakialam kung sino siya basta hindi ko siya kilala.

"Hey, wait!" Rinig ko ang sigaw ng lalaking iyon na tila sinusundan ako. Nakaagaw pa ng ilang atensyon ang sigaw na 'yon na ikinainis ko. Bakit ba pinagpupumilit ng lalaking 'yon na kilala ko siya kahit hindi ko naman talaga siya kilala?

Kahit malalaking hakbang pa ang gawin ko ay patuloy niya parin niya akong nasusundan kaya no choice ako kundi ang tumakbo. Hindi ko kabisado ang buong lugar na 'to pero bahala na. Hindi ko na alam kung saan na ako napupunta hanggang sa napansin kong unti-unti nang kumonti ang mga tao na nasasalubong ko. Nang lumingon ako sa aking likuran ay laking pasasalamat ko na hindi niya na ako nasundan pa. Huminto naman ako sa pagtakbo at habol hininga na tinignan ang paligid ko.

Hindi ko napansin na napadpad na pala ako sa isang pasilyo at sa dulo nito ay may malaking pinto. Dahil tinamaan ako ng matinding kyuryusidad ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko at binuksan ang pintong 'yon.

Napamangha ako nang bumungad sa'kin ang napaka-gandang garden. Punong-puno ng mga bulaklak at iba't ibang klase pa. Napangiti ako dahil nandon rin ang paborito kong pink tulips. Pumitas ako ng dalawa para sa'kin. Wala naman sigurong masama kung kukuha ako ng dalawa lang tsaka napakarami pa naman ng tulips sa paligid.

Pabalik na sana ako nang may marinig akong mga hikbi mula sa hindi kalayuan. At dahil matindi talaga kapag tinamaan ako ng pagtataka ay sinundan ko naman ang pinanggalingan nito hanggang sa mapadpad ako sa isang maze. Pagpasok ko palang sa loob ay puro na leafy greens ang mga nakikita ko dito. Liliko na sana ako nang mapahinto ako at makita ko ang dalawang tao na nakatalikod mula sa'kin at magkayakap. Hindi ako kalayuan mula sakanila at kilalang-kilala ko kung kaninong mga pigura iyon.

Agatha at Eren.

Hindi ko alam kung ilang segundo na akong nakatitig lamang sakanila pati ang tulips na hawak ko kanina ay nalaglag na dahil sa pagkatulala ko. Tila napako ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na namalayan na may mga nakatakas na palang luha sa mata ko.

"I.. I love you Eren." Hindi ko alam kung bakit sila magkasama at kung bakit umiiyak si Agatha habang sinasabi ang mga katagang 'yon. Mas lalong hindi ko alam kung bakit sila magkayakap. Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako sa nakikita ko.

"Oy Pat grabe ang bilis mo parin tumakbo— teka bakit ka umiiyak?" Napansin ko nalang na nandito na sa tabi ko ang lalaking kanina pa humahabol sa'kin. Nang hindi ko nasagot ang tanong niya ay tumingin siya sa gawi nila Eren kung saan ako nakatulala.

"Patrice.."

"Gusto ko tumakbo pero di ako makagalaw.." Wala ako sa sarili ko sa mga oras na 'to. Hindi ko alam kung paano ako kikilos dahil parang napako na ako sa kinatatayuan ko.

"S-Sige. Tara na.." Saad naman ng estranghero. Pinunasan niya muna ang mga luha ko bago hinawakan ang kamay ko at hinatak ako papaalis sa lugar na 'yon. Hindi ko alam kung saan kami papunta. Nakatulala lamang ako habang hatak-hatak niya ako at hindi parin mawala-wala sa isipan ko ang nakita kanina.

Gustong-gusto ko alisin kanina ang pagkakayakap ni Agatha kay Eren at tanungin si Eren kung bakit sila magkasama. Gusto kong sabihin na walang karapatan si Agatha kay Eren dahil ako ang asawa niya at ako ang may karapatan sakaniya pero napagtanto ko na kahit kailan ay hindi naman naging akin ang puso ni Eren.

"Nandito na tayo." Natauhan ako nang magsalita ang estranghero. Napagtanto ko na nakabalik na kami sa loob at napapaligiran na ulit ako ng napakaraming tao. Humarap ako sakaniya.

"Salamat." Pilit ko ipinakita ang pasasalamat ko sa ngiti ko at pagkatapos ay tinalikuran ko na siya't naglakad papalayo sakaniya.

"Ate!" Napalingon ako kay Marvin nang sumigaw ito at nagmamadaling nilapitan ako.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba galing?" Hingal na hingal na tanong niya.

"Sa garden." Sagot ko naman na ikinakunot ng noo niya.

"Garden? Anong ginawa mo don Ate?" Napakurap-kurap ako sa tanong na iyon.

"Gusto ko na umuwi Marvin." Nawala naman agad ang pagtataka sa mukha niya. Alam kong nakaramdam na siya na may hindi magandang nangyari.

"Sige Ate. Ihahatid na kita."

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon