CHAPTER 16

580 6 1
                                    

[CHAPTER 16]

"Cancel all my appointments tonight Miles." Utos ni Eren sakaniyang secretary na tinanguan naman nito. May mga ilang bagay pa silang pinag-usapan at maya-maya lang ay lumabas na si Miles. Nakahinga naman ng maluwag si Eren at sandaling pinikit ang mata niya. Mukhang napagod 'ata siya ngayong araw.

Pagkatapos ko gamutin ang sugat sa labi niya kanina ay natambakan na si Eren ng mga gawain at tila ba hindi ito nauubusan. Pinilit ni Eren tapusin lahat ng mga ginagawa niya kahit pa paminsan-minsan ay sumasakit ang sugat niya sa ibabang labi. Mukhang malakas ang suntok na nakuha niya kay Papa.

Napa-buntong hininga na lamang ako at naupo katapat ni Eren. Hindi na muna ako umuwi agad pagkatapos ko gamuting sugat niya tsaka mas maganda na rin siguro kung sasabay nalang ako kay Eren pauwi.

"Would you mind to go out on a date with me tonight?" Natigilan ako saglit sa tanong na iyon ni Eren. Hindi ko kasi ine-expect na 'yon ang sasabihin niya. Akala ko ay mag-aaya na siyang umuwi tutal ay mag-gagabi na.

"Why all of a sudden? I mean—"

"I just realized, I never asked you out since we got married and since malapit na tayo mag separate ways.. let's have a date?" Aniya pagkatapos ay tumayo siya mula sakaniyang inuupuan. Nagulat ako nang inilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko.
"Kahit bago manlang tayo maghiwalay."

Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon para makumpirma kung totoo ba ito o panaginip lang. Ito 'yong bagay na matagal ko nang gustong mangyari na akala ko noon ay napaka-imposible. Pero bakit kailan naman na handa na akong iwan siya ay tsaka naman siya nagkakaganito.

"Please," Aniya habang nakalahad parin ang kamay niya sa harap ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko tinggap ang kamay niya bilang pag sang ayon.

"Thank you." Halos pabulong niya nang sabi. Ngumiti naman ako. Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa at naglakad na kami papalabas.

Inaamin ko sa sarili ko na sumaya ang puso ko at hindi ko maiwasan na ma-excite sa ideya na ito ang unang beses na lalabas kami na magkasama.

Nang makalabas kami ng building ay bumungad na samin ang nakaparadang sasakyan ni Eren. Nilapitan siya ng isang empleyado at inabot sakaniya ang susi ng sasakyan niya. Inalalayan ako ni Eren papasok sakaniya sasakyan at dali-dali naman siyang pumasok din pagkatapos at agad na minaneho ito. Hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon o kung anong date ba ang binabalak niya pero bahala na.

"May sugat ka pa. Ayos lang na lumabas ka ng ganiyan?" Tanong ko. Saglit akong tinapunan ng tingin ni Eren atsaka muling binalik ang tingin sa kalsada.

"It's fine. It's just a scar Patrice," Aniya.

Maya-maya pa'y hininto na ni Eren ang sasakyan sa parking lot ng isang five star restaurant. Agad namang bumaba si Eren at pinagbuksan ako ng pinto. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok. May iilan na napapatingin sa gawi namin kaya hindi ko na naman maiwasan na mailang.

Nang maupo na kami ni Eren ay agad na may lumapit sa'min na waiter. Si Eren na ang bahalang nag order ng kakainin naming dalawa habang ako naman pinapanood lang siya o kaya'y paminsan-minsan ay pinagmamasdan ko ang buong paligid.

"I'm so happy." Nagtatakang naptingin ako sakaniya. Hindi ko napansin na nakaalis na pala 'yong waiter.
"Thank you." Aniya sabay ngiti. Kahit na may sugat siya sakaniyang ibabang labi ay gwapo parin siya tignan lalo na kapag nakangiti siya.

"Anyway, kamusta na 'yong annulment?" Saglit pa akong natigilan ng itanong niya 'yon pero kalaunan ay nakabawi rin.

"Hanggang ngayon nasa process parin pero babalitaan kita kapag matatapos na." Sagot ko. Tumango naman siya at nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko mula sa ibabaw ng table.

"I saw you that night Patrice." Aniya. Alam ko na agad kung ano ang tinutukoy niya. Paano ko nga ba makakalimutan ang gabing 'yon na nakita ko silang dalawa ni Agatha. Parang may kung anong tumusok sa puso ko nang maalala ko na naman 'yon. Babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya kaya lang ay mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya dito.

"Eren please.."

"Hear me out please." Bumagsak ang balikat ko sa sagot na 'yon. Hangga't maari ayoko na maalala 'yon o marinig ang tungkol don.
"You misunderstood what you saw that night. It's not what you think." Napalitan ng buong pagtataka ang mukha ko.

"Noong nagpaalam akong may kakausapin lang I admit I was referring to Agatha that time. I talked to her just to clarify some things between us. It is true, I still do love her but a part of me is confused and she wanted a new start. At that very moment she wanted to end every feelings she shared with me. She confessed and clarify everything about us and in the past." Aniya. Mas humigipit ang hawak niya sa kamay ko.
"Agatha confessed about the greedy plans of her family that she never agreed. She confessed everything that I need to know in the first place. As much as she wants to pursue the wedding with me she have no choice but to let me go cause she won't be able to protect me from her greedy family if that plans happened." Pagpapaliwanag niya.

Napatulala na lamang ako. Hindi ko alam kung paano isisink in sa utak ko 'yon o kung paniniwalaan ko ba lahat ng mga sinabi niya.

"Pero magkayakap kayo.."

"It was her last request and I agreed. She still do love me but she doesn't want to interfere in my life anymore. She even said she doesn't want to ruin what we have. Believe me. At that night, everything about us is already over." Aniya. Napangiti siya at hinalikan ang kamay ko. Maya-maya pa ay dumating na ang mga inorder namin kaya agad naman akong umayos. Pinanood ko si Eren habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

"Just to let you know, I didn't say all of that just to stop you for filing an annulment. I just wanted to explain all of it to you just to clear things out before we separate ways." Nakatitig lang ako kay sakaniya habang nakangiti siya sa'kin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Wala ni isang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"As much as I wanted to stop you but I can't. It's your own will and I know I could do nothing."

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon