CHAPTER 20

570 7 0
                                    

[CHAPTER 20]

"I'm so glad to meet you Mrs. Mendoza." Nakangiting sambit sakin ng isa sa mga nagpakilala sakin na investors daw dito. Sinagot ko naman ito ng isang ngiti at nagpaalam na may hahanapin.

Nong magsimula ang event kanina ay naging abala si Eren kumausap ng mga bisita kaya napagpasyahan ko na muna na humiwalay sakaniya at magikot-ikot muna dito kaya lang ay hindi ko naman magawa ng maayos ang gusto ko dahil maya't-maya ay may lumalapit sa'kin na kakilala ni Eren at kakausapin ako. Hindi ko na nga mabilang kung ilang tao na ang kumausap sa'kin. Kaliwa't kanan merong lumalapit.

Habang hinahanap ko ang table na kinauupuan namin kanina ay bigla namang tumugtog ng slow music at maya't-maya ay napuno na ang gitna ng hall ng mga couples.

"Can I invite you to dance?"

Napatingin ako sa nagsalita mula sa aking likod at nagulat ako nang makita si Simon na nakalahad ang kamay sa harap ko.

"Please 'wag mo naman ako ireject na maisayaw ka." Aniya. Tumango naman ako at inabot ang kaniyang kamay. Napangiti naman siya at agad akong iginaya sa gitna.

Nakakaramdam ako ng pagkailang dahil medyo malapit lang sa'kin si Simon at titig na titig pa siya sa'kin pero naalala ko na ito na ang pagkakataon ko para humingi ng pasensya sakaniya para sa nangyari noong isang araw.

"Simon i'm sorry." Lumawak naman ang ngiti sakaniyang labi at umiling.

"Alam ko naman na mare-reject mo ako 'non pero nagbaka-sakali parin ako." Sagot niya. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at hindi ko maiwasan na maguilty.

Ang laki-laki ng naitulong sa'kin ni Simon, hindi ko alam kung paano ko ba masusuklian lahat ng kabutihan niya sa'kin at kung puwede lang na turuan ko ang puso ko mahalin siya ay gagawin ko. Napapaisip din ako na kung siya siguro ang minahal ko ay hindi ko na kailangan danasin ang lahat ng pasakit na naranasan ko kay Eren.

"Pero wala akong pinagsisisihan Patrice na minahal kita kahit na one sided lang. Masaya ako na nakilala at minahal kita kahit wala akong kapalit na natanggap." Napatitig ako sa mga mata niya na punong-puno ng sinseridad. Hindi ko maiwasan na maluha. He's one of the most sincere person na nakilala ko.

"Kung puwede ko lang sabihin sa puso ko na mahalin ka ay gagawin ko.."

"Kaso hindi naman ganon ang pagmamahal." Huminto kami sa pagsasayaw at malambing niyang pinunasan ang luha sa mata ko.
"Kahit pa puwede mong sabihin sa puso mo na mahalin ako agad ay hindi naman ako papayag don, mas gusto kong mahalin mo ako sa dahilan na gusto talaga ng puso mo at hindi napipilitan." Nakangiti niyang sambit. Iginaya niya ako paalis sa gitna ng hall at hindi ko naman napigilan ang sarili ko at nayakap ko siya. Saglit pa siyang natigilan pero agad ring namang mahigpit na yumakap sakin pabalik.

"I'm really sorry Simon." I really treasure the friendship that i have with Simon at sobrang nagpapasalamat ako sa panahon na tinulungan niya ako. Alam kong makakahanap din si Simon ng babae na para sakaniya, 'yong babaeng deserve niya.

"Quit that sorry thing. Parang lalo mo lang pinapamukha sa'kin na hanggang kaibigan lang ako." Natatawang sambit niya pagkatapos ay humiwalay sa yakap ko.

"Salamat, 'wag mo parin ako iiwasan." Saad ko dahilan upang matawa siya lalo.

"Of course. Naging busy lang ako nitong nakaraan but it doesn't mean na iniiwasan kita." Aniya. Sasagot palang sana ako nang may humawak sa bewang ko. Pagtingin ko ay agad na bumungad sa'kin ang seryosong-seryoso na si Eren.

"I've been looking for you everywhere," Aniya. Napaismid naman si Simon dahilan upang kunutan siya ng noo ni Eren.

"Your annulment is near bastard. Stop acting like a good husband kasi hindi naman bagay." Mapangasar na sabi naman ni Simon at agad kong napansin ang pagkuyom ng kamao ni Eren. Pinanlakihan ko naman ng mata si Simon at mukhang agad naman niyang nakuha ang ibig sabihin.

"I'll go ahead Pat. Take care." Aniya. Kumindat pa siya bago ito naglakad papalayo. Kahit kailan talaga ay napaka mapang-asar nitong si Simon. Napa-buntong hininga na lamang ako at hinawakan ang nakakuyom na kamao ni Eren para kumalma siya.

"May pinag-usapan lang kami." Halata sa mukha nito ang inis nang humarap siya sa'kin.

"You talked about what? You were nowhere to be found a while ago tapos makikita nalang kita na kausap 'yon. Ever since Highschool magkasama na kayo tapos hanggang ngayon magkasama parin kayo? Is he your tail?" Aniya sa naiinis na tono. Hindi ko mapigilan na matawa sa naging turan niya kaya mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo.

"Are you jealous?" Natatawa kong tanong.

"So what if I am?" Mas lalo akong natawa sa sagot niya. Tila isang bata na naiinis ang tono ng kaniyang boses.
"You are making fun of me obviously."

"I'm sorry. Can't help it. We're just best friends and nothing else."

"Alright." Tila hindi siya kumbinsido kaya hinayaan ko na lamang siya at hinatak siya papunta sa gitna ng hall. Hanggang ngayon kasi ay pinapatugtog pa nila 'yong slow music.

"Let's just dance. Ang pangit naman kung hindi mo isasayaw ang Asawa mo diba?" Agad naman sumilay ang ngiti sa labi niya nang sabihin ko 'yon.

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon