[CHAPTER 27]
Third Person's POV
7 years ago"Simon.." Bungad sakaniya ng kaibigan niyang doktor pagkasagot niya ng tawag nito. Agad kumunot ang noo ni Simon sa tono ng boses nito. Nararamdaman niyang tila may hindi magandang nangyayari.
"'Yong kinahuhumalingan mo, nandito sa hospital ko. Kritikal ang lagay dahil sa pagsabog kanina at may tama pa ng baril." Paliwanag ng kaniyang kaibigan. Agad siyang binalot ng matinding kaba dahil sa narinig."Papunta na ako jan!" Natatarantang sambit ni Simon sabay marahas na pinihit ng manibela ng kaniyang sasakyan. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib habang mabilis ang ginagawa niyang pagmaneho. Nag-aalala siya na baka kung ano na ang mangyari kay Patrice.
Nang makarating sa hospital ay agad itong tumakbo sa kwartong kinaroroonan ni Patrice. Nanlambot ang kaniyang tuhod nang makita ang matinding galos na natamo nito at may benda pa ang ulo nito. Agad na nilingon ni Simon ang paligid at napansin na wala si Eren.
"She's on coma. Pinapili ko si Eren Mendoza... at pinili niyang mabuhay ang Asawa niya." Napatingin si Simon sa kaniyang tabi at nakita niya ang kaibigan niyang doktor na awang-awa na nakatingin kay Patrice. Tila biniyak ang puso ni Simon dahil sa nalaman. Nagbabadya ang luha niya nang hawakan ang kamay ni Patrice. Iniisip pa lang niya ang reaksiyon ni Patrice sa oras na malaman nito ang nangyari sakanilang anak ay paniguradong masasaktan ito.. hindi niya kayang makita iyon.
"Nasan si Eren? Wala bang ibang tao dito?" Tanong ni Simon sa kaibigan.
"Nasa parking lot si Eren. Sinundan ko don kanina. He's probably griefing to the lost of their angel at 'yong secretary naman niya nagpaalam na ibabalita sa magulang ni Eren ang nangyari. Pabalik na siguro 'yon." Sagot nito. Ibinulsa ng doktor ang kaniyang palad at tumalikod.
"Hindi na dapat kita babalitaan.. pero naisip ko na matagal na kayong magkaibigan kaya binigyan na rin kita ng karapatan na malaman mo. Ikaw na muna magbantay, babalik ako mamaya." Ani ng doktor bago ito lumabas ng kwarto.Hinang-hina napaupo si Simon habang pinagmamasdan ang babaeng matagal niya nang mahal. Marahan na hinaplos nito ang kaniyang pisngi. Nasasaktan siya sa kalagayan ni Patrice at kung maaari nga lang ay makipag-palit siya dito ay gagawin niya.
"Hindi ka siguro naprotektahan ni Eren kaya ka nanjan sa lagay na 'yan." Sambit ni Simon.
"Kung ako nalang sana minahal mo, edi naprotektahan pa kita. Hindi ka sana nagdudusa ngayon jan." Aniya habang naluluhang hinahaplos ang pisngi ni Patrice.Nababaliw na siguro siya. Alam niya sa sarili niyang hindi naman siya maririnig ni Patrice pero hindi niya maiwasan na kausapin ito kahit na alam niyang comatose siya.
Kung nandon lang din sana siya sa lugar kung saan ang pagsabog ay naprotektahan pa siguro niya si Patrice. Sobrang mahal niya ito na kahit na siguro pati granada ay handa niyang saluhin para sakaniya.Biglang may planong pumasok sa isip ni Simon. Tumayo ito sa kinauupuan at agad na lumabas sa kwarto.
Kung hindi kayang protektahan ni Eren si Patrice, siya nalang ang gagawa nito.Biglang nilapitan ni Simon ang isang nurse na papasalubong sakaniya. Hinawakan ni Simon ang palapulsuhan nito.
"Tulungan mo ako. Akong bahala sa'yo at babayaran kita." Ani ni Simon na ikinagulat ng nurse. Saktong nasa matinding pangangailangan ang nurse ngayon kaya agad siyang kumagat sa plano ni Simon.
Maingat at malinis na ipinagpalit ni Simon at ng nurse ang katawan ni Patrice at ang bangkay ng isang estrangherong babae na isa sa mga nasawi sa pagsabog kanina. Sinugurado nila na walang nakakita ng kanilang ginawa. Nagkasundo ito na walang ibang makakaalam sa nangyari. Sinabihan rin ni Simon na sirain ang mga cctv footages na nandon sa ward na 'yon at ibalita sa mga ibang nurse at doktor na patay na ang pasyenteng si Patrice. Sinang-ayunan naman Ito ng Nurse.
Maingat na isinakay ni Simon si Patrice habang nakakakabit ang iilang aparato sa katawan nito sakaniyang sasakyan. Nang matapos ay agad niyang minaneho ang kaniyang sasakyan at nong pipihit na siya ay agad niyang nakita si Eren na may kausap sa telepono nito at maya-maya pa'y napaluhod. Mula sa loob ng sasakyan niya ay rinig na rinig niya ang malakas na sigaw at ang pag-iyak ni Eren.
Wala na siyang pakiaalam pa dito kaya hinarurot na niya ang kaniyang sasakyan paalis sa hospital na 'yon.Dinala ni Simon si Patrice sa probinsya sa Siargao. Tatlong buwan ang inabot bago nagising ang si Patrice. Laking tuwa ni Simon na sa unang pagmulat ng mga mata nito ay siya ang una niyang nakita pero din nawala ang ngiti niya.
"Sino ka?"
Ito ang unang salitang bumungad sakaniya pagkagising nito. Natigilan man ay agad namang nakabawi si Simon at umayos. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Patrice. Nangunot ang noo nito.
"Ako ang asawa mo, Patrice."
Hindi na nito naaalala ang nangyari sakaniya at kahit na pangalan ay hindi na. Ani ng doktor sakaniya ay temporary lang ang amnesia ni Patrice. Hindi alam ng doktor kung ilang buwan o linggo ang aabutin bago bumalik ng tuluyan ang mga alaala niya, bagay na hindi hahayaang mangyari ni Simon.
Nang humilom ang mga galos at sugat na natamo ni Patrice ay pinapainom na ito ni Simon ng isang gamot upang hindi matrigger ang mga alaala niya."Babalik ba talaga alaala ko kapag ininom ko 'yan? Isang taon ko na kasing iniinom 'yan, e." Sambit ni Patrice. Hinawi ni Simon ang mga takas na buhok sa mukha nito at ngumiti.
"Patience, Pat. Makakaalala ka rin basta inumin mo lang 'to." Isang kasinungalingang sambit ni Simon. Pilit na ngumiti si Patrice at tinanggap ang gamot. Buo ang tiwala niya kay Simon dahil sabi niya ay asawa niya ito. Gustong-gusto na niyang bumalik ang mga nawalang alaala niya sakaniya.
Hindi nagtagal ang pagpapanggap ni Simon na Asawa ni Patrice ay nagkaroon ng bunga na pinangalanan naman nilang Cadden.
Ngayon ay ginagawa niya ang lahat upang hindi sila mahanap ng kung Sino mang nakakakilala sakanila. Patuloy niyang tinatago si Patrice at Cadden dito sa Siargao.
BINABASA MO ANG
Unwanted Vow
RomanceWalang ibang magawa si Patrice Belen kundi ang pakasalan si Eren Mendoza dahil sa utang na loob niya sa magulang nito. She never dreamed to have a ruined marriage life with Eren. She thought na matututunan siyang mahalin pabalik ng kaniyang Asawa, b...