CHAPTER 32

424 6 0
                                    

[CHAPTER 32]
Simon's POV

"Sir, pasensya na pero wala pong records ng airline ang pangalan ng pinapahanap niyo." Sambit ng aking tauhan. Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Maghanap ka pa! May ibang airlines pa jan, siguradong nandon ang pangalan niya! Icheck mo na pati ang mga hotel records! Gawin mo ng maayos ang trabaho mo!" Galit na sambit ko at wala naman itong ibang magawa kundi ang sumunod pagkatapos ay ibinaba na ang tawag. Galit na ibinagsak ko ang telepono at nang mahagip ng mata ko ang mga gamit ay walang pagdadalawang isip ko itong pinagtatapon.

Hindi ko hahayaang mawala sa'kin si Patrice. Nasa akin na siya. Ako ang kinikilala niyang Asawa at wala nang iba. Wala akong pakialam kung may nasasaktan o may nasasagasaan man ako sa ginagawa ko, kahit anong mangyari hindi ko siya papakawalan.
Alam kong makasarili ako pero kapag iniisip ko palang na mawawala sa'kin si Patrice ay hindi ko na kinakaya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyan na siyang nakaalala at bumalik kay Eren. Hindi puwedeng mangyari 'yon. Hindi ko puwedeng hayaan na mangyari 'yon.

Sinungaling ako nong sinasabi ko sakaniyang gusto ko mabalik ang alaala niya kahit na ang totoo ay ayaw ko naman talaga. Kaya gumagawa ako ng paraan para hindi siya tuluyang makaalala pero sa sitwasyon ngayon ay hindi ko maiwasan isipin na siguro ay nakakaalala na si Patrice kaya ito umalis. Hindi na umubra pa siguro sakaniya ang gamot na pinapainom ko upang hindi matrigger ang kaniyang mga alaala. Wala itong kuwenta! Kailangan ko siyang maibalik dito upang magawan ko ng paraan. Hindi siya puwedeng mawala sa'kin. She's mine only. She's my wife!
Damn it! Kailangan ko siya mahanap agad at ang anak ko. Hindi pa huli lahat, maaayos ko pa ang pamilya ko!

Natigil ako sa pagwawala ko nang biglang sumagi sa isip ko ang katulong namin. Galit na naglakad ako papunta sa kwartong tinutuluyan nito dito sa bahay. Siguradong may nalalaman siya. Siguradong may alam siya sa pag-alis ni Patrice. Nagpapanggap lamang itong walang alam. Hindi ako puwedeng magkamali!

"Sir?" Kinakahaban na sambit nito nang bigla kong hawakan ng mahigpit ang kaniyang braso.

"May alam ka hindi ba?! Alam mo kung nasaan ang Asawa ko diba?! Umamin ka na!" Nanlilisik ang mga mata na tinitigan ko siya. Namutla ang kaniyang itsura na tila ba nakakakita ito ng multo. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sakaniyang braso dahilan upang mapadaing siya.

"S-Sir, pasensya n-na pero—"

"Aamin ka o idadamay ko ang pamilya mo?!" Walang pagdadalawang isip ko na sambit. Mas lalo itong namutla.

Wala akong pakialam sa iba. Ang tanging gusto ko lang ay mabalik sa'kin si Patrice! Handa akong pumatay para lang mahanap sila ng anak ko, kaya kong gawin lahat para sakanila!

"Maawa kayo Sir 'wag niyo idamay ang pamilya ko pakiusap!" Naiiyak na nagmamakaawang saad nito.
"Sabi po sa'kin ni M-Ma'am ay pupunta silang Maynila dala si Cadden. Nong gabing umalis sila, may kasama silang b-babae. Hindi ko po kilala pero tingin ko po siya ang tumulong sakanila.." Nanginginig na saad niya. Agad ko siyang binitawan. Nagmamadaling bumalik ako sa aking kwarto at tinawagan ang aking tauhan.

Nang matapos akong makipag-usap sa tauhan ko ay agad akong lumabas at hinanda ang mga gamit at sasakyan ko. Mariin ang pagkakakapit ko sa manibela ng kotse bago ito paandarin.

"Hahanapin kita kahit nasaan ka pa, Patrice. Sa'kin ka lang. Sa'kin lang kayo ni Cadden!"

———
Patrice's POV

"Tara na?" Nakangiting sambit sa'kin ni Agatha. Kitang-kita ang sayang gumuguhit sakaniyang mukha, halatang masaya siya para sa'kin. Kinakabahang tumango ako pagkatapos ay naglakad na kami palabas nitong condo habang hawak-hawak ko ang kamay ni Cadden.

Ngayon ang punta namin sa opisina ni Eren. Siguradong nakauwi na ito ngayon galing Laguna at kapag nagkita kami ay agad kong ipapaliwanag sakaniya. Nangako rin ako kay Cadden na ipapaliwanag ko sakaniya ang totoong nangyayari sa paraang maiintindihan niya. Nababahala ako sa magiging reaksiyon ni Eren at Cadden pero bahala na. Ang mahalaga ang matuldukan ang lahat ngayong araw.

Nang sasakay na kami sa sasakyan ni Agatha ay bigla namang nagsimula umikot ang paningin ko. Nakaramdam ako ng matinding pagkahilo dahilang upang mabitawan ko si Cadden at napahawak sa hamba ng pintuan ng sasakyan. Nagaalalang dinaluhan ako ni Agatha at narinig kong nagsimula na namang umiyak ang anak ko.

"Patrice? Patrice? A-Anong nangyayari sa'yo?!" Nag-aalalang sambit ni Agatha. Hindi ko ito masagot ng maayos dahil sa hilong nararamdaman ko. Maya-maya lang ay napalitan na ito ng matinding sakit dahilan upang mapadaing ako at mapahawak sa aking ulo kasabay non ay ang paglabas ng iilang imahe sa aking isipan na sa palagay ko ay ang mga nawalang alaala ko.

"I know how much you love City view's since we are young so that's why I renovate my office a few weeks ago for you.. para makita mo 'to."

"But i love what I'm doing to you. It's making my heart jump in happiness whenever i'm taking care of you or by just simply holding your hand."

Muli na naman akong nakakarinig ng boses sa aking isip habang patuloy ang pagsakit ng aking ulo. Napapasabunot na lamang ako sa buhok ko dahil sa matinding pagsakit ng ulo ko. Ang pakiramdam na mabibiyak ang aking ulo ay hindi ko kinakaya. May kung anong sinasabi si Agatha pero hindi ko na ito maintindihan. Wala na ako sa wisyo para alalahanin pa ang mga sinasabi niya. Napahagulhol ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

"It is beautiful, Patrice. You are beautiful."

Mas lalong tumindi ang pananakit ng aking ulo nang sunod-sunod na mga imahe ang sumagi sa aking isipan. Nag-iiiyak na napahiga ako sa concretong sahig habang sapo-sapo ang aking ulo.

"You're not going to sign this papers anymore, Patrice. This is your dead end. I'm your dead end."

Hindi ko na kaya! Tama na! Ayoko na! Please, make this pain stop!

Unti-unti nang lumabo ang paningin ko hanggang sa binalot na ng dilim ang paningin ko.

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon