CHAPTER 36

484 6 1
                                    

[CHAPTER 36]
Third Person's POV

"Cadden, 'wag ka lumayo sa'min." Sambit ni Patrice sa anak nang makita niya itong nakikipaghalubilo sa ibang bata na nakilala niya dito sa isang event ng isang business partner ni Eren.

"He'll be fine. Hindi siya mawawala dito." Saad naman ni Eren bago ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa bewang ng asawa.
"You can play now, young man." Nakangiting sambit ni Eren sa bata. Bumungisngis naman ito at tumango. Nilingon ni Cadden ang kaniyang mga bagong kaibigan.

"Tara na! Punta na tayo don sa chocolate fountain!" Nakangiting sambit ng kaniyang bagong kaibigan na si Hans. Simangot naman ang kasama niyang si Noah.

"Chocolate again? Nakakaumay na 'yon, Hans!" Sambit ng batang si Noah. Hindi siya pinansin ng kaibigan. Kinuha ni Hans ang kamay ni Cadden atsaka ito hinatak papunta sa isang chocolate fountain. Wala namang ibang magawa ang kaibigan nitong si Noah kundi ang sumunod na lamang. Natawa na lamang si Cadden habang nagpapatianod.

Isang buwan na rin ang nakalipas simula noong bumalik ang mga alaala ni Patrice. Maraming nagulat nang malaman ng mga magulang, kaibigan at kapatid ni Eren na buhay pa si Patrice. Halos bumaha ng luha sakanilang bahay nong araw na pinaalam iyon ni Eren. Tanggap naman ng pamilya ni Eren si Cadden at pinaplano na rin nila na gawing Mendoza ang apilyido ng bata bagay na sinangayunan naman ni Eren.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap parin si Simon. Balita ng mga tauhan ni Eren ay naka-alis na ito ng Siargao kaya naman ay mas lalo pinag-igihan ang paghahanap sakaniya dito sa Maynila. Naglagay na rin sila ng mga wanted signs nito upang madaling makita. Alam ni Eren na nagtatago lang ito kung saan kaya pinahihigpitan niya ang security sa village at bahay na tinitirhan nila. Nag-hire na rin ng bodyguards si Eren para kay Cadden upang masigurado ang kaligtasan nito.

"Palagi ko nakikita ang Daddy Eren mo sa mga events ni Ninong pero ngayon ko lang ikaw nakita pati ang mommy mo. Siguro galing ka ibang bansa?" Tanong ni Hans. Sandaling napaisip si Cadden

"Sa Siargao kami tumira pansamantala ni Mommy." Sagot agad ni Cadden nang makaisip siya sa wakas ng kaniyang sasabihin. Bumungisngis naman si Hans.

"Nakapunta na kami don ni Noah kasama mga pinsan namin! Diba, Noah?" Nilingon ni Hans ang kaibigan at tanging tango lamang ang sinagot nito. Napangiti si Cadden.

"Hindi mo kamukha ang Daddy mo." Puna ni Noah. Napakurap-kurap si Cadden. Nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba niya sa mga bago niyang kaibigan na hindi niya talaga totoong Ama si Eren at ngayon lamang din niya ito nakilala.
"Nevermind. May hawig naman kayo ng Mommy mo. Siguro doon ka nagmana." Sambit ni Noah. Magsasalita palang sana si Cadden nang biglang may humawak sakaniyang mga balikat dahilan upang lingunin niya kung sino iyon. Halos manlaki ang kaniyang mata.

"Hindi niya kamukha dahil ako ang tatay niya." Sambit ni Simon habang malokong nakangiti sa batang si Noah. Biglang binalutan ng kaba si Noah at Hans. Pakiramdam nila ay may binabalak itong masama. Sa takot ni Cadden ay hindi na siya nakagalaw pa dahilan upang buhatin siya ni Simon.
"Namiss mo ba ang Daddy, Cadden? 'Wag ka mag-alala uuwi na tayo sa Siargao kasama ang Mommy mo." Nakangiting tanong ni Simon sa anak. Napuno ng takot ang sistema ng batang si Cadden nang makitang may hawak itong baril sa isang kamay nito. Pilit na pinapaniwala ni Cadden ang sarili na hindi ito ang kaniyang ama. Hindi ganito ang ama na kinilala niya.

"Tito Eren! Tito Eren! Tito Eren!" Sigaw ng batang si Hans habang tumatakbo sila ni Noah papunta sa gawi nila Eren at Patrice. Naluluha ang mga mata na lumapit ito sakaniya. Agad binalingan ni Eren ang gawi na pinaggalingan ng dalawang bata. Kumuyom ang kaniyang kamao nang makita si Simon bitbit si Cadden. Biglang sumiklab ang galit na matagal niyang kinimkim sa taong sumira ng pamilya niya.

"No.. no.. my son. Eren, do something." Natatakot na sambit ni Patrice.

Nagsimulang mag-panic ang lahat ng tao sa event na iyon. Kinausap ni Eren ang iilang staff na nandon sa event upang magpatawag ng pulis bago galit na galit na lumapit kay Simon.

Nang makita ni Simon na papalapit si Eren at Patrice ay agad niyang tinutok ang baril sa ulo ni Cadden. Agad na napahinto si Eren.

"Put that gun down. Lumaban ka ng patas, Simon." Puno ng diin na sambit ni Eren pero isang nakakalokong ngiti lang ang isinukli sakaniya ni Simon.

"Daddy.. Daddy help.." Naiiyak na sambit ni Cadden. Punong-puno ng takot ang kaniyang mga mata na nakatingin kay Eren. Nagpantig ang tenge ni Simon sa narinig at masama ang tingin na binalingan ang anak.

"What did you say? Tinawag mo siyang Daddy?! How dare you! Ako ang tatay mo, Cadden!" Puno ng galit nitong sambit. Dumiin ang pagkakatutok niya sa baril dahilan upang lalong balutin ng takot si Cadden.

Pilit ikinalma ni Eren ang sarili. Hindi siya puwede magpadalos-dalos ng kilos dahil maaring ikapahamak ito ni Cadden kailangan niyang mag-isip ng paraan upang mabawi sa kamay nito ang bata.

"Ibaba mo ang anak ko, Simon! Ako ang kalabanin mo dito!" Sigaw ni Eren. Nagtangis ang bagang ni Simon.

"Hindi mo siya anak, anak ko siya! Ako ang tatay niya at asawa ni Patrice! Ibalik mo sa'kin ang asawa ko, Eren!"

"Kahit kailan hindi naging sa'yo si Patrice! Walang naging sa'yo kaya itigil mo na 'yang kabaliwan mo at bitawan mo si Cadden!" Sigaw ni Eren ngunit parang wala itong talab kay Simon. Nagsisimula nang maubusan ng pasensya si Eren. Hanggang ngayon ay wala paring pulis na dumarating. Nangangamba siya na baka kung anong gawin nito sa bata.

"Ibabalik mo sa'kin si Patrice o babasagin ko bungo ng batang 'to?!"

Napaiyak si Patrice dahil sa sinabi ni Simon at kasabay non ay ang panlalambot ng kaniyang tuhod dahilan upang mapaluhod siya. Hindi siya makapaniwala na ang Simon na kaibigan niya noong High School ay ibang-iba sa Simon na kaharap niya ngayon. Tila isang Simon na sakim at baliw ang kaharap niya. Ibang-iba sa Simon na nakilala niya. Sa sobrang sakim nito ay kahit sarili niyang anak ay kaya niyang ipahamak.

Napapitlag ang lahat ng ipaputok ni Simon ang baril sa kisame. Napahagulhol si Cadden sa takot.

"Pagkabilang ko ng tatlo at hindi ka pa lumalapit dito ay papatayin ko ang anak natin Patrice... Isa.." Nagsimula itong magbilang bago muling itinutok ang baril sa ulo ng bata. Hindi alam ni Patrice ang kaniyang gagawin. Hindi siya makatayo o kahit na maikilos ang kaniyang mga paa ay hindi niya magawa.

"Dalawa.."

Hindi na kaya pang antayin ni Eren ang mga rerespondeng pulis kaya agad itong tumakbo palapit kay Simon at inagaw ang baril na hawak nito. Agad na nabitawan ni Simon si Cadden. Umiiyak na tumakbo ito papunta sakaniyang Nanay.

"Papatayin kita, Simon!" Puno ng galit na saad ni Eren habang pilit na inaagaw ang baril mula kay Simon.

"Kasama kitang mamamatay, Eren!" Bago pa man mapitik ni Simon ang gatilyo ng baril ay buong lakas na inangat ito ni Eren dahilan upang muling pumutok ito sa kisame. Tinuhod ni Eren ang sikmura ni Simon pero hindi ito natinag. Tila balewala lamang dito ang sakit.

Buong lakas na itinapat ni Simon ang baril sa sikmura ni Eren at bago pa man niya mapitik ang gatilyo nito ay napaluhod na lamang siya nang maramdaman ang matinding sakit na tumama sakaniyang dibdib. Nang tignan iyon ni Simon ay meron siyang tama ng bala dito. Nanghihina na nabitawan ni Simon ang baril. Agad itong sinipa ni Eren papalayo at masama ang tingin na binalingan ang taong bumaril kay Simon.

"Ang galing ko ba, Kuya?"

"Damn you, Marvin. Ang tagal niyo." Naiinis na sambit ni Eren. Ngumisi lang ang kapatid niya na nakauniporme ng pulis. Agad na nilapitan ng mga kasamahang pulis ni Marvin si Simon upang arestuhin ito.

"Daddy!" Umiiyak na lumapit si Cadden kay Eren. Agad naman itong sinalubong ni Eren ng yakap. Isang ngiti ang kumurba sakaniyang labi.

"Sshh.. everything's alright now, son. No one can harm you now." Sambit ni Eren sa bata. Binuhat niya si Cadden na ngayon ay nakayakap sakaniyang leeg habang patuloy parin itong humihikbi. Naiiyak na yumakap din si Patrice sakaniyang Asawa.

Pareho silang nabunutan ng tinik sa dibdib ngayong nahuli na si Simon. Sa wakas ay makakapamuhay na sila ng tahimik na walang ibang inaalala. Napangiti si Eren at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Patrice at Cadden.

"Everything has now fallen to their right places."

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon