CHAPTER 34

460 7 0
                                    

[CHAPTER 34]
Third Person's POV

"He's Cadden. Anak ni Patrice... Kay Simon."

Walang pagdadalawang isip na inamin ni Agatha ito kay Eren. Alam niyang wala siya sa posisyon upang magsabi nito pero sa sitwasyon ngayon ay mukhang kailangan na itong malaman ni Eren.

Bumagsak ang mga balikat ni Eren at kasabay non ay ang pakiramdam na tila may kung anong tumusok sakaniyang dibdib dahil sa narinig. Nilingon ni Eren ang batang nag-iiyak ngayon habang yakap ang walang malay na si Patrice. Unti-unti siyang umiling nang umiling. Pinipilit na paniwalain ang sarili na isa lang ito sa mga kalokohan ni Agatha.

"No... Y-You're lying. Hihintayin kong magising si Patrice. A-Alam kong hindi 'to totoo. You're just l-lying, Agatha." Nagsimulang manginig ang kaniyang mga kamay. Umiling naman si Agatha bilang sagot.

"Pawang katotohanan ang lahat ng sinabi ko, Eren." Diretsong sagot ni Agatha. Tuluyang gumuho ang mundo ni Eren.

Hindi maaaring anak niya ang batang 'to dahil ang anak niya'y matagal nang wala. Nasaksihan niya 'yon. Nandon siya sa mga oras na inooperahan si Patrice. Sinabi ng doktor sa mismong harap niya na wala na ang anak nila. Kaya imposibleng sakaniya ito.
Muling nag-unahan ang mga luha ni Eren. Tuluyan nang nanlambot ang kaniyang tuhod dahilan upang mapaluhod siya.

Nang titigan ni Eren ang bata ay hindi mapagkakailang may pagkakahawig ito sakaniyang ama dahilan upang mas lalo niyang makumpirma kung sino ang ama nito.
Matagal niyang ginusto na makitang magkaanak sila ni Patrice kung bibigyan nga lang sila ng pagkakataon pero hindi niya akalain na mangyayari ito... pero ang masaklap ay si Simon ang ama. Mas lalong tumindi ang pagkamuhi na nararamdaman ni Eren kay Simon.

"H-Hindi ko siya matatanggap.. alisin mo siya dito." Nakatulalang sambit ni Eren habang patuloy parin sa pag-agos ang luha niya. Hindi na niya kayang tignan ang bata. Dahil sa tuwing gagawin niya ay sumisiklab lang ang kaniyang galit.

"Nababaliw ka na ba?!" Puwersahang itinayo ni Agatha si Eren. Hindi maiwasan ni Agatha na magalit dahil sa sinabi nito.
"Wala ka nang magagawa, Eren! Kailangan mo'ng tanggapin ang bata!"

"Paano ko tatanggapin ang batang 'yan?! Sa tuwing titignan ko ang batang 'yan ipapaalala lang niyan sa'kin ang mga nagawa ng Tatay niyan! Kaya sabihin mo sa'kin paano?!" Napasigaw si Eren. Pakiramdam niya'y sasabog ang mga halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon.

"Wala siyang kasalanan! Bata lang siya at inosente. Biktima lang din siya, Eren!"

"Wala akong pakialam! Galing parin siya sa dugo at laman ni Simon kaya hinding-hindi ko siya matatanggap! Alisin mo ang bastardong batang 'yan dito!—" Natigilan si Eren nang isang malakas na sampal ang dumapo sakaniyang pisngi. Humahangos ang hininga ni Agatha. Hindi siya makapaniwala sa lumalabas sa bibig ng kaibigan niya ngayon. Tila hindi ito ang Eren na kaniyang kilala.

Napadako ang tingin ni Agatha kay Cadden nang bigla na lamang itong umiiyak na tumakbo papalabas ng kwarto. Malamang ay naintindihan nito ang lahat ng sinabi ni Eren kaya ito umalis. Napasapo si Agatha sakaniyang noo at galit na tinapunan niya ng tingin si Eren.

"Kahit na sino ka pa Eren wala kang karapatan na tawagin siyang bastardo." Puno ng diin na sambit nito bago lumabas para hanapin si Cadden.

Nanghihina na napaupo si Eren sa tabi ng hinihigaan ni Patrice. Marahan niyang hinawakan ang kamay nito at malambing na hinalikan. Sobrang nasasaktan siya at pakiramdam niya'y mas dadagdagan lang ng batang iyon ang kaniyang pagdudusa.

"I'm sorry. I can't, Patrice. I just can't.." Naluluhang sambit niya. Agad siyang natigilan nang magsimulang kumibot ang daliri ni Patrice na hawak niya at kasabay non ay ang unti-unting pagdilat nito ng mata. Napatayo siya.

"Eren..." Ito ang unang salitang lumabas sa bibig ni Patrice sa oras na bumungad sakaniya ang naluluhang si Eren. Nagsimulang magtubig ang mga mata ni Patrice at dahan-dahan na inabot ang pisngi ni Eren.
"Ikaw na ba 'yan, Eren?" Walang ibang masabi si Eren at tanging tango lang ang kaniyang naisagot. Inabot nito ang mga kamay ni Patrice na nakahawak sakaniyang pisngi. Hindi niya maipaliwanag ang saya na nararamdaman niya ngayong nagising na ang pinakamamahal niya.

"I'm sorry, Eren. Hindi ko sinasadya na kalimutan ka.. I'm sorry. I'm sorry. Si.. si Simon nagpanggap siya na Asawa ko. Hindi ko alam na niloloko niya pala ako.. maniwala ka Eren, wala akong maalala non. Hindi ko alam. Sorry, hindi ko sinasadya.." Nagsimulang ikuwento ni Patrice ang nangyari habang humihikbi siya. Naaalala na niya lahat mula sa umpisa hanggang sa dulo. Nasasaktan si Eren na makita si Patrice sa ganong kalagayan. Agad niya itong niyakap at marahan na hinaplos ang kaniyang ulo.

Mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman ni Eren kay Simon dahil sa mga sinabi nito. Sisiguraduhin niyang magbabayad ng malaki ang taong 'yon sa lahat ng mga nagawa nito sakanila.

"Sshh.. nandito na ako, Patrice. I'll protect you from Simon." Sambit ni Eren. Agad napabitaw si Patri nang meron siyang maalala. Gustuhin man niya na yumakap pa ng mas matagal kay Eren ay may kailangan muna siyang ipakilala dito. Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at hinanap ng mata ang anak niya.

"Si Cadden.." Mahinang sambit ni Patrice nang makitang wala ang anak.

"I'm sorry." Muling napatingin si Patrice kay Eren. Nakayuko lamang ito habang naluluha. Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Patrice kasabay non ay nagsimulang kumabog ng malakas ang kaniyang dibdib sa kaba.
"Hindi ko siya matatanggap, Patrice. Mas mabuting wala na ang batang 'yon sa buhay natin." Nanlaki ang mga mata ni Patrice kasabay non ay ang muling pagbabadya ng luha niya. Hinawakan niya ang makabilang balikat ni Eren.

"Wala siyang kasalanan, Eren." Naiiyak na sambit ni Patrice. Ito na nga ba ang kaniyang inaasahan. Alam niyang hindi matatanggap ni Eren si Cadden pero kahit anong mangyari ay pipilitin niya ito. Hindi niya kayang mawala sakaniya ang anak niya.

"Hindi ko kaya, Patrice. I can't look at him every single day! Ipapaalala lang satin ng batang 'yon lahat, Patrice!"

"But he's my son! He came from my own flesh and blood!"

"I don't care, Patrice. As long as dugo ni Simon ang dumadaloy sa batang 'yon ay hindi ko siya tatanggapin!" Nagtaas baba ang dibdib ni Eren. Mas lalo siyang nasasaktan sa mga oras na 'to. Akala niya ay maiintindihan siya ni Patrice pero nagkamali siya. Naiinis siya. Bakit hindi manlang nila kayang intindihin siya?

"He's still my son, Eren! Please, don't take away my son from me. Hindi ko kaya kapag wala sa'kin ang anak ko." Nahihikbing sambit ni Patrice. Hindi na niya napigilan ang sarili at tuluyang naiyak. Isipin palang niya na mawawala sakaniya ang anak niya ay pakiramdam niya pinapatay na siya. Biktima lang din naman si Cadden ng pananamantala ng kaniyang ama noong wala siyang maalala. Kaya wala itong kasalanan.
"Kung hindi mo kayang tanggapin ang anak ko, babalik nalang kami kay Simon."

Natigilan si Eren sa sinabing iyon ni Patrice. Walang pagdadalawang isip na niyakap ni Eren si Patrice at isinubsob ang mukha sa leeg nito kasabay non ay ang mga mahihina niyang hikbi.

"No. Please no. Don't do that, Patrice. Please. Please.." Buong pagmamakaawa niyang sambit. Inabot ni Patrice ang mukha ni Eren at iniharap ito sakaniya.

"You have to accept Cadden at pati na lahat ng mga nangyari. It takes time but please choose to move on, Eren. Tapos na lahat 'yon. Nandito na ako." Lumandas ang mga luha sa pisngi ni Patrice nang sabihin niya iyon. Galit lamang si Eren sa nakaraan kaya hindi nito magawang tanggapin ang anak.

Mukhang wala nang magagawa pa si Eren. Hindi niya kakayanin pa kapag nawala ulit sakaniya ang pinakamamahal niya. Mahirap man para sakaniya ay gagawin na lamang niya ang lahat upang unti-unting matanggap ng puso niya ang anak ni Patrice.

Unwanted VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon