𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 2

861 39 4
                                    

ALLIANAH DREIN POV

Habang bumabyahe kami ay pakanta kanta pa ang mokong na 'to. Akala mo naman ikinagwapo pa niya pero infairness maganda ang boses niya. Kasi mapapapikit ka pa 'yong tipong hulog na hulog ka na dahil tangina ang ganda talaga. Pedo sorry hindi kami talo, hindi ko siya type at isa pa takot pa akong mamatay. At isa pa ayaw kong mainvolve sa mga taong kinakalaban nila.

"Sino ang iibigin mo, siya ba na pangarap mo o ako na gumugulo sa isip mo, ohhh anong papairalin mo isipan ba o ang puso mo, ikay na lilitong-lito, sino ang pipiliin mo mahal mo o mahal ka niya"-kanta niya na ikinatingin ko sa labas. Wow! ang galing naman niyang magpatama ang gago. Oo na ako na ang dalawa ang mahal. Pero ramdam ko may gusto ito sa akin. Feeling ko lang huh hindi pa ako sigurado.

"Tsked! pangit na nga ang mukha pangit ang boses! akala mo naman kung sinong magaling kumanta. Hoy! wag ka ngang kumanta tignan mo ang kalangitan dumidilim at kumukulog na!"-sabi ko sa kanya tsaka tingin sa kalangitan na medyo may kaitiman dahil may bagyo daw na dadating.

"Mas okay na ang pangit ang boses kaysa sa mukha. Grabe! mukha nga palang makukuntento kana talaga! Tapos sasabihin mong pangit ang mukha ko! Huwag ka oy! Maraming babaeng nagkakandarapa sa akin!"-sabi niya sa akin tsaka pangisi-ngisi pa ang mokong. Pero ano daw? Marami ang nagkakandarapa sa kanya. Baka mga bakla sa kanto.

"Ewan ko sayo Mr. Devera! Ang dami mong dada, to the point na napapalakas pa ang hangin dito sa mundo!"-wika ko sa kanya sabay lagay ng earphones sa tenga ko para hindi ko na marinig ang boses niyang pangit.

Nakikinig lang ako ng music dahil ito lang ang kaligayahan ko. Music lover kasi ako kahit medyo hindi ako pinagpala sa boses.

Pero hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako. Habang bumabyahe kami papunta sa pinaka main Office daw niya. Para makapag-umpisa na daw ako tsaka para makita ang rules and regulations, policies, at iba pa.

❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎❦︎

"Hoy Amazona! gumising ka o tatadyakan kita palabas!"-rinig kong sigaw ng mapangahas na ng gising sa akin.

Depota hindi ba niya alam na mahahalikan ko na dapat ang prince charming ko sa panaginip ko. Nakakabadtrip talaga! ayon na eh malapit na talaga maglaplapan na dapat kami, kunti na lang. Kunting-kunti nalang talaga,  pero hindi natuloy kasi kasalanan lang naman ng mapangahas na nangyuyugyog sa akin.

"Ano ba!? Kita mong natutulog ang tao makaalog wagas!"-sigaw ko sa kanya sabay bangon sa pagkakahiga.

Teka pagkakahiga eh nasa kotse ako lamg ako kanina. Kaya dali-dali kung kinusot ang mata ko para tignan kong na saan talaga ako. At hindi nga ako nagkakamali nasa malambot akong kama.

Oo, mas malambot pa sa kama ko sa bahay. Kaya pala ang himbing himbing ng tulog ko. Pero paano ako nakarating dito at baka may ginawa siya sa katawan ko habang tulog ako kaya niyakap ko ang sarili ko tsaka ako tumingin sa kanya ng masama.

"Hoy Mr. Devera! papatayin kita kung nag take advantage ka sa kahinaan ko huhuhu! Dudurogin ko ang mukha mo kapag himdi mo ako pinanindigan! Pinagsamantalahan mo ang puri ko ng wala akong malay!"-singhal ko sa kanya tsaka duro ko sa pagmumukha niya habang tumatayo ako para iaapak ang paa ko sa semento. You know nakatayo lang naman siya sa harapan ko na nakakunot.

DO #7: Just Only You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon