𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 10

695 31 2
                                    

ALLIANAH DREIN POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa makikinis at magaganda kong mga binti. Charing! lang mg ateng syempre sa maamo at maganda kong mukha. Eh bakit angal kayo mga ateng, wag na dahil totoo naman talaga Charot!

Ayon nga bumangon na ako tsaka kinuha ko ang cellphone kung cherry mobile lang. Lang dahil hindi naman kagandahan tulad ng sa inyo mga ateng. Hindi joke lang 'wag kayong magalit. Kinuha ko din ang headset ko, syempre need ko din ayusin ang maganda kong kama like me. Bago ako lumabas sa maganda kong kwarto.

Habang naglalakad ako ay hinahanap ko ang favorite song ko, 'yong pampagising dahil sabado naman ngayon it means day off ko. Every weekends kasi ay wala akong trabaho sa kanya.

Napangiti pa ako dahil nahanap ko na ang hinahanap ko sa cellphone tsaka esakto din na nakababa na ako sa second floor. So, nandito na ako sa pinakasala ng bahay namin tsaka ko ni ready ang pagsasayaw katawan ko para sumayaw.

Anyway nakasuot lang naman ako ng short-cotton at medyo malaking damit. Gets me mga ateng. Kung hindi wait lang at sasayaw muna ako dahil ito na tumutugtog na ang intro.

Lahat ay sumayaw sige walang titigil
Lahat ay magsayaw sige walang titigil
Tayo'y sabay-sabay itaas na ang kamay
Lahat ay sumayaw sige walang titigil
Boom bomama eyya eyya boom bomama eh
Boom bomama eyya eyya boom bomama eh

Sige lang ako sa paghataw ng paghataw. Dahil pagpagising nga diba. Ano ba kayo mga ateng dapat humataw din kayo para maging sexy body din kayo tulad ko. Charot! Sabi nga nila be yourself hindi iyong kinukumperaha mo ang sarili mo sa ibang tao. Thats a big no no  no no.

"LAHAT NG SEXY ITAAS ANG KAMAY OOOHH. LAHAT NG SEXY ITAAS ANG KAMAY PRESENT. LAHAT NG SEXY TULAD KO TAAS NA. BOOM BOMAMA EYYA EYYA BOOM------"-napatigil lang ako sa pagkanta at pag-indayug dahil feeling ko may anim na mata ang nakatingin sa akin. Anim dahil dalawa ang mata ng bawat tao diba mga ateng so don't judge me charot!

"Ahayst! sinusumpong ka na naman ate tsked! puro muta at tulo laway ka pa idagdag mo pa ang buhaghag mong buhok, kahiya kay kuya Henry!"-sabi ng kapatid ko sa akin ng mapatingin ako sa gawi nila pero ang mga magaganda kong mata ay nakatuon sa lalaking nakangiti.

Shemayyy! ang gwapo niya mga ateng habang nakangiti siya sa akin---ang landi-landi ko diba mga ateng. Indenial lang ang peg ko dito eh bakit ba naiinis ako simula sapul sa kanya? Well! dahil sa taglay niyang kakisigan---okay move on---Ayon mahiya naman tayo sa katawan niya dahil fit na fit ang pajama at sando na suot niya ngayon na damit atta ng gago kong kapatid.

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil sa pagngisi niya ng nakakaloko. Okay!inaamin ko naman na sinasamba ko ang kakisigan ng mga kaibigan niya pero siya oh juiced colored! siya ang namgingibabaw sa akin mga mata.

"ALLIANA DREIN MONTE ANO ANG TINITINGIN-TINGIN MO DIYAN, DALI NA AT MAG-AYOS KA MUNANG BATA KA, HINDI KANA NAHIYA SA HITSURA MO!"-sigaw ni nanay sa akin. Ahayst! heto na naman ang sinasabi ko, ratatat ng ratatat na naman ang aking ina. Ayos lang naman kung alam niya ang CONDOM hahahaha Charing lang!

"Nay! kahit ganito ang ayos ko ngayon, maganda pa rin ako duh!"-sagot ko kay nanay sabay upo dahil napapagod na naman ako mga ateng dapat lang na magpahinga muna.

Before mag-ayos ayos. And wait diba may asawa na ang kulukoy na ito. Diba dapat nandoon siya sa piling nito pero ano ang ginagawa niya ngayon?

"Ikaw talagang bata ka, hindi ka na nahiya. Kababae mong tao ganyan ka mag-ayos kapag may bisita!"-sabi na naman ni nanay sa akin tsak na may hawak pang sandok. Hey! Hindi bisita kundi bwisita na sayang ang dancing exercise ko dahil sa kanila.

"'Nay wala kami sa trabaho kaya walang hiya-hiya sa akin!"-sabi ko kay nanay habang siya naman ay napapailing nalang na umalis, saan pa siya pupunta syempre sa kusina may hawak ngang sandok diba. 

Tumingin ako sa kapatid ko tsaka sinenyasan ko na pumunta sa gawi ko, sinunod naman ni loko, kaya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa ng makalapit siya sa akin.

"Kuhanan mo nga ako ng malamig na tubig kapatid, hinihingal kasi si ate!"-sabi ko sa kanya na ikinripas niya naman ng takbo papunta sa kusina kung saan pumasok si nanay kanina.

"Tsked! are you okay?"-tanong naman sa akin ng boss ko.

Well! isinanding ko lang naman ang ulo ko sa maliit naming sofa dahil ramdam ko na naman ang sakit na hindi ko alam kung ano ang lunas ginawa ko naman na ang lahat-lahat. Kaya hinawakan ko ang dibdib ko tsaka pumikit.

Tsama kumuha daw kami ng tuko para mawala na ang lintik na sakit na ito. Sasagutin ko na sana siya nang sumulpot ang nanay ko.

"Sabi ko na sayo diba! na tigil-tigilan mo ang magpapagod dahil bawal 'yon sa iyo, Ace kunin mo ang inhealer ng ate mo bilisan mo ang paggalaw!"-sabi ni nanay sa kapatid ko na sinunod naman niya agad. Tapos ang hawak ni nanay na sandok kanina ay pinahawak niya sa boss ko na naguguluhan pero may pag-aalala sa mukha niya.

"'Nay! 'wag ka ngang mag-alala. Tsaka ipapahinga ko lang ito, then okay na ulit ako! malakas ka ya ito manang mana sayo!"-hinihingal na sabi ko kay nanay dahil ang hirap kaya huminga.

Oo masaya ako araw-araw pero deep inside may sakit ako na hindi malulunasan. Kundi operation lang at isa pa ay mahirap maghanap ng donor.

"'Nay heto na po!"-saad ni Ace kay nanay na kinuha naman agad ni nanay at tinutok sa bukana ng bibig ko.

"Kumuha ka pa ng tubig at kunin mo na din ang gamot ng ate mo, bilis bilisan ang paggalaw kung ayaw mong mawalan ka na ng ate!"-sabi ulit ni nanay kay Ace na sinunod niya ulit. Takot talagang mawalan ng magandang ate kagaya ko.

"Ma'am, can I asked some-------"-sabi ni Henry pero hindi niya na tapos dahil inunahan siya ni nanay

"'Wag mo akong inglesin anak, tagalog only please!"-sabi ni nanay na ikinatawa ko ng unti dahil nasa bibig ko ang inhealer ko.

"I mean---ahm ang sabi ko ho, meron po bang problema? dahil kanina ko pa ho nahahalata na nag-aalala si Ace, at ganun din ho kayo. Kung mamarapatin ho, ano po ba ang nangyayari kay Allianah?"-mahinhin niyang sabi kaya nanay na halatang ginagalang talaga niya ang aking nanay.

"Hindi mo alam ang kalagayan ng anak ko, eh nobya mo siya dapat alam mong may sak----"-hindi na natuloy ni nanay ang sasabihin niya dahil hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Ano ho ulit 'yon?"-sabi niya ni Henry kay nanay na ikinailing nalang ni nanay.

"Wala anak! napagod lang siguro siya kaya nagkakaganyan,"-sabi nalang ni nanay kay Henry, na ikinasang-ayon lang nito.

Pero alam ko magaling siya kaya marahil marami ng tumatakbo sa isip niya to the point hindi na niya mahabol. Charot! hahahaha. Pero ng okay na ang pakiramdam ko ay sinabihan ako ni nanay na dapat malaman na niya ang totoo kong kalagayan na ikinatango ko naman.

Soon sasabihin ko naman talaga ang tunay kung kalagayan hindi pa ngayon ang tamang araw, oras, at panahon.
















#Next Chapter coming

#Ano ba ang tinatago-tago ni Ms. Manyak. Este Alliana.

#Vote/Comment

DO #7: Just Only You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon