Chapter 1

162 8 1
                                    

The Start

-Xav-

ITS 6AM in the morning and I'm preparing two lunch boxes, one for me and the other one for the someone i really adore

"Xiah, ligpitin mo lahat ng pinag gamitan mo dyan ah" sabi ni mama habang nasa lamesa kasama sila papa at ang mga kapatid ko

"Opo ma!" sabi ko, gawain ko na 'to. Tuwing umaga gagawa ako ng 2 bento boxes at dadalhin ito sa school. Nang maayos ko na at nalagay na sa box lahat ay pumunta na ako sa lamesa para kumain ng almusal

"pfft you're just wasting our food, Xiah" bulong sakin ni Kuya at sinamaan ko lang sya ng tingin. I know naman na masasayang sya e. Ito naman kalbaryo ko araw araw para mapansin nya

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso na kami agad sa kotse ni kuya, inayos ko na rin yung seatbelt ng kapatid ko bago ako umupo sa shotgun seat. Nakadungaw pa din si mama sa bintana

"Mag ingat kayo ah! Lalo ka na Xior, makakatikim ka na naman ng batok sakin" nag peace sign naman si kuya dahil dun at natawa naman ako sabay seatbelt. Nag kiss na din si mama kay Xivian at umalis na kami

••••

SAKTONG 6:40 ng makarating kami sa school, binaba muna namin si Xivian sa elem department tsaka ako naman ang binaba ni kuya kasi magka-iba ang senior sa junior department. Grade 10 na pala ako samantalang si kuya Grade 11

I'm walking down the hallway as i enter my classroom at nagtilian naman ang 2 kong kaibigan na tila mega phone ang bibig

"Ohmy Xav i miss you" susko po naman talaga! Parang last kita lang namin nung Friday, umupo na ako sa upuan ko at dahan dahan na binaba ang lunchbox na dala dala ko. Baka kasi matapon, merong juice kasi sa loob

"Dzai may pagkain na naman na dala si Xav, di ata nagsasawa na matapunan araw araw" sabi ni Bianxi. Sya ang mahilig mang asar saamin at gagatungan pa ng isa kong tropa na si Charvina. Ayaw na ayaw nyang tinatawag sya ng ganun kasi masyado daw gurang pakinggan

"Naku tantan nyoko Charvina at Bianxi ah!" at sabay naman silang napangiwi dun. Unti palang kami dito sa classroom kasi masyado pang maaga

"Eh bakit kasi ayaw mo pang sukuan yang Montemayor na yan, dzai 5 taon ka na nagpapakatanga. 16 ka na uy! Grow up" sabi ni Bianxi sabay upo sa upuan nya at suklay ng buhok nya

"Dzai, buhay ko 'to okay? Di kayo apektado, mahal ko sya at anong magagawa ko?" sabi ko sabay baba ng lunch box sa may ilalim ng desk ko

"Alam naman namin yun kaya nga sa kada bigay mo ng pagkain sa kanya ay di ka na namin pinipigilan e" ani ni Vina at nagtali ng buhok

"Instead kami na ang tumatayong taga-punas ng damit mo pag natatapunan ka" dugtong ni Bianxi na kina-buntong hininga ko. Tama naman sila pero di ko naman masisisi sarili ko na habulin ng habulin yung taong inaasam ko

"Bahala ka na sa buhay mo Xav, update mo na lang kami pag suko ka na kasi updated naman kami palagi pag umiiyak ka na" sabi ni Vina sabay sarado ng compact powder nya at tumungo naman ako

Kahit ganyan sila sakin, support pa rin sila sa paghahabol ko sa kanya, naiintindihan naman daw nila na nagmahal lang ako at kaya dahil ganyan sila kasi sawa na daw silang makitang nasasaktan ako

Biglang dumating na ang adviser namin at kasunod nun ang 4 na estudyante na punong puno ng pasa ang mukha at di nakaayos ang mga uniporme. Dahil yung iba walang necktie, at yung iba naman ay nakabukas ang botones ng uniform na suot nila

"Take a seat boys" sila na naman ang naging dahilan kung bakit umingay ang classroom namin, habang busy sila kakatili, ako naman ay busy kakatitig sa taong 5 taon ko ng hinahabol

Umupo sya sa tapat ni Bianxi na which is katabi ko sa right side, inasar pa ako ng tingin ni Bianxi kung gusto ko ba daw makipag palit ng upuan sa kanya

"Goodmorning Class" bati ni Sir Delhencio kaya sabay sabay kaming bumati except dun sa mga kalalakihan na late ng dumating

"November is near. So We, CCC Academy is preparing a little program for the young ones on our elementary department. St. Teresa, i'm giving you 3 weeks before our UNDAS break to decorate this classroom as spooky as possible and then, that's when the vacation break steps in, we'll start our hell week within the month. The other details will be discussed tomorrow" sabi ni sir at lumabas na ay kasunod nun si ma'am

••••

KRING KRING

NAPATIGIL kami sa essay namin na 300 sentences ng tumunog ang bell, madami ang nag-celebrate kasi time na. Marami kasing may ayaw sa klase ni Ma'am Smith dahil sobra ito magpagawa ng seatwork

"Pass your essay to Miss Fortalejo and so for Miss Fortalejo, pass it to me, tommorow morning right after the announcement" sabi ni ma'am at tumungo naman ako dahil dun. May nagpasa na rin kahit papaano pero 8 lang yun

Nagsilabasan na yung mga kaklase ko, di ko napansin na nakalabas na rin pala sya kaya dali dali kong inayos ang mga activities na pinasa sakin. Nakita ko sila Bianxi at Vina na nagaayos pa samantalang ako hawak ko na yung lunchbox

"Aba! Dalian nyo kaya" reklamo ko habang inaantay silang mag retouch

"Aba, maghintay kang babaita ka, porque di ka na-haggard sa pinapagawa ni Mrs. Smith ganyan ka na" ani ni Vina na kinatawa ko, dakilang reklamador talaga tong dalawang 'to

Inantay ko na lang sila at sa wakas nakalabas na rin kami ng classroom, pinatitinginan at pinagbubulungan na naman ako ng tao habang nakatingin sa hawak ko na lunchbox

'Trust me, mabubuhusan na naman sya'

'Yeah i know right, di na nadala'

'So Pathetic'

"Mukha mo pathetic" sabat ni Bianxi kaya hinawak ko na lang sya sa braso dahil baka mapa away na naman sya, nakarating kami sa canteen at mas lalong umingay at lumakas ang bulungan

"Pati buhay ng iba pinag chichismisan. Mahirap talaga pag chismosa, mga gaga" sigaw ni Bianxi dun sa table ng mga kababaihan, nakita ko agad sya kaya nilapitan ko na

Nagtatawanan sila ng magkakaibigan, wala pa si kuya sa table dahil baka late na naman yun. Minsan di naman sya nagjo-join sa table dahil nga senior highschool na si Kuya. Mabuti na yun kasi alam kong pipigilan na naman nya ako sa binabalak ko

"A-ahmm Quart" tawag ko sa kanya, pinagtinginan naman ako ng kaibigan nya samantalang sya nakayuko pa din at hawak ang bote ng C2 at pinaglalaruan ito. Tumaas ang tingin nya sakin na kina-nindig ng balahibo ko

And the next thing i knew he did was...

-End-

Chasing The Wind ( Wind Series # 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon