Chapter 30

40 2 0
                                    

Manila : Intramuros Final Day (2)

-Xav-

NANDITO NA kami sa Baluarte De San Diego, tamang search lang ako dito kung anong meron dito. It was used to protect filipinos during the spanish colonial times. Napatingin ako kay Sniper na busy kaka-picture sa lugar hanggang sa naisipan ko na buksan ang camera ko at kunwaring pini-picturan yung lugar pero si Sniper talaga

"Weh Xavrina, pini-picturan ako, crush mo ba ako" asar saakin ni Sniper, tinago ko na lang yung phone ko bago pa nya ako asarin pa ulit, ang ganda talaga dito

"Wanna know something?" he said at lumapit naman ako

"Gusto ko sa San Agustin ikasal" napatingin naman ako sa kanya, anong pake ko? Baket nya need isabi saakin. Nag-thumbs up na lang ako sa kanya at nauna na naglakad

"Tapos gusto ko ikaw yung aantayin ko" natigilan ako sa sinabi nya, humarap ako sa kanya, nginisian nya ako at nilapitan ako sabay bulong sa tenga ko 

"Joke lang" di ko alam pero parang nasaktan ako sa sinabi nya, nauna na syang maglakad, wala naman akong feelings sa kanya pero bakit ako nasasaktan ng ganito? Diba kaibigan pa rin naman turing ko sa kanya. Nung una masaya ako sa sinabi nya pero nawala din yun nung sinabi nya sa huli

"Tara na!" sigaw ni Sniper, lumapit na lang ako ng naka-yuko

Malapit na mag-gabi. 5pm to be exact, siguro kanina pa nya napansin na tahimik ako kaya di nya ako kinikibo. Naka-upo kami dito sa boardwalk or seaside sa Manila Bay habang nakatingin kung paano lumubog yung araw

"Hey why you quite?" simula nya sa topic, tinignan ko lang sya at nginitian kahit parang may naka-stuck dito sa looban ko na masakit dahil sa nangyari at sinabi nya saakin kanina. Wala naman akong karapatan magalit or masaktan kasi friends lang naman talaga kami

He is just here to help me move on

"Wala, dinadamdam ko lang yung hangin dito" tumungo na lang sya hanggang sa may tumawag sa kanya

"Ill just answer this call" sabi nya at tumayo na, napatingin na lang ako palayong bulto nya saakin para di ko marinig yung pinag-uusapan nila ng kausap nya. Binalik ko na lang yung tingin ko sa dagat habang sabay na gumagalaw ang aking mga paa sa daloy ng agos. Bumalik na sya at umupo na sa tabi ko

"Sino yun?" sabi ko 

"Si Gunter, he was asking if kailan tayo uuwi?" nawala na lang ako sa mood kaya tumayo na ako, his stare just followed me at tumayo na rin sya

"Tara na sa Casa Manila? Bukas na yung lights dun kasi 6pm na" humarap ako sa kanya at tinaasan nya lang ako ng kilay at hinahantay akong sumagot

"Umuwi na lang tayo, masama pakiramdam ko" i said at nauna ng maglakad pabalik sa hotel

••••

TAHIMIK LANG AKO dito sa kotse habang nagda-drive sya pabalik sa Rizal, he keeps on looking at me pero di ko na lang sya kinikibo, natulog na lang ako. I know naman una palang na kaibigan lang turing nya saakin kaya i warned myself, na wag ng mafall kay Sniper, kasi nga nandito lang sya para tulungan ako

Tsaka sino ba nagsabi na na-fall na ako? Hindi naman diba? Di ko lang talaga alam bakit ako nasasaktan ng ganito. Pinikit ko na lang yung mata ko at natulog

"Hey Xav" gising saakin ni Sniper, napa-bangon ako at nginitian naman nya ako ng weird smile nya, umayos na ako ng upo at lumabas na. Lumabas na rin sya at kinuha yung bagahe ko sa trunk ng kotse nya. Nandito pala si mama sa labas

"Xiah kunin mo na yung mga bag mo" sabi ni mama at lumapit ako kay Sniper at kinuha yun. Tumabi na ulit ako kay mama

"Thank you ijo sa pagsama sa anak kong gumala ah! Mukhang nag-enjoy naman ang Xiah ko" nakangiting sabi ni mama, nakayuko lang ako habang hawak ang handle ng bag ko

"Wala naman yun tita, in fact nag-enjoy din naman ako hehe" nahihiyang tawa nya, nakinig lang ako sa usapan nila

"Xiah, mag-paalam ka na at aalis na sya" tinaas ko na ulo ko at nakita ko naman sya nakangiti, bumilis ang tibok ng puso ko dun

"Ahm thank you Sniper" sabi ko at tumakbo na papasok sa bahay. Bakit ba ako nahihiya? Argh self! 3 araw lang kayo nagkasama ganito ka na umasta. Umakyat agad ako sa kwarto kahit maingay ang bagahe ko sa paghihila. Pagkadating ko sa taas ay nakita ko si Kuya at bunso na nakansandal parehas sa dingding at parehas pa ang position

"Ano na naman?" nakangisi pa sila saakin, hinila ko na lang yung baggage ko at papasok na sana sa kwarto ng magsalita sila 2

"Nakakakilig noh?" asar nila sakin at sinamaan ko lang sila ng tingin bago pumasok at sinarado ang pinto sabay sandal. Ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. May tumawag kaya agad kong sinagot yun habang naka-pikit ako at hinihingal pa

"You okay?" napatingin agad ako sa screen ng phone ko. Si Sniper pala ang tumatawag, di agad ako nakasagot kasi di agad nag-sink in saakin yung tanong nya, binaba ko yung bag ko sa kama ko

"Oo naman, ikaw nakauwi ka na?" malapit lang kasi bahay namin sa kanila

"Yah, malapit na. Take a rest na!" tumungo na lang ako at binaba naman nya ang tawag nya, di ko alam bakit ako biglang napatalon at ngumiti ng napaka-laki! Ang rupok ko shit. Oo nga pala papasok na ako bukas

Inayos ko na lang yung gamit ko at nag-pahinga muna bago nag-shower, i was about to close my eyes when my notification bell rang. I immedietly pick up my phone for me to see

It was a message from Sniper

'Have a goodnight, see you tommorow Xav :*'

Hala anong meaning nung emoji na sinend nya. Ayokong mag-overthink. Di ko na sya nireplyan kasi gustong gusto ko ng matulog. So natulog ako ng may ngiti sa mukha ko

-End-


Chasing The Wind ( Wind Series # 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon