Manila : Intramuros Day 2
-Xav-
"HEY XAV WAKE up, we need to eat breakfast pa" bumukas mata ko, isang lalaki na naka-loose shirt tsaka jogging pants ng Adidas ang bumungad saakin kahit nasisilaw na ako sa araw
Agad ako napabangon, ohmy anong itsura ko habang tulog, kinapa ko mukha ko at kumalma na walang panis na laway dun pero nagulat ako ng makita ko sa salamin sa unahan ko kung gaano kagulo buhok ko ay agad ako nagtalukbong
He chuckled
"C'mon get up, tatakpan ko na mata ko, we need to leave exact 10am" sumilip muna ako bago dali dali kinuha ang twalya ko at gym bag ko.Baket ba ako nahihiya sakanya? Nakakahiya nakita nya morning look ko
Naligo na ako, excited na ako! Madaming activites akong gustong itry, ng matapos ako ay sinuot ko na yung pastel color kong loose shirt tsaka jumper shorts. Doon na ako sa labas mag-sasapatos at mag-aayos
Lumabas na ako at nasa balkonahe sya kaya lumapit ako
"Sniper, ikaw na" i said kaya pumasok na sya sa loob ng kwarto at maghuhubad na naman sana ng pigilan ko sya
"Pwede ba doon ka na lang sa loob ng banyo maghubad" i said at iniiwas ang tingin ko sa kanya, he laughed at tumungo sabay pasok sa banyo. Naka-hinga ako ng maluwag. Nagsapatos na ako at blinower buhok at ng matuyo ay ginawa kong 'Space Bun'
Unting powder at liptint ay okay na, tapos na ako mag ayos ng lumabas si Sniper sa banyo, topless na naman habang nagpapatuyo ng buhok, kaya dali dali ko syang binato ng toner ko, alam kong nanandya na sya
Naka-iwas naman sya pero ang lakas ng tawa
"Wala akong damit and basa na ang shirt na ginamit ko, i hanged it there" sabi nya at tumabi saakin, agad kong kinuha yung blower at ginawang baril sa kanya.
"Ang tangkad mo pala 'no? Hanggang balikat mo lang ako, siguro everyday jack day ka" binatukan naman nya ako at sa sobrang lakas nun ay nasama katawan ko
"Bad! No jacks its sex" sinipa ko naman sya kaya natawa sya, bumilis na naman tibok ng puso sa sinabi nya, hayok ba sya sa sex kaya ganyan sya katangkad. Pumasok ulit sya sa banyo at namangha ako paglabas nya
Naka-suot sya ng maikling shorts at loose black shirt sabay suot ng steel necklace at inayos ang buhok nya. Sa kanya lang ako nakatingin
"Tara na para makapag breakfast pa tayo" he said as he grabbed his beltbag filled with BNB, phone, wallet and a extra shirt. So yun din ang nilagay ko sa bag ko hanggang sa makalabas kami sa hallway ay inabot nya saakin ang hotel card ko
Bumaba na kami sa cafeteria ng hotel, madaming tao kaya pumila na kami, pinagtitinginan sya ng tao at mga babae, sakalin ko kaya sila pero si Sniper ay nagpho-phone lang
"Table for 2 under Sniper" sabi nya sa babae at hinatid kami sa table namin, susko po naman, ang daming utensils eh isang pares lang naman gagamitin ko
"Go mauna ka na" sabi saakin ni Sniper
Kaya tumayo na ako at kumain
••••
HALA ANG GANDA, nandito kami sa Bamboo Express Tour, dito daw muna kami bago sa iba, saktong 12 pero di tirik ang araw, cloudy kumbaga
"Paano na yan, di ako marunong mag-bike" sabi ko habang nasa pila kami ni Sniper
"Sakay ka na lang sa likod" kumintab mata ko, ng nasa pila kami tinanong ko kung magkano
"999 po ma'am isang ride for 1 hr" nanlaki ang mata ko, 1k isang bike. Napatingin ako kay Sniper na bumubunot ng pera sa wallet nya pero pinigilan ko muna sya
"Kuya paano pag 30 mins lang?" sinamaan naman ako ng tingin ni Sniper sabay abot ng 1k at pumunta na kami sa bike na binigay samin. Maliit lang sya pero mukhang matibay naman. Sumakay na sya sa mismong upuan at ako sa likod
Napatili ako ng pumadyak na sya, umakap ako ng mahigpit sa tyan nyang matigas, kumalma na ako ng makita ko kung gaano kaganda ang Intramuros
"Did you like it?" he asked at tumingin ako sa salamin ng bike at nakatingin sya saakin while smiling, tumungo naman ako at tumawa sya, parang nag slow motion ang paligid ko, nakatitig lang ako sa ngiti nya ng may bigla kaming nakakita ng sumemplang kaya ginilid nya, 2 babae
"Tanga tanga mo kasi e, titig pa" sabi ng babae na nakasakay sa likod, lumapit kami at tinulungan sila ni Sniper, edi sana all matulungin, nandito lang ako sa likod nya habang binabantayan yung bike ng tulungan nya yung babaeng driver din ng bike na nakatitig sa kanya
Kita ko naman kung gaano kasaya yung babae at umarteng napilayan, pilayan ko kaya ng tuluyan 'to, nakatitig lang yung kasama nya sa kanya, ako naka-pamewang lang habang nakatingin sa kanila ng makita ako ng kasama nya at nanlaki ang mata nito. Sige yakap pa, pakisabi sa friend mo, kinalabit na nya 'to habang nakatitig pa din saakin, tinaasan ko na sila ng kilay.
"Ouch" daing ng makati nyang friend habang si Sniper tinitignan kung may pilay ba talaga si girl, ganyan ba pag STEM student, helpful ang caring, halata naman acting lang yung ginagawa ng babae, tinataboy lang ni girl yung kalabit sa kanya ng friend nya
"Ysay!" sigaw ng friend nya kaya natauhan si girl ng makita ako ay nakatayo ng tuwid. Ay sana all speed sa healing, pahawa nga ako ate girl para maka-move on na rin ako
"You're okay?" tanong ni Sniper at tumungo naman si girl at kinuha na ang bike nilang 2 at umalis na, palapit na saakin si Sniper ng makita nya akong naka busangot
"Bumalik na tayo gusto ko sumakay ng kalesa" padabog kong sabi ng iangat nya ang bike, nakita ko syang nakatingin sakin sa salamin na tila bang nagtataka kung bakit ako nagkakaganito, binalik na namin yung bike kahit ang nacoconsume palang namin ay 15 mins
"Why you quite?" he asked habang naglalakad kami sa may Fort Santiago, ng makarating kami sa may kalesa ay sumakay na lang ako, teka bakit ba ako tahimik? Wala naman nangyare diba. Naramamdaman ko na parang may umupo na sa tabi ko, napatitig ako sa kanya
"Woi! Ang weird mo ah" sabi nya kay iniling ko na lang yung ulo kasi kung ano ano ang iniisip ko
'Nagseselos ka di mo lang maamin'
-END-
BINABASA MO ANG
Chasing The Wind ( Wind Series # 1 )
Fiksi RemajaChasing the Wind ( Wind Series # 1 ) Every move she made, it's all nothing but a trash to him, so as the efforts she exert just for him to notice her unforgettable love. She did everything, he does nothing. She loves him but he hates him. Then, she...