Issue
-Xav-
ISANG MATANGKAD NA LALAKI ang bumungad sakin pag labas ko ng gate namin, pagharap nya ay he again wears his weird smile showing his clean damn braces. Jeez, naninindig balahibo ko, nakasunod naman sakin si mama kaya paglabas nya ay inakap nya agad si Sniper, napa irap na lang ako.
"Shall we?" aya sakin ni Sniper, nagulat na lang ako ng bigla akong itulak ni mama and sya na ang nagpasok ng gamit ko sa likod ng sasakyan ni Sniper, nag chikahan pa sila sa labas bago pumasok si Sniper sa loob ng driver seat
"Xavantot" ngayon ko lang pala nakita ng malapitan mukha nya, namula naman ako dahil dun, buti may blush on ako unti kaya di halata. Hes wearing a tight fitted pants, loose shirt and white shoes and naka contacts din and a little touch of make up to conceal his light skin
"Psh Sniperrot. Asan na costume mo?" i asked out of nowhere, why did i even brought up a conversation to talk with him? as if naman super close kami, sa tagal na namin schoolmate since grade 1 ay ngayong grade 10 lang kami naging close and i don't know why
"It's in the trunk. Don't worry, Rupunzel" pucha baliw ba 'to. Grabe makatawa and ang satisfying ng tawa nya infairness pero ang creepy pa din. Wait, let me pray for you
After ilang minutes ay nakarating na kami sa school, maraming food stalls na parang foundation day pero walang rides and booths, siguro photobooth and horror house na pinag effortan ng college students ng academy, mga ate and kuyas
I was about to get my clothes ng unahan na ako ni Sniper, inirapan ko naman sya, as usual pinagtitinginan na naman kami ng tao, he smiled a little pero balik poker face yun nung naglalakad na kami sa hallway, marami ang nahumaling sa gwapo nyang mukha at tila yaya ako pag katabi nya
Pag pasok namin sa room, nagkakagulo na, yung iba nag memake up, iba nag aayos ng decors na nahulog, yung iba nakasuot na ng costume
"Xav!"ayan na naman ang mega phone na boses ng dalawa kong kaibigan, napangiti na lang ako kung gaano sila kaganda dahil sa suot nila, Bianxi was wearing Princess Belle's dress while si Vina naman ay si Jasmine, di na nila need ng wig kasi both brown and black naman hair nila
"Seriously Gunter? You're wearing a mummy costume" rinig kong sigaw ni Sniper kaya napadako agad kami ng tingin kay Gunter, pfft. Balot na balot sya ng tissue paper, muntanga. And take note kulay puti sya hindi brown
"Stop! My mom forced me too, kesyo i made a mistake and I'm grounded psh" padabog na lakad ni Gunter sa upuan nya at naghuhulugan na ang tissue, kahit ganun sya ay nakalitaw pa din sa mukha nya ang kagwapuhan nya
"Gunter, ito oh Aladdin costume" sabi ng kaklase namin na naka suot na ng costume nya, agad agad naman ito kinuha ni Gunter at naglakad palabas, late ko ng narealize na si Vina pala si Jasmine, natawa na lang ako dun. Nilibot ko ang paningin ko pero di ko makita si Quart, asan na kaya sya, miss ko na sya. Last na kita namin nung Friday pa
"Bibihis lang ako ah" tinapik ko sila and binaba ang bag ko at kinuha ang paper bag ng costume ko, nagulat na lang ako ng nasa likod ko na pala si Sniper, mukhang magbibihis din sya. Sinuot ko na yung dress ko and wig at sinuklay yun, nalagay ko na din yung props na flowers sa buhok ko kasi naka braid si Rapunzel and ng matapos ay lumabas na ako ng CR
People are now murmuring about me at naririnig ko yun, nakita ko na lang si Sniper na suot na nya yung costume niya na si Flynn Rider. Jeez! mas lalo syang gumwapo--- este nagkadating. He smirked, panget nya. Tili naman ang inabot namin kila Bianxi at Vina ng makarating kami ng sabay sa classroom
"Umamin nga kayo---tantanan mo ako Gunter---Mag ano kayo?" sabi ni Vina at nasa tabi nya si Gunter na naka suot ng Aladdin na costume and medyo nakareveal ang stomach area kaya kita ng abs nya. Mas masarap abs ni Quart
"Wala issue kayo" sabi ko sabay lapag ng uniform ko sa pwesto ko at nagtilian na naman sila nng may pumasok at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko kung sino yun.
It's Quart and kung di ako nagkakamali ay si Captain Levi of Survey Corps yung suot nya, bagay na bagay sa mukha nya kahit 1 emotion ay walang dumadaan, umupo sya at pinikit ang mga mata, ang gwapo nya na kinamula ko
Nilapitan ko na sya at medyo nag bend para ayusin yung buhok nya ng bumukas ang mata nya at sinamaan ako ng tingin, i smiled a little
"You look stunning" i said habang nakatitig sa gwapo nyang mukha, wala na akong pakielam sa mga sinasabi ng tao as long na nandito sya sa harap ko ay masaya na ako, inalis nya ang kamay ko na nasa bangs nya and may binulong sya sakin
Iniwan na naman nya akong durog at muntik na naman tumulo luha ko pero napigilan ko yun, i stand straight and those words kept on repeating in my mind, i use my fake smile once again and nakihalubilo sa tao, ayoko na makita nila na umiiyak ako palagi. I need to hide my pain hanggang kaya ko, hanggang ngayon napapaisip ako bakit hindi pa ako sumusuko?
Baket pilit ko pa rin syang hinahabol?
and nanghina ako ng bitawan nya ang mga salitang yun
"You look worthless"
-End-
BINABASA MO ANG
Chasing The Wind ( Wind Series # 1 )
Teen FictionChasing the Wind ( Wind Series # 1 ) Every move she made, it's all nothing but a trash to him, so as the efforts she exert just for him to notice her unforgettable love. She did everything, he does nothing. She loves him but he hates him. Then, she...