New Life
-Xav-
2 months later
ITS BEEN 2 MONTHS since umalis kami sa ng Pilipinas, nag-enjoy kami sa bakasyon namin dito sa Vancouver,Canada. Kinuhanan na rin kami ng CCC ng dorm ni Sniper sa Vanmates, and iisang kwarto din kami, 15 minutes lang naman ang byahe mula Vanmates papuntang York House, nandito kami sa study table namin sa harap ng laptop at hinahantay ang room na binigay saamin ni Bianxi sa zoom, recurring pa kasi
Siguro nag-iisip kayo kung anong status namin ni Sniper ngayon, actually last month kami nagka-aminan ng feelings, nung una may pa-iyak iyak pa ako kasi di naman pala same ang feeling namin ni Sniper sa isat isa pero nabawi din naman yun ng sabihin nya na itry ko ang best ko na mafall sya saakin, kaya ito ako ngayon, kala mo isang sweet na girlfriend
"Akin na nga yung twalya, work work out di naman nagpupunas ng likod" galit na sabi ko sa kanya, nag-pout naman sya saakin kaya inismiran ko lang sya kasi nakakainis kaya, namumula yung pisngi ko sa tuwing ginagawa nya yun, simula ng tumira kami dito, araw araw lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya pero di pa kasing lalim nung nararamdaman ko kay Quart noon, pinunsan ko din yung basa nyang buhok at noo ng bumukas yung zoom
Sila Bianxi at Vina ang bumungad doon, susko po, agad naman ako humiwalay kay Sniper kasi alam ko asar na naman ang aabutin ko sa dalawang 'to. Mukhang nasa cafe sila malapit sa school dahil sa background na naalala ko
"Ayie! 2 buwan palang kayo nanjan, para na kayong mag-asawa" asar ni Bianxi kaya inirapan ko na lang sya, lumabas din sa camera ang 2 asungot na manliligaw nila na may dalang tray at sumigaw pa. Oo, last month nag-aya ng panliligaw si Gunter kay Vina, di naman matiis daw ni Vina ang ka-cutan ng manliligaw nya kaya pinayagan na nya, si Bianxi naman, di nya rin mapigilan ang ang kakulitan ni Dash, kung nasaan sya ay nandun din daw yung lalaki
"Kasal na kami ni Vina---" sinubuan agad ni Vina ng blueberry cheesecake ang bunganga ni Gunter, wala ng nagawa si Gunter kaya umakap na lang sya kay Vina at kiniskis ang pisnge sa balikat ni Vina, natawa naman kami dun
"Kamusta moving up" nalate kasi sila ng moving up, siguro last 3 weeks lang
"Okay lang naman, kayo kailan pasukan nyo jan?" tanong naman ni Vina sabay higop ng kape nya pero nakatingin pa din saamin
"Sa September pa tsaka umuwi na kayo aba, 7 na ng gabi jan, wala kayong balak umuwi?" sabi ko
"Oo mamaya, ito naman pinapauwi agad kami, sana all sa September pa, kami this 3rd week na ng June, tsaka first birthday mo na wala kami sa tabi mo" paiyak iyak na arte ni Bianxi, binatukan naman sya ni Dash, sinamaan naman sya ng tingin ni Bianxi na kinatawa namin ni Sniper
"Pasado ba kayo? Anong school?"
"Asan phone ko" bulong saakin ni Sniper, binulong ko na nasa drawer nya kaya agad naman nyang binuksan at kinuha yun
"Woi mamaya na kayo mag-boom boom paw jan, kami muna kausapin nyo. Sa La Salle Antipolo kami, pero pag college, syempre kung nasaan kayo, dun din kami" sabi ni Vina, epal 'to, masamang bumulong sa baby ko? Joke
"Claiden look" tinapat ni Dash ang cellphone nya sa camera, its Kara and Quart wedding picture, triny kong titigan yun pero walang dating saakin, agad naman napatingin saakin si Sniper and i smiled
"Kurt look" everyone is anticipating, Sniper was about to show his phone but show his middle finger instead kaya kinatawa ko yun ng malakas
"Fuck you, by the way mukhang wala naman na sainyo sila Kara and Quart, ill tell---" sinuko naman ni Vina si Gunter sa balak nyang sabihin kaya medyo naduwal pa 'to
"Yah tell me" sabi ko, nanlaki naman ang mata nila, totoo naman eh, di na ako affected sa kanilang 2, kahit maglampungan pa sila, i just hate them
"Ahm, this June will be their civil wedding or their church wedding will be on July ata, desidido na sila" i just remained my face emotionless
"Yeah, wish them all the best" i said and made my move to stand up, di ko alam at sa tuwing binabangit ang pangalan nila ay naiinis ako, namumuo yung galit ko para kay Kara at Quart, it feels like i cant be friends with them anymore, sinundan naman ako ni Sniper
"Di daw affected" asar naman sya saakin at sinamaan ko sya ng tingin at inayos na ang requirements namin kasi pupunta kami bukas sa York House para ifinalize ang pagiging exchange students namin
---
-Author-
"Lavitoria" tawag ng pulis sa presong si Clark, lumabas sya kasi may bisita sya, ang kanyang ama na tumalikod sa mali gawain ng kanilang mag-lolo. Umupo naman sya sa tapat ng ama nya na tinitignan sya ng masama pero wala syang pakielam. Ang ama nya ay isang tapat na trabahador ng MonteM Corp na pagmamay-ari ng ama ni Quart at ang gustong pabagsakin nila ni Kara
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Clark habang naka-ngisi, hindi isang ama kung turingin nya ang lalaki, galit ang namumuo kay Mr.Lavitoria
"Ilalabas ko lahat ng ebidensya laban sainyo ni Kara, Clark" agad naman napatayo si Clark habang naka-posas pa din
"Hindi pwede, ilalabas kami ni Kara ng lolo ko dito, aangat ang entertainment agency ko, babalik ang mga artista saakin, you cant do this dad! Babagsak ang MonteM Corp" sigaw ni Clark, balak kasi ng ama nya na sabihin ang totoo kay Mr. Montemayor na ama ni Quart, boss nya ito at malaki ang tiwala sa kanya nito
"Hindi ako pumarito para pigilan mo ang desisyon ko, sinasabihan lang kita, mauuna na ako, hantayin mo si Kara dito at parehas kayong mamumulok dito" tumayo na ang ama nya at balak pa nyang sundan ito pero pinigilan sya ng mga pulis pero sigaw pa din sya ng sigaw hanggang sa makapasok sya sa selda nya
Nahampas nya lang ang bakal na nakaharang sa kanya
-End-
BINABASA MO ANG
Chasing The Wind ( Wind Series # 1 )
Teen FictionChasing the Wind ( Wind Series # 1 ) Every move she made, it's all nothing but a trash to him, so as the efforts she exert just for him to notice her unforgettable love. She did everything, he does nothing. She loves him but he hates him. Then, she...