Chapter 6

44 5 0
                                    

Sniper Claiden

-Xav-

IM ON MY WAY SA MALL, tamang tingin lang sa bintana ng jeep habang hinihigop yung hangin, chos. The weather is really nice today, cloudy, favorite ko. After ilang minutes ay nakarating na ako sa mall, ang lakas ng hangin kasi aside na mataas na yung mall ay napapaligiran pa ito ng mga luxurious hotels and buildings. Pumasok na ako and syempre pina check ko yung pouch ko kahit wala naman silang makikita dun. Dumiretso na agad ako sa shop na pwedeng pag bilhan ng costume

While picking, may nabanga ako kasi inaabot ko yung hanger at naka tip toe pa ako kaya medyo na out of balance ako and nabanga ko pa yung katabi ko, i was about to apologize ng makita ko si Sniper, he smiled. Hala totoo ba 'to? Minsan lang kasi sya ngumiti lalo na sa school, sobrang tahimik nya kung tutuusin

"Xav" tawag nya sakin while smiling, girls around him are taking a picture as if he's an international celebrity, myghad pinagkakaguluhan na kami kaya pinalabas nung guard yung ibang costumers na naka siksik nasa shop

"Hey" bati ko pabalik kahit na medyo nahihiya na ako, syempre naman di kami masydong close nitong kaibigan ni Quart and maybe sya ang first time in many years ang mag approach sakin ng ganito

"You're buying a costume also?" tanong nya at napatungo na lang ako, nag smile na naman sya yung tipong kita na yung braces nya. Yes, may braces sya, 5'9 ang height and maputi

"Good, ate can you give us a discount please" nagulat ako ng mag pout at mag makaawa si Sniper sa tindera, I've never seen this kind of Sniper in years kasi ang akala kong Sniper ay cold and walang pake sa buhay and surroundings nya

"Sige sige, pumili na kayo ng isang set at babawasan ko na lang" napatalon sa tuwa si Sniper and that made freeze and make me focus on him, i don't know pero mas lalong lumakas ang dating nya dahil nakangiti na sya

"Go pick your style" he said and pumili na rin sya, kinuha ko yung dress ni Rupunzel tsaka blonde hair wig tsaka inantay sya na pumili, ng makita nya ako ay napatingin sya sa hawak ko

"You chose Rupunzel, sige ako na lang si Flynn Ryder" he said at nanlaki ang mata ko, hinila nya ako sa counter and i was about to pull my cash when he stops me

"Ill pay" binayaran nya yun at inabot sakin ang paper bag afterwards, aalis na sana sya ng hilain ko sya kasi madaming ng tanong ang bumabagabag sa isip ko sa inaasta ngayon ni Sniper

Hinila ko sya papasok ng Starbucks at sapilitang pina upo. Malaki pa din ang mata nya dahil sa inasta ko

"Why?" i asked habang naniningkit ang mata at nakatitig sa kanya

"Ohh naiinis kasi ako pag napapaligiran ako sa school, thats why i always wear my cold aura atleast no one dares to talk to me. They thought nangangain ako" woah!

He's a good guy afterall, akala ko noon lagi syang galit kasi kung hindi naka kunot ang noo, minsan walang pake sa mundo. Napaupo na lang ako freely ng tumunog ang bell ng Starbucks at isang pamilyar na boses ang narinig ko

"I want Macchiato, babe"

••••

-Sniper-

SHE WAS ABOUT TO turn her head when i stopped her. Nakatingin lang sya sakin, Raven and Yvonne are infront of the cashier and punching their orders. Before Raven leave, he looked at me pero di ko alam kung anong gusto nyang sabihin

"Okay na ba?" nabalik ako sa realidad when Xav talked to me. Mas mabuting napigilan ko syang lumingon kanina kasi kung hindi baka ending nito iiyak na naman sya

"Yeah! ops sorry" nahihiyang sabi ko at inalis ang kamay ko na nasa ulo nya. I smiled showing my braces. Hanggang ngayon di pa rin sya maka move on sa ginawa ko sa kanya, kasi halata sa mukha nya

"What?" i asked while laughing

"Weird mo" sabi nya sabay hablot ng pouch at paper bag nya at labas ng coffee shop, natatawang sinundan ko na lang sya hanggang sa may terminal ng taxi

"If you don't mind, i can take you home?" i offered at bakas pa din sa mukha nya ang pagiging weirdo ko. Still laughing

"C'mon Fortalejo, besides i know your brother tsaka tipid pamasahe" i said trying to get close with her

"Fine" sabi nya at tinawanan ko na lang sya hanggang sa makababa kami sa parking, syempre dahil gentleman ako, pinagbuksan ko sya ng pintuan and inirapan naman nya ako. Kay Xaver nga nagmama 'to

I start the engine as i drove past the mall we just visited

••••

-Xav-

ANG WEIRD NYA SA TOTOO LANG! Like kanina sa coffee shop, hinawakan nya ulo ko, di nya ba alam na kahit si Quart ang gusto ko ay may chance din ako ma attract sa kanya. Di dahil gusto ko sya, sa kadahilanan na may dating sya, basta gwapo sya! Yun na yun

Basta sa pagkaka-alam ko, kilala ko kung sino yung dumating eh. Hindi ko lang nakita kasi epal tong Sniper na to, hindi ko naman agad naalis yung kamay nya kasi naka titig ako sa mukha nya.

Self! Loyal ka remember?

Then after nun, tawa sya ng tawa, pustahan tommorow di ko na makikita yung ganung attitude nya, back to normal na naman. And yet, mukhang parehas pa kami ng outfit or theme kasi sya si Eugene. Gaya gaya!

I was about to storm out of the coffee shop at that time when nag offer sya ng ride, he's really weird talaga. I feel like ibang Sniper yung kausap ko that time. Di naman ako makatangi kasi tipid pamasahe nga naman

"Thank you for the ride and sa pagbayad ng clothes ko. You won't let me pay" i said habang sya nasa may driver seat pa din ng kotse nya. Yet, naka smile na naman sya na parang suma sang ayon sya sa sinabi ko

"Let me repay you, everything you want" i said and tumungo naman sya. Hindi ba sya magsasalita or what so ever. Tinaas na nya ang bintana ng kotse nya at umalis na

Weird but cute

-End-

Chasing The Wind ( Wind Series # 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon