Slay
-Xav-
AGAD AKONG SUMAKAY sa kotse ni kuya at inayos yung seatbelt ni Xivian at umalis na kami. Muntik pa akong malate kasi sobrang sarap ng tulog ko, buti na lang kamo at makulit yung stupid kong kuya
Nakarating na kami sa school, si kuya na daw mag-baba kay Xivian sa elementary department, hinalikan ko muna sa noo si Xivian bago umalis at lumabas ng kotse. Patakbo akong pumasok sa school, wala ng estudyante sa hallways kasi malamang sa malamang ay nagsisimula na first class nila
Napahawak ako sa pinto at hingal na hingal, nakatingin saakin lahat ng mga kaklase, nakita ko naman si Kara, katabi si Quart na busy na nagsusulat sa notebook na ngayon ay nakatingin na saakin
Seat-in na naman si Kara, psh
"Why both of you are late Mr. Dela Cruz and Ms. Fortalejo?" tanong ni ma'am, napaisip naman ako sa sinabi nya. Dela Cruz, biglang may huminga ng malalim sa likod ko kaya napatalon ako sa gulat. Late din si Sniper
"Personal issue ma'am" sabi ni Sniper, tinignan ko naman sya, sinenyasan na kami ni ma'am na umupo, saamin pa din ang atensyon ng tao. Siniko ko naman si Sniper habang naglalakad kami, napa-aray naman sya dahil dun
"Yikes! Late" parinig ni Kara na seat-in lang naman sa klase namin, at mukhang napantig ang tenga ni Bianxi dun
"Yikes! Seat-in" parinig din ni Bianxi, nilungunan sya ni Kara pero nag-iwas tingin na lang si Bianxi at binalik saakin at tingin na may ngiti sa mukha at gustong gusto ng marinig ang chika mula sa byahe namin ni Sniper. Umupo muna ako bago sya sinenyasan na mamaya na lang
Buti kamo at nasagot nya si Kara, alam na kasi nila ni Vina na ang plastic talaga ni Kara. Masyadong angel sa harap ni Quart! Teka! Bakit na naman ba ako affected?, siguro galit lang 'to kay Kara
"So, i have an announcement to make. Its official, sa Saturday na ang christmas party nyo and sa January 4 naman ang resuming of classes natin--- " naputol yung sasabihin ni ma'am dahil may epal na tuko
"Ma'am pwede din ba ako sumama" pabebeng sabi Kara, tinignan lang sya ni Quart na parang sanay na sanay na sya sa ugali ng girlfriend nya
"Di pwede no pets allowed dun" natawa naman si Dash at Gunter sa sinabi ni Bianxi
"Eh bakit ka nandun?" sabat naman ni Kara
"Masyado kang advance mag-isip, wala pa sya doon, papunta palang" natawa naman kami sa sinabi ni Vina, inirapan na lang sya ni Kara
"Oo naman Ms.Smith" sabat ni Ma'am
"Alangan pwede si Kara dun, girlfriend sya ni Quart eh" sabat naman ni pabibong Yvonne. Alipores ata ni Kara the bitch 'to e
"Oh talaga bakit di mo kinuwento sa pagong" sabat ni Bianxi, natawa naman kami dun. Bars talaga 'tong si Bianxi
"Masyado kang mema, Bianxi" sabat ni Klarrise, the sidekick
"Masyado kang epal, alis ka, mukha kang lamog na bread" sabat naman ni Vina
"Girlfriend ko yan!" sigaw ni Gunter, binato naman sya ng ballpen ni Vina. Nanlaki lang ang mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Sila na? Sana all
"Nuxx naman Kurt, galing bumanat ah" sabi ni Sniper sabay siko kay Gunter, 2nd name ni Gunter yung Kurt
"Mana sayo, ganun ka din naman bumanat kay Xav diba?" sabay namin binato ng sapatos si Gunter. Namula naman ako sa sinabi nya
"Nakaka-panakit na kayo!" ani ni Gunter sabay balik saamin ng mga sapatos namin
"Oo nga, siguro nag-banatan na kayo sa Manila ni Xav noh? " asar saakin ni Bianxi, nilakihan ko sya ng mata at sinenyasan na tumigil pero nginisian nya lang ako
"Anong Manila at banatan yan?" sabi ni ma'am at naka-ngiti saamin, hinila ko yung buhok ni Bianxi upang di makasagot kaso nagtaas ng kamay si Vina
"Nag-date sila ni Sniper sa Manila. Libre pa ni Sniper miss, tapos couple dp pa sa may Ermita miss. Napaka-duga! Night date pa sa Ayala triangle" di ko maabot si Vina, natawa naman si Bianxi, agad ko ng binitawan buhok nya, bigla na lang umugong ng tili yung classroom
"At bakit may pa-date Mr. Dela Cruz?" shit! ang pula pula ko na! Nag-heads down na lang ako, para akong grade 7 na kinikilig sa crush nya
"Friendly date lang miss" tumaas balahibo ko dun, at parang may kumirot sa puso ko, oo nga pala friends lang kami
"Tsaka miss, tinutulungan ko lang si Xav hehe" oo nga pala, yun naman talaga ang intensyon nya saakin eh. Ang tulungan na mag-move on. Kailangan ko na palang iwasan si Sniper, ayokong lumalim pa 'tong nararamdaman ko sa kanya
"Okay tama na yan, discuss natin ang games and food to share" umupo na ako ng maayos at yumuko na parang kunwari na may kinukuha sa bag. Mas masakit pala 'to kesa sa naransan ko kay Quart.
Mas okay na palang magmahal ng tao na alam mong walang magiging 'kayo' kesa sa magmahal ka ng tao na akala mo kayo. Umaasa ka lang pala
Inayos na ni ma'am yung food to share namin, sinulat ko yung akin tsaka yung dadalhin kong prizes, bibili pa ako sa mall ng prizes at ako pa kasi ang magbabalot nun. And mag-bubunutan pa kami kung sino bibigyan namin ng regalo
"You may now take your break" tumayo na si ma'am at umalis. Inayos ko yung bag ko, paglingon ko nandito na silang 5 sa harapan ko, tinignan ko naman at tinaasan sila ng kilay
"Tara baba na tayo, mag-chika ka naman saamin dun" sabi saakin ni Vina at hinila ang braso sabay aklay palabas. Nasa gilid ko naman si Bianxi at nasa likod naman namin yung 3
"Gunter, Claiden and Dash" tawag ni Quart sa mga kaibigan nya, napalingon kami, napatingin ako kay Kara naka naka-aklay yung kamay sa mga braso ni Quart, napa-irap na lang ako
"Come with us" napatingin naman saakin si Sniper, di ko na lang sya nilingon at yumuko na lang ako, hinila ko na yung mga kaibigan ko palabas at iniwan yung 3 lalaki sa loob, bahala sila dyan
"May away kayo ni Quart?" curious na tanong saakin ni Vina, tinignan ko lang sya
"Di kami magka-away, di lang talaga kami in good terms" explain ko which is true naman, never naman kami nag-bati ni Quart kaya di ko masasabi na nag-away kami. Bahala na lang sila, di ko rin alam kung itutuloy ko yung pag-iwas ko kay Sniper dahil sa nararamdaman ko, dumiretso na lang kami sa canteen
-End-
BINABASA MO ANG
Chasing The Wind ( Wind Series # 1 )
Teen FictionChasing the Wind ( Wind Series # 1 ) Every move she made, it's all nothing but a trash to him, so as the efforts she exert just for him to notice her unforgettable love. She did everything, he does nothing. She loves him but he hates him. Then, she...