Panibagong araw na naman at magkakasama kami ng mga bruha dito sa Cafeteria.
Hindi na muna kami lumabas para kumain sa Karenderya ni Aling Sita dahil natatamad kami maglakad sa tirik na araw.
Naghahanap kami ng bakanteng makakainan ng magkasalubong ang mga paningin namin ni Mig.
"Pusa! este Fai/pay/ dito na kayo sa table namin"tinaliman ko siya ng tingin sa tinawag niya sa akin.
Nilingon ko naman ang mga kaibigan ko na nagkibit balikat kaya alinlangan akong lumapit sa table nila.
Pinagdikit nila ang lamesa na nasa gilid na pagmamayari ng kasamahan nila para magkasya kaming lahat.
Nasa right side ko si Cass then nasa left side ko si Jass nasa left side naman ni Cass si Ayne na kausap na ang isang kateam nina Love.
Nagsimula nalang din akong kumain ng tahimik dahil wala naman akong sasabihin.
Hindi naman ako kinakausap ng Love ko mabuti pa mga kaibigan ko kinakausap ng mga kaibigan niya.
Muntik na akong mabilaukan ng pagtaas ko ng paningin ko ay nahuli kong nakatingin sa akin si Love.
Natatawa naman akong tinapunan ni Mig ng panyo kaya kinapa ko ang gilid ng labi ko na may ketchup pala.
Nahihiya ko itong pinunasan saka nginitian si Love.Napalabi ako ng irapan niya ako.Kay lalaking tao umiirap.
Kapag napasakin 'to panigurado sa ibang bagay 'to iirap,ako pa ba alagang wattpad 'to hahahaha charot.
Mahanap nga nanay nito hindi marunong mag crushback anak niya.
Nagpaalam na kami sa kanila pagkatapos naming kumain. Gagawa pa kasi kami ng ibang requirements para ma submit namin until deadline ng grades sa 2nd semester na ito.
BINABASA MO ANG
SARILING TADHANA
Teen FictionAno nga ba ang kailangan mong gawin para lang sa tinatawag na pag-ibig.Handa ka bang gawin ang lahat para lang rito o mas prepared mong maghintay ng tamang panahon o hayaan ang tadhan ang gumawa ng desisyon mo sa buhay