Napapailing nalang ako sa kalokohang pinagsasabi ni Jas.
Patungo kaming Karenderya ni Aling Sita para kumain. Buong Araw din naman kasi kaming nakinig sa mga tinuturo ng aming mga guro.
"sa sobrang galit niya sa atin napautot siya" parang sirang sabi ni Jas
Kanina niya pa iyan sinasabi kaya kanina pa din kami tumatawa. Parang tanga kasi ayaw pang kalimutan ang nangyari kanina.
"Bumili na nga kayo ng makakain natin"natatawang sabi ko sa kanya sabay tulak.
Matawatawa niya namang hinila si Cass papuntang harapan. Nagkatinginan naman kami ni Ayne saka nagtawanan.
Kinuha ko ang phone ko ng tumunog ito.
"Bakit"natatawang bungad ko dito
"hello pusa" napakunot noo ko namang tiningnan ang caller ngunit unknown ito.
"san mo nakuha number ko"mataray kung tanong na ikinahalakhak niya
"saan kayo"napataas naman ako ng isang kilay ko sa walang bahalang tanong niya
"bakit ba"naiinis ko ng tanong sa kanya
"Sagutin mo nalang"mauwturidad niyang tanong
"nandirito kami sa karenderya ni Aling Sita,bak-" parang gago babaan daw ba ako ng tawag napakawalang hiya.
Ano kayang kailangan ng tado na iyon. Sarap bigwasa sumbong ko kaya siya kay love haha.
"ito na po mga señorita"napangisi kami sa dumating naming pagkain
"salamat mga yaya"pagbibiro ni Ayne kaya binatukan siya ni Cass
"gaga mas yaya ka pa sa amin"napatawa nalang ako sa biruan nila.
"Inusisa pa kami ni Aling Sita kung bakit ngayon lang tayo nakabalik sa kainan niya" natatawang sabi ni Jas
BINABASA MO ANG
SARILING TADHANA
Novela JuvenilAno nga ba ang kailangan mong gawin para lang sa tinatawag na pag-ibig.Handa ka bang gawin ang lahat para lang rito o mas prepared mong maghintay ng tamang panahon o hayaan ang tadhan ang gumawa ng desisyon mo sa buhay