1♥
"Tutulungang kitang magreview?"
Napatingin ako sa paligid ko at napapalibutan ako ng grupo ng mga delinquent guys. Binalik ko ang tingin ko sa kanya.
"Di mo ako tutulungan? Pero valedictorian ka di'ba?"
Napapikit ako sa sinabing yun ni Daniel. Elementary pa nung naging valedictorian ako pero di pa din sya makamove-on!
"Dan. Nung grade 6 pa yun" asar kong sabi.
"Pa-humble ka pa. Running for valedictorian ka sabi ni John Rey, yung kakompetensiya mo"
Nilingon ko ang tinitignan niya at nakita ko nga si John Rey na nagtutor kay Audrey. Hmp. Umirap ako sa ere kaya tumawa itong gang leader na 'to.
"Malakas ang laban niya. Alam mo kung bakit? Kasi nagtuturo siya sa ibang mga estudyante. Di gaya mo na kahit kopya ng isang sagot bawal"
"Che! Pag-iisipan ko. Kung nag-aral ka lang ng mabuti ay di mo kakailanganin ang tulong ko.
"Sure Jess. Pupunta ako sa inyo mamaya para sa sagot mo" at tumayo na sila para umalis.
"Ah oo. Whatever"
Tinignan ko si John Rey at ang lahat ng students na nakapalibot sa kanya.
Maliban sa matigas ang ulo nun ay wala namang maitutulong si Daniel sa akin, samantalang ang mga nakapaligid kay John Rey ay mga honor students din. Napailing na lang ako.
"Atleast gwapo!" kinikilig na sabi ni Jean sa akin.
"Ay naku. Pwede wag na natin siyang pag-usapan? Malapit na ang 3rd periodical test"
Nagulat ako ng bigla akong tampalin ni Jean. "Kaya wala kang friends eh! Pwede magpakasaya ka naman?"
"Eh ano ka sa buhay ko?" at tinaasan ko sya ng kilay.
"Best friend! Haler!"
"Oh. Hala sige, review!" at sinuot ko na ang reading glasses ko.
"Ah oo. Nerd"
Naglalakad na kami pabalik ng room ng makita kong kinakausap ni Audrey si Daniel. Tinanguan lang ako ni Dan at binalik ang tingin kay Audrey.
"Yan pala ang tipo nun?" usyoso nitong kasama ko.
"Jean. Hindi tataas ang grades mo sa economics dahil dyan" at nagmadali akong naglakad.
"Jessica!"
Napatingin ako sa tumawag sa akin at napatingin kay Jean na malapit ng mahimtay.
"Malayo ang clinic" bulong ko sa kanya bago kinausap si kuya. "Yes kuya Sky?"
"Hi Jean! Sis. Pakiuwi naman itong bag ko kasi may varsity practice pa kami" napatingin siya kay Daniel kaya tinawag na din niya.
"Uy Daniel! Practice mamaya ah!"
Tinignan ko si Daniel na tumango lang kay kuya. Kapal talaga ng isang 'to.
"May meeting pa kami at pareho tayong walang kotse ngayon" at tinalikuran ko na siya. "Kaya mo na yan"
"Kadamot talaga!"
Nang makapasok na kami sa kwarto ay bigla agad akong binugahan ni John Rey.
"Jessica. May Physics exam tayo, laban?"
Malapusa ko siyang tinignan. "Wala ko sa mood please"
"Tss. See that guys?" mayabang niyang announce.
"Of course they have eyes. Pero mas better siguro kung 'hear that guys?'" sabi ko with matching 'quote-unquote thing' kaya umalis siya sa harap ko.
"Yabang talaga nun ni Rey. Sus!" kantyaw ni Jean.
Magsisimula na naman sana ang isang mind war kaso biglang pumasok si Audrey. Actually wala silang paki dun, hinatid kasi sya ni Daniel.
Yun ang big deal.
BINABASA MO ANG
Halik ng Valedictorian
Teen FictionAng halik, pinaghihirapang makuha. Maliban na lang kung bibiglain mo o idadahan-dahan mo. Parang si Jess. Akala niya tapos na ang masayang highschool life niya ng sabihin ng kanyang karibal na si John Rey ang pagbagsak niya sa college entrance ex. A...