Thank You Very Much xx
-----
10♥
"And this year's batch valedictorian!" sigaw ng principal namin. Sinilip ko sabay siko ang katabi ko at nginitian bago magpatuloy si Ma'am sa pagsasalita.
"John Rey V. Noita!"
Nagpalakpakan ang lahat habang paakyat siya ng stage. Pati ako pinapalakpakan siya habang nakikitang sinusuot ang medal na para sana sa akin. Ngumiti na lang ako at hinayaan na lang.
Hindi naman lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Hindi ako nakapasa sa pangarap kong university, di rin ako ang naging valedictorian. Tumingala ako habang naririnig ang speech niya. Di bale, bumawi naman ako sa yearbook. Nakita kong nakatingin siya sa akin pero hindi katulad dati ay seryoso siya at di nakangisi.
"Congratulations" bati ko pagkababa niya sa stage.Natapos na ang ceremony at kanya-kanya na kami. Nakipagpicture na rin ako sa mga kaklase ko. Tawanan kami at panay ang plano na magkita this summer. Alam kong malabo ito pero malay mo naman di'ba?
"Uy Jess. Picture naman kayo ni John Rey!"
Tumawa ako sa sinabi ni Harvey na bestfriend niya. Nakangiti akong dumikit sa kanya at kunwaring papaluin sana siya ng diploma ko na nagpatawa sa mga kaklase ko.
"Bitter!" kantyaw ni Marina.
"Uy hindi ah, biro lang." Nakangiti kong sabi at nilapitan ang grupo nila para yakapin sila.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na sila at nagulat na lang ako sa pagtawag ni Daniel sa akin.
"Oh?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"Samahan mo ko sa admin. May kukunin lang" nahihiya niyang sabi.
"Ganun? Oh sige."
Nagtatawanan kami habang inaalala ang mga nangyari sa buong high school life namin. Pati mga kalokohan niya ay naibulgar ko pa.
"Thank you ha," sabi niya habang mahigit pa nahawak ang kanyang diploma.
"San?" inosente kong tanong.
"Sa pagtutor mo sa akin. Ang daming nangyari, nakapasa ako sa university na papasukan mo tapos ako ang naging top 1 ng section namin," nahihiya niyang sabi.
"Ok lang ano ka ba? Parang di leader ng gang," biro ko sa kanya kaya napanguso lang siya dahilan para matawa ako.
Pagkarating namin ng admin ay naghintay lang ako sa labas. Napatalon na lang ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko.
"Isang bagay na lang at kumpleto na ang high school life ko," nakangiti niyang sabi habang nakatitig lang ako sa kanya.
"Ano?"
"Maging tayo," at tinitigan niya ako na nagpaurong sa akin.
"A-ano?" utal kong tanong.
"Sorry. Kasi matagal na kitang gusto Jess. Ano? Nahihiya lang kasi ako kasi ano?"
Natawa na lang ako sa kanya. Is he really the bad boy I knew? Yumuko siya at nakatingin lang ako sa kanya.
"Daniel" tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
Pag-angat niya ng ulo ay hinalikan ko agad siya na nagpagulat sa kanya. Ngumiti ako at niyakap siya.
"Ibig sabihin tayo na?" bulong nya sa tenga ko.
"Oo siguro?"
Kumalas ako sa yakap at tumayo na. "Tara na?"
Nakangiti siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko. Habang palabas kami ng hall ay may lumipad na papel sa paanan ko.
"Ano 'to?"
Pinulot ko ang papel at nanlaki ang mata ko ng makita kung ano itong hawak ko. Napatingin ako kay Daniel na parang nagtataka ang mukha.
"Di mo alam?"
Binalik ko ang tingin ko sa papel na hawak ko. Di ako makapaniwala. Totoo ba 'to? Ngumiti ako at tinupi ang papel para itago. Kaya pala, nasa second page ang pangalan ni Jean. Lumakad na kami palabas kung nasan ang mga parents namin.
"Ok na rin. At least schoolmate tayo" at inakbayan ako ni Daniel.
"Kaya nga."
Nakangiti kong sabi pero sa isip-isip ko. Shit. Ako pala ang top notcher ng CET. Umiling ako at pag-angat ng tingin ko ay nakita ko si John Rey na nakatingin sa direksyon namin.
"Thank you" nakangiti kong sabi sa kanya bago kami umalis para umuwi.
-----
*october 2014
C.I.c.D
All Rights Reserved.
BINABASA MO ANG
Halik ng Valedictorian
Teen FictionAng halik, pinaghihirapang makuha. Maliban na lang kung bibiglain mo o idadahan-dahan mo. Parang si Jess. Akala niya tapos na ang masayang highschool life niya ng sabihin ng kanyang karibal na si John Rey ang pagbagsak niya sa college entrance ex. A...