CHAPTER 2

402 9 0
                                    

2♥

Last subject na namin which is Journalism. Lahat ng nasa english org ay may pasok samantalang kami ay wala. Siyempre, bigay-bigay na lang kami ng articles.

"Umuwi na kaya tayo?" aya ko kay Jean.

"May sasabihin pa daw si baklang Glen! Nandun siya kay Sir ngayon"

Tumingin ako sa paligid bago umupo sa pasamano. "Meeting ng pala, panigurado contest lang yan"

"Sasali ka?"

Tinignan ko siya at nilapit sa akin para yakapin. "Siyempre, tayong dalawa". Humiwalay sa akin ang loka at pinalo ako.

"Ay ewan ko sayo!"

Tumawa lang ako at tinignan ang direksyong tinitignan ng lahat. Ayun si Audrey ulit, pero di siya ang concern ng masa. Si Daniel na pinapalibutan ng buong grupo si Audrey.

"Astig Drey! May mga bodyguards!" kantyaw ni Jean ng lumapit siya sa akin.

Nginitian niya lang kami at pumasok na sa room kung nasan ang mga girlfriends niya. Etong epal naman ay huminto pa sa harap ko.

"Ganda ng girlfriend ko ano?" at umupo pa talaga sa tabi ko.

"Sus. Masasakal na naman sayo yan, ikaw talaga di na natuto" sermon ko sa kanya.

"Oo nga Dan! Hinay-hinay" biro ni Jean.

"Eh yung kalaban nito eh! Lapit ng lapit" sabay duro niya sa akin kaya hinampas ko sya.

"Pwede ba? Wag mo kong idamay. Kumuha-kuha ng malandi tapos aasta ng ganyan"

Tinignan niya ako ng masama at bumaba na para umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papunta silang gym.

"Highblood agad?" tanong ni Jean.

"Guilty eh"

Patakbong pumunta si bakla papasok ng room at nag-announce nga ng contest. The usual, ako ang napili para sa editorial category at si Jean ang sa copy reading. After nun ay umuwi na din kami dahil mga kaibigan nilang nasa english org ang hinihintay ng iba naming kaklase.

"Daanan daw natin si kuya. Hay kakulit"

Pagkapasok namin ng gym ay nagdidrills lang naman sila. I rolled my eyes ng makita ang kapatid kong papalapit na at bitbit ang body bag niya.

"Thanks" at hinalikan niya ako sa noo.

"Oh whatever. Yuck ang pawis mo."

Naghiwalay na din kami ni Jean sa sakayan ng tricycle dahil maglalakad lang siya habang sasakay naman ako ng jeep.

Pagkadaan ko ng 7-eleven ay nakita ko si Audrey na kasama si Kean ng kabilang school. Pumasok ako sa loob at kunwaring bibili ng ice cream.

"Kinukulit ka?" tanong ni Kean kay Audrey.

"Yeah. Sabi ko nga ay di na pwede"

Nalito ako sa narinig ko at kumuha na agad ako ng isang ice cream. Diretso agad ako sa counter bago pa niya ako makita. Pagkabayad ay lumabas na din ako para umuwi.

"Jess! Nandito si Daniel!" tawag ni Mommy sa akin.

"Coming" tamad kong sabi.

Pagkababa ko ay naalala ko si Audrey ng makita si Daniel. Tanga talaga ang isang 'to. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"What?"

"Yung napag-usapan natin" matigas niyang sabi.

"Sure. Need mo ng utak" at umakyat na ako sa hagdan. "I'll just text you kung saan tayo."

"Ok."

Pagka-akyat ko sa kwarto ay nakita kong tumatawag si John Rey sa akin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot ang kanyang tawag.

"Yes?"

"Jess. I have an offer."

Di pa natatapos ni John Rey ang sasabihin ng bigla akong nakarinig ng sigawan sa labasan. Agad akong sumilip sa bintana at kitang-kita ko si Kean na may hawak na baril.

"Mamaya na tayo mag-usap, or bukas na lang sa school" at binaba ko na ang cellphone ko para tumakbo palapit kay Daniel.

Hay naku. Pag may trouble talaga, alam mo na kung sinong bibida.

Halik ng ValedictorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon