CHAPTER 9

209 10 0
                                    

9♥

Nat exam.

Huling hirit bago kami tuluyang grumaduate. Nag-ayos na din kami ng mga certificate's at accomplishment na kailangan para malaman kung sinong mga nasa honor.

"Jess! Kapasa kang Athens?"

Nginitian ko si Jean at masayang tumango. Thank you sa mga recommendation ko at naging madali ang pagpasa ko.

"Si Daniel din doon di'ba?" tanong niya sa akin.

"Oo. Ako nagreview sa kanya."

Second batch ako dahil letter T ang simula ng apelyido ko. Panghapon kami ni Jean, Vasquez naman siya kaya nasa pangatlong kwarto siya. Bago kami maghiwalay ay nakasalubong pa namin si Daniel at nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Ginawa ko itong doodle. Wala na kasi akong magawa nung sa huling subject," nagkamot pa sya ng ulo habang inaabot sa akin ang isang piraso ng papel. "Mabilis kasi akong natapos."

"Talaga?" masaya kong tugon at kinuha ang papel na inaabot nya. "Salamat," at tinago ko na iyon sa bag ko.

Pumasok na ako sa classroom na naka-assigned sa akin. Sa may bandang gitna ako at hindi ko kilala ang mga katabi ko. May mga namumukhaan ako pero wala akong mangitian. Mapapanis ang laway ko.
Isang bagay na maganda sa ganito, taga-ibang school ang mga teachers at pagnatapos ka ay pwede ka ng lumabas pag break na.

"Sabi na mauuna kang lumabas eh" bati ni Jean sa akin ng puntahan ko siya sa classroom nila.

"Ikaw din naman. Top 4," at inasar ko siya.

"Uyy. Wala pa!" nahihiya niyang tugon.

Magkasabay kaming nag-break at naghiwalay ulit kami ng oras na para sa last two subjects. Tinitignan ako ng mga katabi ko pero di ko naman sila makausap kasi naiilang ako. Gusto kaya nila kong kausapin?

Pinilig ko na lang ang ulo ko at inalis ang idea na naisip ko. Bigla ko lang naalala yung binigay ni Dan kaya kinuha ko ang papel sa bag ko. Natawa ako at nagulat sa nakasulat.

Isang bugnot na chibi ni Dan na may nakasulat na goodluck. Napangiti na lang ako at binalik yun sa bag. Ayos talaga ang buang na yun, dumating ang teacher at nagsimula na ulit kami.

Mukha nga lang akong tanga kasi di ko maiwasang di ngumiti.

"Musta? Masaya ka 'ata?"

Umiling lang ako at nagulat kay John Rey na nakatingin sa akin pero nakahawak sa baywang ni Cher ng kabilang section. Umiling ulit ako at sinukbit ang kamay ko sa braso ni Jean.

"Clingy," asar niya.

"Ice cream tayo?" aya kong tinanggap niya naman.

Nagpapractice na kami ng mga graduation songs para bukas. Medyo gabi na ang tapos namin dahil may mga kasama nang parents at ira-run ng maraming beses ang ceremony. Naririnig ko ang usapan nila Marina kaya alam ko ng sa ibang bansa mag-aaral si Arriane. Pinag-uusapan iyon ng lahat ngunit pinagkibit-balikat ko na lang.

"Musta?"

"Oh Dan?" nagulat ako sa pagsulpot ni Daniel sa tabi ko.

"Graduate na tayo bukas" nakangiti niyang sabi pero malungkot ang kanyang mga mata.

"Makapagdrama? Magkikita pa tayo sa campus," masaya kong sabi.

Lumiwanag ang mukha nya sa sinabi ko at ginulo niya ang aking buhok.

"Oo nga pala. Sige, balik na ko sa team," tumayo siya at wala kong nagawa kundi tingalain siya. "Bye!"

Sinundan ko na lang siya ng tingin at ngumiti akong umiling. Nagulat ako sa pagtabi ni Audrey sa akin.

"Oh?" tanong ko sa kanya.

"Swerte mo kay Daniel. Perfect. Sana ako na lang ang nagustuhan niya" bitter pero nakangiti nitong sabi.

"What do you mean?" kunot noo kong tanong.

Tumayo lang siya at bumalik sa kanyang pwesto. Nilingon niya ako at nginitian. Parang baliw lang.

Halik ng ValedictorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon