CHAPTER 8

210 10 0
                                    

8♥

"Excited na ako!" nakangiting sabi ni Jean na tuwang-tuwa sa parang pacute lang na gown niya at ang kanyang maskara.

Panay ang pagkuha ng litrato ng mga kaklase ko. Palibhasa ay last year na namin itong magsi-celebrate ng prom. Tuwang-tuwa ang lahat lalo na sila Marina dahil sa kasama ni Maya.

"Gwapo ah!"

Nagulat ako ng makitang nakipaghigh five si Daniel sa kasama ni Maya. Lumawak ang ngiti niya ng makita ako at lumapit sya sa akin.

"Fc lang 'Niel?" nakatawa kong tanong sa kanya.

"Hindi. Uy may maganda ka palang kaklase," biro ni Dan habang nagsusuot ng maskara.

"Sino?"

Nginuso niya si Hanilyn na sexyng-sexy sa suot na black long dress. Tinignan ko lang siya ng masama kaya napatawa ng malakas ang siraulo. Nagulat na lang ako sa pagsukbit ni Audrey ng braso niya kay Daniel.

"Date ko pala Jess."

Binigyan ko ng hilaw na ngiti si Audrey pero snob lang ang lola niyo. Umalis na sila pagtapos nun at dun ko lang napansing ako lang ang walang kapartner, kawawa naman ako.

"Can I be your date?"

Lumingon ako at nakita ko si John Rey na ang gwapo sa suot niyang plain white sleeves. Oo gwapo yung sabi ko, nagpomada kasi siya. Nginitian ko siya at pumayag na din, wala akong ka-partner eh.

Kanina pa nagsimula ang party, tumayo na si John Rey para makipagsayaw sa mga kaklase namin. At kanina ko pa napapansin etong babae at yung kasama niya. Tahimik lang silang tumatawa. They look good together at magkaholding hands pa sila. A prince charming and a princess spit out of fairytale.

Narinig ko ang mga usapan sa kabilang table, mukhang kilala nila kung sino yun at sinisiraan nila ito. Tumayo ako para pagsabihan sana sila ng biglang hilahin ako ni Daniel.

"Sayaw tayo."

Wala na kong nagawa pa kaya nagpatianod na lang ako sa kanya. Party music na ang tugtog sa dance floor at gusto kong pompyangin si Daniel.

"Mas astig di'ba?" masaya niyang sabi habang sumasayaw.

Inenjoy ko na lang hanggang sa matapos na yung kanta. Pagkabalik ko ay panay pa din ang dakdak nitong mga babae sa tabi ko.

"Nain-love na ba kayo?" nakangiti kong tanong na nagpagulat sa kanila.

"Siyempre" sagot nung mukhang leader.

"Kung ganun. Wag nyo silang pakialaman" at tinalikuran ko na sila saktong pagbalik ni John Rey.

"Jess. Payag ka na ba sa alok ko?"

Napatitig ako sa kanya. Actually, wala na akong pake sa CET na yun. Yung mga parents ko ay pinagtake-up ako sa ibang university at alam kong dun na ako bi-bingo.

"Sa totoo lang Rey. Ano, pano ba? Ok lang naman na sa akin. Nakamove-on na ko. Hinihintay ko na lang yung results sa second choice ko," paliwanag ko sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi ko at malungkot na tumayo na.

"Ok" pilit niyang ngiting sabi. "Sinubukan ko lang."

Umalis siya at iniwan lang ako? Sinundan ko siya ng tinggin na papunta sa mga kaibigan niya at binigyan niya ng disappointed look lahat ng mga kabarkada niya sa football.

Natapos ang party na alok lang ata ni Daniel ang tinanggap ko. Ang boring ng prom na 'to. Tumayo na ako para umuwi sana ng lapitan na naman ako ni Daniel.

"Uwi ka na?"

"Oo," tamad kong tugon.

Nilagpasan ko na siya pero sinundan niya pa din ako na talagang nagpa-irita sa akin. Paano ba naman kasi iniwan niya yung date niya sa loob.

"Dan! Bumalik ka na. Si Audrey, baka hinahanap ka na," irita kong sabi.

"Tinext ko na, sabi ko uuwi na ko. Ihahatid kita."

Dito ko na lang nakita ang sarili ko sa loob ng limo nila Dan. Nakahalukipkip ako habang nakasandal naman ang ulo niya sa bintana.

"Malapit na ang graduation" bulong niya.

"Kaya nga. Pero may isang exam muna."

Katahimikan ulit pagkatapos ng usapan, na ako naman ang bumasag.

"Nililigawan mo pa rin si Audrey?"

Umiling siya. "No. Nakiusap lang siya sa akin. Ikaw sanang ayain ko."

"Ako?" nakatawa kong sabi.

"What's funny?"

Umiling lang ako at hinampas soya bago bumaba. Ang sira, idadamay pa ako. Dumungaw siya sa bintana at sinabing, 'seryoso' bago ito tuluyang umandar paalis.

Halik ng ValedictorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon