CHAPTER 6

370 7 0
                                    

6♥

Ilang araw ko nang naiisip ang pagbagsak ko sa exams. Kaya nakakahiya man ay taas noo pa din akong naglalakad kahit naaasar ako minsan kapag nginingisian ako ni John Rey.

"Huy Jess! Hindi pa tayo nagrireview. Natapos na ang exams at lahat!"

Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko si Daniel. Pambihira. Tuwing pupuntahan ko naman kasi ang isang 'to sa bahay nila ay laging wala.

"Nakapasa ka ba? Lagi akong nag-iiwan ng hand-outs sa bahay niyo. Binabasa mo ba?"

Nagkamot siya ng ulo at tinawanan ako. Isa lang ibig sabihin niyan, hindi.

"Ay ewan" at iniwan ko na siya.

"Eh kasi ang usapan magrireview tayo, tapos lagi mo lang akong pinapadalhan ng hand-outs. Di ko kaya maintindihan" maarte niyang sabi.

"Next time" at iniwan ko na siya ng tuluyan.

Nagsimula na ang klase para sa 4th quarter. Madami na kong contest na nasalihan pero hindi pa din ako makamove-on. I'm giving achievement to my alma mater pero aalis ako ditong luhaan, shit.

"Payag ka na?"

Tinignan ko lang ng masama si John Rey at binalik ang atensyon ko sa ginagawang assignment. Hindi ko kakagatin ang kalokohan ng isang ito kahit anong mangyari.

"Jess!"

Isa pa 'to. Ang gugulo naman ng mga tao. Yamot akong nagkamot ng buhok at lumapit sa kanya.

"Ano na naman?" irita kong sabi.

"Eto naman galit agad" sumilip siya sa likod ko at nakita siguro si Arte o iba naman.

"Dali mo at darating na si Ma'am"

"Eh kasi may long quiz agad kami. Punta ka sa bahay tulungan mo ko"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sa mga kagrupo niya na tumatawa lang. Hindi kaya ginagago ako nito? Binalik ko ang tingin kay Daniel.

"Fine. Pag ito kalokohan, alam mo na."

Masayang umalis ang grupo niya habang nag-aapiran pa. I rolled my eyes at bumalik na sa upuan ko.

Napatingin ako kay Audrey at inirapan niya lang ako. Kapal naman ng isang 'to. May gana pang magtaray ha!

"Jessica. May sagot ka na dito?"

Pinakita ni Jean sa akin ang workbook niya sa Physics. Binigay ko ang workbook ko sa kanya at nagkadumugan na. Palibhasa ang damot ni John Rey sa sagot. Kaya yung sinasabi ni Dan na ako ang madamot? Hmp!

Tinignan ko si John Rey na nagulat sa pagtingin ko sa kanya. Agad akong nag-iwas ng tingin. Magkakapalmuks na naman kasi yan.

"Jess. Pwedeng magtanong?"

"Ano na naman John Rey?" yamot kong tanong sa kanya.

"Pwede pa kopya?"

Nahinto kaming lahat, as in parang huminto ang oras. Seryoso ba ito? Mangongopya sa akin si Einstein?

"Naku, dumidiskarte" pabirong sabi ni Rico na sinakyan naman nila Eiji.

At mula sa pagkagulat ay pang-aasar naman ang ginawa nila ngayon. Tinaasan ko ng kilay si John Rey at nginuso ang workbook ko.

Pagkatapos ng klase ay usapan pa rin ang pagkopya niya sa akin. Of course! Knowing him. Malabo iyong pinakita niya sa amin kanina.

"Oh anyare sayo?"

Tinignan ko lang si Jean. Nakapalung-baba lang may nangyari na? Pumikit na lang ako at di siya sinagot pero nanlamig ako sa binulong niya sa akin

"Crush mo na ulit siya?"

Tumawa lang ako. "NO.WAY."

Halik ng ValedictorianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon