7♥
"Kanina ka pa. Tigilan mo ako" asar kong sabi kay Jean.
"Eto naman!"
Nagtawanan na lang kami at panay ang lait sa mga nakikita naming kapwa estudyante. Nagulat lang ako ng biglang makita si Daniel na nakaupo sa karinderya nila Van. Lumiwanag ang mukha niya ng makita ako at patakbong lumapit.
"Tara. Sabay na tayong umuwi" masaya niyang wika.
Nagulat ako sa biglang pag-alok ni Daniel sa akin. Bumagsak siguro ito kaya nagkakaganito. Tinanguan ko na lang siya at nagpaalam na rin kay Jean.
"Makasimangot naman. Swerte mo nga at gwapo ang kasabay mo"
Nandidiri ko siyang tinignan at tumawa ako. Kapal nito. Nahinto lang siya sa paglakad ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
"Yes Raf?"
Tumigil din ako sa paglakad syempre at tinignan ko lang si Daniel na binigyan ako ng kunot noo'ng reaksyon. Lumingon siya sa likuran namin at ng may matanaw na mga lalaking tumatakbo ay tinapon niya sa bag ang cellphone at hinila ako palayo.
"Hoy! Ano 'to?! Sira ka!"
Pumasok kami sa isang iskinita at tinakpan niya ang bibig ko.
"Manahimik ka. Ayokong makipagsapakan ng kasama ka, baka mapahamak ka."
Natigil ako sa paghihysteria ng marinig yun. Concerned talaga siya? Kumalma ako ng sandali pero halos tumilapon ang puso ko ng makita kami nung mga taga-kabilang school at pinalibutan kami.
"Shit" bulong niya. "Paalisin niyo muna yung kasama ko, tsaka tayo magsimula"
"Talaga lang? Anong gusto mo? I-gang rape namin, parang si-"
"Tangina mo!"
Pagkasabi niya nun pagkatapos ay sinugod si Marco. Nakasandal lang ako sa pader habang pinapanood ko siya. Kailangan ko siyang tulungan. Kumuha ako ng kahoy, may kahoy talaga dito?
"Hoy!"
Sinugod ko yung isang kasama ni Froilan at hinambalos nitong kahoy na hawak ko. Nang maramdaman kong malapit ng lumapit sa akin yung lalaking hindi ko kilala ay agad ko ng tinadyakan ang pagkalalaki niya na nagpangiwi sa kanya.
"Hoy! Dun ka lang sa tabi!"
Pagkasabi niya nun ay para kaming naging action stars na magkatalikod na.
"Tigilan mo ako."
Tumakbo si Marco ng may lumapit nang mga pulis sa amin kaya tinapon ko din ang hawak kong kahoy at tumakbo na kami palayo ni Daniel.
"Hindi ako makapaniwala dun Jess," masayang sabi ni Dan pagkauwi namin sa kanila.
"Tigilan mo ako" umupo ako at kinuha ang mga notes ko. "Start na tayo."
"Tomboy ka pala"
Hindi ko na siya inintindi pa at nagsimula nang magturo. Nakikinig naman siya sa akin at nagulat ako ng makita ang mga nahulog na test paper galing sa nag-iisa niyang notebook.
Puro 100% ang score nya!
Agad kong pinulot ang mga test paper at gulat siyang tinignan. "Akala ko bumagsak ka? Bugokis ka, puro A 'to!"
Nagkamot lang siya ng ulo at ginulo ang buhok ko kaya tinampal ko ang kamay niya. Inayos ko ang buhok ko bago maayos na nilagay ang mga hawak ko sa test paper envelope namin.
"Dapat pala ako ang turuan mo," nakangiti pero bitter kong sabi.
"Asus! Valedictorian ka nga," pang-asar niyang sabi.
Sinaringan ko siya sabay bulong ng 'Gago'.
BINABASA MO ANG
Halik ng Valedictorian
Teen FictionAng halik, pinaghihirapang makuha. Maliban na lang kung bibiglain mo o idadahan-dahan mo. Parang si Jess. Akala niya tapos na ang masayang highschool life niya ng sabihin ng kanyang karibal na si John Rey ang pagbagsak niya sa college entrance ex. A...