3♥
Tamad akong lumabas at lumapit kay Kean. Sa dami ng magiging kapitbahay ko ay ito pang yabang na 'to.
"Pre. Anong problema?" seryoso ko siyang tinanong.
"Eto kasi. Sinabi ng layuan yung girl friend ko, nilalapitan pa din!" asar na sabi sa akin ni Kean.
"Sinong girl friend mo?"
Itinaas ko agad ang kamay ko para pigilan sa kakakuda si Daniel. Mataray akong humarap kay Kean.
"Wala pa kasing laman ang utak nyan. Yaan mo, itututor ko yan. Matatauhan din yan"
Tumango lang si Kean at asar pa ring tinitigan si Daniel, ibinaba na niya ang baril na dala saktong pagbukas ni mama ng gate.
"Sige. Huli mo ng gago ka!" at tumalikod na siya para umuwi.
Lumapit ako kay Daniel at binatukan ko. Asar niya lang na kinamot ang ulo nya.
"Sino bang girl friend nun?"
"Ay ewan! Si Audrey ang girl friend nun!" at tinulak ko na sya pauwi.
Seryoso nya akong nilingon. "What did you just say?"
"Wag mo kong mai-english-english at baka sapakin kita!" at tinulak ko siya.
"Si Audrey ang girl friend nun?" ngumisi siya at umiling. "Dapat di mo kami inawat!"
"Ah oo! Nang sumabog yang bungo mo! Tss, umuwi ka na nga!"Ginulo niya lang ang buhok ko at lumakad na pauwi, dyan lang naman siya sa kabilang phase kaya walang problema.
"Ano yun Jessica?" tanong ni Mama sa akin.
"Wala po yun. May utang lang si Dan sa kay Kean. Tulog na po tayo"
Mukhang maingay na chika ang nangyari kagabi dahil hanggang ngayon ay usapan pa rin ng mga maids.
Pumasok na ako sa dining room at laking gulat ko ng makita si Papa na nakaupo sa mesa.
"Paps?"
Binaba niya ang binabasang dyaryo at nakangiting humarap sa akin. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinalikan ko agad siya sa pisngi.
"How's school?"
Umupo ako at hinarap ang nakataob kong plato. "As always, great!"
"Balak mo daw itutor si Daniel sabi ng mama mo"
"Yes Pa. Need kasi sa school" at tinusok ko na ang bagong lutong hotdog.
"Good"
Nagpaalam na din ako para pumasok at saktong si John Rey ang nakita ko. Agad ko syang nilapitan, at itatanong ko kung anong pinagsasabi nya kagabi. Palapit na ako sa kanya ng bigla namang harangan ako ni Audrey.
"Jr! Pre-calculus tayo today di'ba?" masaya niyang tanong na nagpataas ng kilay ko.
Bitch.
"Hoy John Rey! Ano yung sinasabi mo kagabi?"
Tinignan ako ni Audrey at inirapan. Aba?! Ikaw pang may ganang magganyan? Ang tinde ng isang 'to. Tinulak ko siya paalis sa harap ni John Rey na kinagulat niya.
"Hey!" tawag niya sa maarteng tono.
"Hindi oras ng pagrireview ngayon" at tinignan ko na ulit si John Rey. "Anong sasabihin mo?"
"Tara. Wag dito" at hinila niya ako paakyat sa roof deck.
BINABASA MO ANG
Halik ng Valedictorian
Teen FictionAng halik, pinaghihirapang makuha. Maliban na lang kung bibiglain mo o idadahan-dahan mo. Parang si Jess. Akala niya tapos na ang masayang highschool life niya ng sabihin ng kanyang karibal na si John Rey ang pagbagsak niya sa college entrance ex. A...