5♥
"Meaning na lang niyan di mo alam. Palibhasa kasi ang alam mo lang ay what is love?!"
Kinamot ni Daniel ang ulo niya at nakakalokong tumawa lang sa akin. Pinalo ko siya ng notebook kaya galit siyang umilag sa akin.
"Para 'tong baliw!" galit niyang utas sa akin.
"Kanina pa ko turo ng turo tapos text ka lang ng text dyan! Kabwiset ka talaga!"
"Nakita mo na ba yung result ng entrance exam?"
"Hep! Magtigil ka. Please lang" irita kong sabi.
Umiling na lang si Dan at tinabi ko na ang mga gamit ko. This guy is useless and he is just wasting my time, ganitong nabibwiset na ako eh. Nabibwiset ako. Sobra kong nabibwiset.
"San ka pupunta?" awat niya sa akin.
"Uuwi na. Bukas na lang ulit" kinuha ko ang mga hand-outs na piniprepare ko. "Basahin mo muna 'to tapos rireviewhin natin bukas"
"Ano? Kakasimula lang natin eh" tumayo siya para hilahin ako.
"Bukas na lang ulit. May gagawin pa ako"
Binitiwan na niya ang kamay ko kaya tuluyan na akong nakaalis. Napadaan ako sa admin at ang daming tao na tinitignan ang results.
I wanna die.
All my life alam ng lahat na matalino ako tapos ganito! Lahat sila nakapasa except me! This is bad and embarassing!
"Nakapag-isip ka na?"
I looked at him. The nerve of this guy, ang kapal talaga ng John Rey na 'to! Nagpatuloy ako sa paglakad at hindi ko na siya pinansin pa. Ang kapal talaga!
"The mob is looking at the results. Tsk, paano na yan? Malalaman na nilang lahat"
Ngumiti ako at humarap sa kanya. "So be it. Yun lang ba ang school sa Pilipinas? More than hundred dear."
Nakita ko ang gulat sa mukha niya pero agad itong napalitan ng nakakainis na ngisi.
"Dear?" sabi niya habang tumatawa. "It's up to you Tolentino. Pride or Achievement, it's up to you"
Tinalikuran na niya ako at nagtaas lang ako ng kilay. The nerve! Ang lakas ng loob maging mayabang, inayos ko ang backpack ko at dumiretso na sa gate.
I need to find a way para magpaliwanag sa parents ko about this. Sheez. Nakakahiya.
"Huy! Sabay na tayo!"
Nakita ko si Dan at ang harley niya. May sakit ba 'to at nag-aaya ng ganito? Nagkibit-balikat ako at kinuha ang inaabot niyang helmet. Ok na din 'to kesa nga naman maglakad pa ako.
"May sakit ka?" pabiro kong tanong.
"Tss. Wala, eto minsan lang alukin nag-iinarte pa"
Hinampas ko ang balikat niya dahilan para mapabulong siya ng 'aray ko' kaya natawa ako.
"Leche ka."
Ang lakas ng hangin at damang-dama ko din ang mga usok ng mga sasakyan dito sa kalsada. Nauubo na ako minsan kaya sinasandal ko ang mukha ko sa likod ni Dan.
"Uy kadiri naman" sabi niya ng nakatawa.
"Arte!"
Pagkauwi ko ay saktong dating din ng mga magulang ko. Masaya ang mga mukha nila at lumapit ako para bumeso.
"Lumabas na daw yung results ng exam anak?"
Oh-oh.
"Yes po. Pero di ko pa nakikita, dami pong tao kanina" nakangiti kong sabi.
"Ha? Di mo pa nakikita?"
Hinarap ko si Dan at lumapit sa kanya para paluin siya ng malakas sa balikat. Tinitigan ko siya ng masama kaya binigyan niya ko ng kunot noo'ng reaksyon.
"Salamat 'Niel, kita tayo bukas. Magreview ka ha, sige alis na"
Humarap ako kela mama na nakangiti sa aming dalawa.
"Pasok na po tayo" plastikada kong sabi.
Save.
Pero hanggang kailan 'to?
BINABASA MO ANG
Halik ng Valedictorian
Teen FictionAng halik, pinaghihirapang makuha. Maliban na lang kung bibiglain mo o idadahan-dahan mo. Parang si Jess. Akala niya tapos na ang masayang highschool life niya ng sabihin ng kanyang karibal na si John Rey ang pagbagsak niya sa college entrance ex. A...