4♥
Malakas ang ihip ng hangin dito sa taas. Tinignan ko si John Rey na tahimik lang na nakatayo sa tabi ko. Maliban sa hangin ay mainit din ang sikat ng araw, masakit sa balat. Sumandal muna ako sa pader bago nagsalita.
"Mainit, anong sasabihin mo?"
"Gaya nga ng sabi ko kagabi, I have a deal for you" seryoso niyang sabi na nagpangisi sa akin.
"Ano na naman yan?"
"Kung ako ang magiging valedictorian this year, magiging girlfriend kita at kung-"
Pinutol ko na siya sa pagsasalita sa pamamagitan nang paghampas ng malakas. "Unggoy! Di ako interesado!" at tumalikod na ko palabas.
"Lumabas na ang result ng university exam, di ka talaga interesado?"
Nilingon ko siya at nakita ko ang ngisi sa mukha niya.
"What?"
"Yes. At di ka nakapasa, engineering ang pinili mong course. Right?"
What?! Hindi ako nakapasa? Im doomed! Hindi ko alam kung anong ibibigay kong reaksyon sa kanya. How come? Nagreview ako ng maigi and I'm hundred percent sure sa lahat ng naging sagot ko. Paanong di ako nakapasa? All questions are easy!
"As I was saying. Kung ikaw ang maging valedictorian, I'll give to you my entrance pass since it is one of the privileged ng pumasok sa TOP 10. Pero kung hindi, magiging girlfriend muna kita bago ko ibigay sayo yung pass"
Naaasar ako ngayon sa pagmumukha ng John Rey na 'to kaya bumaba na agad ako. Edi hindi nakapasa kung hindi, wala naman akong magagawa.
Habang pababa ako ay naiisip ko ang mga parents ko. They are expecting na makakapasa ako, being the best alumnis everyone is expecting something. At ito ang something, bagsak ako. Nakakatakam yung deal pero..
Nagulat ako ng makita si Daniel na nakasandal sa labas ng cr ng mga girls. Pasaway talaga ang isang 'to.
"Huy! Ano na namang ginagawa mo dyan!" saway ko sa kanya.
"Hinihintay ko ang girlfriend ko"
I just rolled my eyes at iniwan na siya dun, parang tanga mga nakakausap ko ngayon. Ayoko ng awatin ang baliw na 'to at baka sumargo lang ang utak ko.
"Di mo ko pipigilan?" sigaw niya sa malayo.
"Unggoy mo! Bad mood ako ngayon!" at naglakad na ko palayo.
Natulog lang ako sa English class ng matapos ko na ang exam. Hindi ako makapaniwala, tatawag ako sa university na yun mamaya. Hindi maaari 'to.
"Jessica Tolentino!" sigaw ni Mam Ching kaya inangat kong ulo ko. "Are you through?"
"Yes Mam," at humiga ulit ako.
"By the way class. Nakita niyo na ba ang result ng entrance exam?" masayang announce ni Ma'am. No! Please lang, wag nyo akong ipahiya!
"Yes Mam. No worries" malambing na sagot ni John Rey kaya tinignan ko siya at siningkitan. Subukan mong magsalita at masasampal kita! Umiling lang siya at binaling ang tingin sa exam paper nya.
"You all dream that school right? One thing I like about is if you also pass sa ibang university, you can give your passed to another person. Ang weird di'ba? Well, that's their rules. Nung panahon namin walang ganoon," paliwanag ni Ma'am na tinulugan ko lang.
Tss.
"WHAT?!"
Tinakpan ko agad ang bunganga ni Jean. Ang ingay talaga ng isang 'to, nakakabwiset! Tinignan ko siya ng masama bago ko nagsalita.
"Dapat di ko na sinabi sayo," at uminom na ako ng float.
"Di lang ako makapaniwala! We both take the exam, with the same course! Pero nakapasa ako. Paanong nangyari yun?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jean. "Nakapasa ka?"
"Yes" confident niyang sabi. "Sure kang nakita mo yung result?
"Oh my" gulat kong sabi.
"Edi tanggapin mong offer ni Jr"
Napaisip ako dun, pero alam ko lugi ako at maiintindihan naman din siguro nila Mama at Papa. Tama, they will understand. It's normal to fail anyway, di ko na lang sabihing na nakapasa si Jean.
Gracious.
BINABASA MO ANG
Halik ng Valedictorian
Teen FictionAng halik, pinaghihirapang makuha. Maliban na lang kung bibiglain mo o idadahan-dahan mo. Parang si Jess. Akala niya tapos na ang masayang highschool life niya ng sabihin ng kanyang karibal na si John Rey ang pagbagsak niya sa college entrance ex. A...