Prologue

54 49 6
                                    

Prologue

Saglit pa akong lumingon sa paligid hanggang sa tumigil ang aking paningin sa kanya. Palinga linga sya sa kung saan na mukhang may hinahanap.

Mukhang ako ang sadya? Natawa ako sa aking naisip.

"Hey there chic." Mas lalong kumintab sa aking paningin ang dress na kanyang suot maging ang kanyang kutis, at nakakapanibago din ang kanyang mukha dahil sa pinaghalong natural na ganda at make up. Tila wala akong mailarawan kundi ang salitang 'perpekto' para sa kanya ngayong gabi.

"Bakit ka narito?" Nagtataka n'ya akong tiningnan pati ang aking suot.

"What?" Balik tanong ko sa kanya.

"Hindi ka dapat nandito."

"This is my best friend's birthday party so, why not?" Nasapo n'ya ang kanyang noo at matalim na tumitig sa'kin.

"Hindi ako narito para sa'yo. Alis!"

"Nagpapakipot ka pang magpa aya, pupunta ka rin pala. Why are you here? Sinong nagbigay ng imibitasyon sa'yo?" Hindi ako nagpatinag sa kanya kahit pa bahagya syang lumayo na pinigilan ko agad.

"Hindi ba't ikaw?" Nakakunot na talaga ang kayang noo ngunit sa kabila nito ay walang nagbago sa mala anghel n'yang mukha.

"Hindi ba't tinanggihan mo?"

"Wala kang pakielam."

"Of course I care 'cause your my date."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo."

Sa ikalawang pagkakataon ay humakbang sya palayo ngunit natigil lamang iyon nang magsilapitan ang mga tao sa gitna ng venue kasama ang kani kanilang kapareha kasabay ng mabagal na pagkanta.

Oh, my love, my darling
I've hungered for your touch
A long, lonely time

I didn't waste any second at agad ko s'yang hinigit sa bewang para isayaw. Gulat ang nasilayan ko sa kanyang mala anghel na mukha.

"A-anong ginagawa mo?"

"This is what you call dancing, babe."

"Bitawan mo ako." Akma pa syang lalayo kaya mas hinigit ko pa ang kanyang bewang.

Time goes by so slowly
And time can do so much
Are you still mine?

"Hindi ako magdadalawang isip na pilayan kang muli. Binabalaan kita."

"You're always hurting me physically, hindi pa ba 'ko masasanay?"

"Gagawin ko ang sinabi ko kaya bitawan mo na ako."

"I'm not even so close to you so why are you irritated? Hindi ba nakakahumaling ang kagwapuhan ko?"

"Sinabi nang-"

Biglang napuno ng sigawan ang venue sa biglang pagpatay ng ilaw kasabay ng malakas na pagtulak ni Frejya sakin. Dahil sa madilim, hindi ko na s'ya napigilang lumayo.

Akala ko ay hudyat lang 'to ng pag uumpisa ng programa ngunit isang malakas na sigaw mula sa pamilyar na boses ang nangibabaw sa kabuuan ng lugar.

Ilang sandali pa ay bumukas ang mga ilaw. Nagtataka akong lumapit sa kumpulan ng mga tao.

And there I saw a woman, nakahandusay sa sahig habang mulat ang mga mata. Patay na ito.

Nagpapanic ang lahat sa nasaksihan. I didn't hesistate to get my phone to call an emergency when suddenly my gaze fall on a dark corner of the place.

I saw her standing there. Pinagmasdan kong muli ang mala anghel nyang mukha kahit madilim. Hindi rin nakatakas sa aking paningin ang paghubad nya sa kanyang high heels na alam kong hindi sya sanay. Minasdan ko sya ng minasdan sa ginagawa nyang hindi ko maintindihan hanggang sa makuha ko ang kanyang pansin.

Napakunot ang kanyang noo sabay iling ng kanyang ulo.

Tinitigan ko pa nga syang mabuti nang bigla syang tumalon sa nakabukas na bintana.

Tumalon sya sa binatana! Sa bintanang  nasa ikatlong palapag!

Naguluhan ako bigla. Ano ang ginagawa nya?


She, Who RedrumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon