Kabanata 7: Dinner Date
Matagal kong tinitigan ang sarili sa malaking salamin ng banyo habang naliligo. Hindi maalis sa paningin ko ang nasusulyapan kong mapulang kiss mark sa bandang leeg. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naalis.
Maaga talaga akong nagising ngayon. I have many things to be done before afternoon. Nang makatanggap ako ng text galing kay Connie kagabi ay halos hindi na ako mapakali. I don't even know how did she get my number ngunit may hula ako na binigay ito ni Van.
From: +63961********
Dinner? 8 pm at LLC. I'll wait.Naapektuhan ang sistema ko sa text message na iyon. This is gonna be the first date again after I've seen her again.
Date nga ba?
It's supposed to be dinner Cyan! Wag kang masyadong assuming! Gusto kong pagalitan ang sarili sa mga iniisip ko. Wala pa man ay nababalisa na ako sa maaaring mangyari at sa pwede naming pag usapan.
Maaga akong nakarating sa coffee shop. Naabutan ko pang naglilinis ang mga staffs ko at naghahanda.
"Goodmorning sir Cyan."
"Goodmorning."
Dumiretso ako sa opisina ngunit wala akong naabutan roon. Mukha ngang masyado akong maaga. I texted Van to be here early dahil gusto ko sanang makakuha ng report saking secretary.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa swivel chair at tumingin sa kawalan. Tatayo ako at uupong muli, hindi mapakali.
Tatayo sana akong muli nang bumukas ang pinto kaya sumulyap ako roon. Napaupo nalang ako ulit.
I looked at what she's doing. Mahinahon niyang inilapag ang mga gamit niya. She's wearing a nude fitted skirt and red long sleeve na mukhang silk pa ang tela. Nakatalikod siya sa gawi ko nang magsimula siyang magtipa ng magtipa sa laptop. Naka bun ang kanyang buhok kaya kitang kita ko ang makinis at maputi niyang batok.
Shit. Pinagpapawisan na naman ako.
Tumingin nalang ako sa ibang direksyon.
"Magandang umaga Cyan." Ngiti ang ibinungad niya sa akin right after she was done of what she was doing earlier.
Seriously? Talagang binabati niya lang ako kung kailan niya gustuhin. Naibuka ko ang aking bibig ngunit wala akong masabi. Bumuntong hininga nalang ako.
"Handa akong magreport sayo anumang oras. Inayos ko na ang lahat para mas madali nalang sayong maayos ang nawala sa negosyo mo."
Tipid akong ngumiti. Mukhang tama nga ang naisip kong pagreportin siya ukol rito.
"Frejya."
"Hmm?" Hindi ko alam kung tama bang narinig ko ang malambing niyang boses o ano?
"Can you please make me a coffee?"
Saglit na nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Nakaramdam na naman ako ng inis sa mannerism niyang iyan!
"Bakit ba lagi mo kong pinagkukunutan ng noo?" Inis kong tanong sa kanya.
"Bakit ba lagi mong iniuutos sakin ang mga bagay na hindi naman dapat ako ang gumagawa?" Balik niyang tanong sakin. Mas lalo akong nainis.
"Boss mo ko, Frejya." I said with authority. She just shrugged her shoulders at walang pasabing lumabas sa opisina.
Ganoon ba talaga ang pakikitungo niya sa mga naging boss niya? Kaya siguro hindi siya nagtatagal sa trabaho e!
BINABASA MO ANG
She, Who Redrum
Teen FictionSoothing voice. Angelic face. Lovely moves. But black aura. Who would have known that behind her sweet smiles and perfect talents is her hidden personality and mission? Is it really possible for a woman like her to captivate a womanizer's heart? All...