Ikalawang Kabanata

29 21 0
                                    

Ikalawang Kabanata: Voice

If it's not happened, then I wouldn't believe it. Mayroon pala talagang mga babaeng kung umasta ay amazona at kung magsalita ay mas brusko pa sa kausap. I just can't believe that no matter how I hate her attitude, nagiging interesado pa rin ako sa work history nya.

"Pre! Anong iniisip mo dyan ha?" Biglang singit ni Van habang makulit na pinapakielaman ang files na nasa harapan ko.

"Ang gulo pre. Demanding e."

"Anong demanding sinasabi mo dyan? Kako punta tayo kila Drake, mag riribbon cutting sya mamaya para sa negosyo nya."

"Ha? Oo nga! Ang gulo mo din e!" Asik ko sa kanya. Hindi pinapahalatang nalutang nga ako kanina kakaisip sa babaeng yon.

"Hala? Ako pa magulo e ikaw nga iba iba sagot dyan!" Tatawa tawa pa syang nagpatuloy sa pagkalikot ng kung ano ano sa table ko.

"Ano oras ba mamaya?"

"Di ko sure baka- uy! Ito pala yon! Ano nangyari kanina? Kinaya mo?"

Pinanliitan ko sya ng mata, sinisigurado kung ano ang tinutukoy nya. Baka mamaya sabihin nya pang nalutang na naman ako.

"Alin?"

"Ito oh! Ito!" Sabay turo sa application form nung babae kanina.

"Ewan ko don pre. Pinagpipilitan nyang magtrabaho dito, di naman tayo open for hiring."

"Sinabi ko na yan sa kanya e!"

"Oh? Ang kulit nga. She left me with no choice! Ako yung owner pero s'ya pa nasunod. Lugi ako don ah!" Humalakhak si Van sa narinig, maging ako napakamot nalang ng ulo sa hindi malamang dahilan.

"Ewan ko din pare pero kakaiba ang babaeng 'yon. Imagine? Sabi ko sa kanya, ako ang manager dito pero pre, sinungitan ako!"

"Sabi nya ba naman, hindi naman pala ikaw ang may ari kaya hindi ikaw ang sadya ko, maghihintay ako rito, makakaalis ka na. Burn ako pare, ako yung pinaalis sa sarili kong negosyo HAHAHAHA" pagpapatuloy nya sabay pakawala ng malakas na halakhak. Pati tuloy ako natawa. E sa nakakatawa e.

After naming mag ayos ng files at iwelcome ang guest ng shop for later, nagmonitor na din kami ng recent sales and customers' feedback. Maaga kaming natapos ni Van, sinadya namin yon para magkaroon kami ng time magprepare for ribbon cutting mamaya.

"Anong regalo mo kay Drake? Wala ako maisip, lahat naman nasa kanya na." Van said as we walk going to parking lot.

"Kagwapuhan pre. Yun lang ang maireregalo ko." Maangas kong sagot sa kanya.

"Ulul!" Tatawa tawang pang aasar nya sabay tapik sa itim nyang Montero Sport.

I just showed him my dirty finger at sumakay na rin saking Ferrari.


It's just a Ferrari LaFerrari. Ang gwapo kong sasakyan.

--

Hours have passed, nauna pa akong makarating sa bagong bar ni Drake kaysa sa bugok na 'yon. I saw him greeting his relatives, close friends and guests. Simple lang ang inihandang event at syempre, nagparticipate ako kaya nagpadala ako ng mga pasta and desserts dito.

"Yow Cyan! Thank you for coming, you know you're an important friend." He winked at me like gay kaya tinapik ko nalang ang likod nya.

She, Who RedrumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon