Ika-siyam na Kabanata

16 3 0
                                    

Kabanata 9: Starry Night II

"Cyan." Nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Frejya. Nang magmulat ako ng mata ay narealize kong nasa tapat kami ng malaking park.

"Hindi ko nga pala alam kung saan ang bahay mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Plano mo akong ibahay?" Hindi ko mapigilang magbiro lalo na't alam kong gagawaran niya ako ng pagsusungit at pagkunot ng noo.

"Siraulo!" Inirapan niya ako sabay padabog na pagsara niya ng pintuan nang makakababa siya.

"Hoy! Alam mo bang mahal itong sasakyan ko?" Sigaw ko sa kanya na alam kong hindi niya narinig. Tinted ang sasakyan ko at mahal. Nang sa wakas ay maalis ko na ang seatbelt ay uminom naman ako ng tubig sa mineral bottle para kahit paano'y mahimasmasan ako. Pumunta na ako sa sa pwesto kung saan siya naroon matapos kong ayusin saglit ang sarili.

"Sana sinabi mong gusto mo akong solohin." Sambit ko ng makalapit ako sa kanyang pwesto. Umupo siya sa isang bench na malapit sa mga halamanan. This park seems familiar to me. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng mapagtantong alam ko ang park na ito. Park na puno ng alaala.

"Why did you brought me here?" Tanong ko sa kanya nang makaupo ako sa kanyang tabi.

"Sinabi ko na hindi ba? Hindi ko nga alam ang bahay mo." Walang emosyon niyang sagot.

"Eh bakit dito pa?"

"Eh saan ba ang gusto mo?"

"Sa hotel?"

Lumapat sa aking balikat ang malakas at mabigat niyang hampas. Halos nanghina ako roon samahan pa ng kunot na kunot niyang noo at matalas niyang tingin.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo." Inis nitong sambit.

"I'm not joking." Sa halip na asarin siya lalo ay agad na akong umiwas dahil anumang oras sa muli niyang paglingon ay siguradong sa mukha ko na tatama ang hampas niya. Hays, seryosong amazona.

"Gusto ko lang muna magpahinga sandali." Ang kaninang diretsong upo niya ay napalitan ng paglaylay ng balikat. Mukha ngang pagod siya. Saan kaya siya galing? I don't know what's happening here. Again, it's awkward.

"May kinalaman ba ito sa nangyari kanina? Sino ang lalaking iyon?"

"He's...a friend." Umiwas siya ng tingin. Damn her English accent. Nararamdaman kong hindi ko na dapat iopen up ang topic na ito. Sa halip na mas maging awkward pa ay napagpasyahan kong bumalik sa kotse at kunin ang pinakamamahal kong gitara. I always bring this guitar in my car wherever I go.

"What about a jamming?" Iniangat ko ang pinakamamahal kong gitara nang malingunan niya ako.

"Wala ako sa hulog ngayon." Sabay buntong hininga.

"I will make you fall hard, then." Sabay kindat sa kanya. At kung uulit ulitin, ay kinunutan na naman niya ako ng noo pero hindi naging sabagal iyon sa mala anghel niyang mukha. Anghel na amazona? Ha!

"She's always on my mind
From the time I wake up 'til I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know"

I start strumming my guitar slowly, looking up the sky.

"And though she's so far away
It just keeps gettin' stronger, every day
And even now she's gone
I'm still holding on
So tell me where do I start
'Cause it's breakin' my heart
Don't want to let her go...."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She, Who RedrumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon