Ikaapat na Kabanata

15 8 0
                                    

Warning: This chapter contains foul words and vulgarity that are not suitable for young readers. You have been warned.

Kabanata 4: Murder 1

Cyan's POV

"Wuhoooo! Grabe ka pare! Talagang tinanggap mo 'yon?" Paulit ulit ang mokong simula pa kanina noong sa telepono pa kami nag uusap hanggang ngayon sa opisina ko.

"Para ka namang gago Van! Sinabi nang napilitan lang ako, makulit e!"

"Anong napilitan? Ulul! Sabihin mo, kaya mo tinanggap kasi chic!"

"You don't know pare."

"Ang alin ha? nawala lang ako kahapon, nakaisa ka na?" Siraulo talaga ang isang ito.

"Gago ka talaga! Paano ako makakaisa e nandito ako sa opisina?"

Humalakhak siya ng malakas sa sinabi ko.

"Hmm, so balak mo? Ha? Ha?" Napahilot ako sa sentido ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Walang pinipiling oras at lugar ang pangangantyaw.

"Anong balak ang sinasabi niyo?"

Puta!

Bakit bigla bigla nalang ba syang sumusulpot sa kung saan?

"Oh! Welcome to the cáfe miss. How was your fir-"

I may look gay pero napahagikgik talaga ako nang lagpasan nya lang si Van at diretsong naupo sa table n'ya. Hindi na ito muling umimik habang nag aayos ng mga folder.

"Shit pre, I'm not aware that she's not kind."

"Nagulat nga ako na naka jamming mo 'yan sa bar ni Drake. Paano nangyari 'yon?"

"Hindi lang ikaw ang nagulat HAHAHAHA!" Napalakas na naman ang tawa niya  na pinutol ng presensya ni Frejya.

"Magandang umaga, Cyan." Napaayos  kami ng upo nang batiin niya ako. She's now holding a clear book, standing right in front of us wearing a black fitted long sleeves and fitted pencil cut skirt. Ilang segundo rin akong hindi nagsalita at nagpapalit palit ng tingin sa kanya at kay Van.

"..yeah and Van. Goodmorning sir Cyan and sir Van." Pag uulit niya. Ito ang unang beses na narinig ko siyang mag ingles simula pa noong una ko s'yang nakilala.

"Woah." Mahinang reaksyon ng mokong.

"You may start."

"Mula sa mga-"

"In english please." Putol ko sa kanya. Saglit pa nga niya akong kinunutan ng noo bago magpatuloy.

"From the files I checked, it appears that you have three company offers that you ignore that deals with franchising. This morning, one of the companies set an appointment for tomorrow."

"What company?" Usisa ni Van.

"Lavgne Liquor Corporation."

"What?" Hindi ako makapaniwalang maririnig ko na namang ang kompanyang 'yan matapos ang ilang rejections. But that was two years ago.

Totoo bang this time ay nag set sila ng appointment?

Nakabalik na kaya siya?

"Cancel the appointment." I said with authority.

"Cyan, I suggest that you should accept this offer. Their company has the title of highest earning company and has a number of franchised companies under them. They will be a help for this cáfe to earn more and be popular." Mahinahon pero tuloy tuloy na sabi ni Frejya. Nakakabilib na kahit nasa ganitong sitwasyon na magulo ang aking pag iisip ay nagawa kong pakinggan ang malinis at malinaw niyang pagsasalita ng ingles. Malambot ang kanyang boses.

She, Who RedrumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon