Ika-walong Kabanata

10 3 0
                                    

Kabanata 8: Starry Night


"Duuuuuuuude! Finding for a hook up?" Natawa ako sa tanong ni Drake. Talagang hinabaan at nilakasan pa niya ang pagkakasabi dahil sa ingay na sumasakop sa kanyang bar.

"Nah, just for a drink." Tatawa tawang inilingan ako ni Drake, inaakalang nagbibiro ako.

Iminwestra niya sakin ang daan patungo sa bar counter at kinalabit ang kanyang bartender na busy sa pagserve sa iba pa.

"Give him a hard drink." Utos niya rito.

"Where's the other bros?" Saglit niyang ginamit ang cellphone niya at may tinawagan roon na alam ko namang sila Kent at Van bago ako lingunin.

"They're coming here." Tinanguan ko lang siya. Sumakto ang pagkaabot sa akin ng kanilang best seller na The Winston Cocktail which is quite expensive and rare but people at the bar are rich anyway.

Walang anu ano'y dire diretso ko itong nilaklak. Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang pagguhit ng alak sa aking lalamunan. Matapang ang lasa pero hindi ko iyon alintana dahil wala nang mas tatapang pa sa lasa ng kahit na anong alak ang nararamdamang pait ng puso kong hanggang ngayon ay hindi pa nakaka move on.

Nakaramdam ako ng daglian pagkahilo, epekto ng alak. But for Pete's sake! Isang bote palang ang naiinom ko!

"One more Winston Cocktail please."

Aligagang kumilos ang bartender at agad inabot sakin ang order. Again, I drink it as fast as I could. More alcohols, less pain. 

"Anong ginagawa mo? Tama na nga 'yan!" Hinigit ni Van ang boteng hawak ko. Nginisihan ko siya nang mapansing sumimangot siya dahil naubos ko na ang alak bago pa niya makuha.

"Give it back to me." Untag ko, nagmumukmok.

"Stop drinking Cyan, isang bote pa nga lang nito tumba ka na e."

"But I already have two bottles down, dude." Tumawa si Drake sa naging sagot ko.

"Bakit kasi hindi nalang natin siya samahan? Mukhang broken e?" Si Kent. Hindi ko na sila masyadong maaninag dala ng pagkahilo. Puro ingay at makukulay na ilaw na lang ang bumabalot sa sistema ko.

"Can we go back to the days our love was strong?
Can you tell me how a perfect love goes wrong?
Can somebody tell me how to get things back
The way they use to be?
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee"

"Parang gago naman Drake hahaha." Hindi ko na alam kung peke ba ang tawa ko, hindi ko na rin masyadong naiintindihan ang sarili kong sinasabi dahil ang bigat sa katawan ng alak. Fuck! Am I being wrecked again?

Mas lalo nila akong inaasar. Are they comforting me or what? Kumakanta sila ng sad songs e! Kakanta sila sa harap ko na parang tangang nakikipagsabayan sa ingay ng bar tapos magsasalita ng kung ano anong advice na hindi ko maintindihan. Lintek na yan, mas lasing pa ata sila sakin.

Hindi rin namin namalayan na nakailang bote na kami ng alak at nakapwesto pa mismo sa bar counter. Pinagtitinginan na kami ng mga babaeng sabik sa atensyon namin. Maya maya lang may biglang humigit sa braso ko.

Napasigaw pa si Kent habang tatawa tawa si Van na tinutulak tulak pa ako sa babae.

"Cyan, you're too drunk, you sure can go home? I can drive... you...crazy."

"Woaaaaah!"

"Oy HAHAHAHA bakit siya lang?"

Tanginang mga tropa 'to. Napangisi nalang ako sa kanilang lahat. Tumayo ang mga balahibo ko sa iilang pulgadang layo ng labi ng babae sa tainga ko. Dikit rin ang katawan nito sa dibdib ko.

She, Who RedrumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon