Kabanata 6: Worried
Napa face palm ako ng paulit ulit dahil sa insidenteng nangyari sa appointment namin. It really looks informal!
Parang nakakabawas ng pagkalalaki. Well, it's normal for me, they say. But in the situation like that with Connie and my secretary with me, nakakahiya!
Why would I feel so embarrassed at the first place? Kilala naman ako naman ni Connie na womanizer but Frejya?
Ngayon lang sumagi sa isip ko na galing akong bar kagabi at maaring galing ito sa isa sa mga babaeng nakasama ko kagabi sa bar. Fuck. I really need not to bother anymore, nangyari naman na.
Nang makarating ako sa coffee shop, binati ako ng mga staffs at ilang mga customers na nakakakila sa akin and there is Van talking to his phone alone kaya nilapitan ko siya agad. Mukhang problemado.
"Van what's wrong?" Usisa ko.
"Cyan.."
Nagtataka kong inikot ang paningin ko sa paligid. Bakit parang kabado itong mokong na to?
"May naging problema ba rito sa cáfe habang wala ako?"
"Cyan.. s-si Angela raw.."
"Uhuh? What about her?"
"She's dead."
Napakurap ako ng ilang saglit. Tama ba ang narinig ko o hang over pa ito?
"Ha? Paano?" Tarantang tanong ko rito.
"I don't know Cyan. Her family called at the telephone at mukhang seryoso ang sasabihin nila kaya sabi ko sa phone nalang kami mag usap. I gave my number and then..and then, they reported na hindi na makakapasok si Angela. She found dead in her apartment."
"What?!" Nagmadali akong pumunta sa opisina para doon kami mag usap ni Van. I feel nervous and I don't know why!
"She was stabbed in the heart, the autopsy result said pero nakakapagtaka raw na walang bakas ng kahit anong dugo noong matagpuan siya. Malinis ang apartment niya. Akala ng family nila lasing sya kaya sa sahig nakatulog but she's not breathing anymore when they checked her." Pagpapaliwanag ni Van.
"Kailan pa 'to?"
"Kahapon."
"Kahapon?!"
"Ang sabi ay kahapon. Angela is always calling her family when she got home pero magdamag na walang paramdam. Tumawag ang pamilya niya kaninang umaga kung pumasok ba si Angela and then dang! I just can't believe it!"
"What is the motive? Rape? Robbery?" Napangalumbaba ako sa lamesa. Of course I am concern.
"Wala pang naglalabas ng tungkol sa imbestigasyon. Sabi ko nga, pupunta tayo sa burol pero ililibing din daw siya agad."
"My deepest condolences. Iparating mo nalang sa kanila Van." Nilamon ng pagkagulat ang sistema ko. Hindi ko akalaing makaka encounter ako ng ganitong pangyayari. Namatayan ako ng staff.
Hindi pa ako nakakaraos sa maliit na problema ng kompanya ay may panibago na naman. Inasikaso ko na ang files ni Angela, bukod sa matatanggap niyang insurance sa cáfe, nagpahatid ako ng tulong sa pamilya niya.
Many hours had passed, nababalisa pa rin ako. Sa tinagal tagal ni Angela sa cáfe na ito at sa tinutuluyan niya ay nangyari ang ganitong insendente. What would be the motive?
BINABASA MO ANG
She, Who Redrum
Teen FictionSoothing voice. Angelic face. Lovely moves. But black aura. Who would have known that behind her sweet smiles and perfect talents is her hidden personality and mission? Is it really possible for a woman like her to captivate a womanizer's heart? All...