Ikatlong Kabanata

17 9 0
                                    

Ikatlong Kabanata: Napilitan

A hella Monday keeps me awake because it's work time again. Kahit ako ang may ari ng cáfe, I need to do monitoring everyday. Hapon lang ata ang idlip ko.

"Good morning sir Cyan" bati sa akin ni Angela, one of the cashier.

"A cup of Espresso please, pakidala nalang sa office. Thanks."

"Sure sir, isa lang po ba?" inaayos ko ang necktie ko nang lingunin ko ulit sya.

"May iba pa ba Angela?"

"Uhm..sorry sir."

Maganda si Angela. Well, lahat ng staffs ko magaganda, tatanggap ba ako ng hindi? Ang kaso lang, kailangan kong pangalagaan ang image ko bilang good boss at hindi playboy.

"Magandang umaga"

Natulala ako pagkabukas ko ng pinto dahil sa bumungad. It's her again, wearing a formal sleeve and a pencil skirt.

Maganda nga

ang umaga.

"Frejya Vanda-"

"Hmm. Cyan, magandang umaga" she said with a smile.

Nahilot ko ang sentido ko at tumungo sa aking swivel chair. Seryoso nga ang babaeng 'to sa pag aapply dito.

"Have you talked to Mr. Van Sanchez?,  he's the manager."

"Wala naman syang magagawa kung ikaw ang tumanggap sa akin dahil ikaw ang may ari nito, hindi ba?"

"Wait what? you're not yet hired. May iba ka nang pinapasukan diba?" hinding hindi ko malilimutan na nakita ko sya sa entablado ng bar kasama ang mga kaibigan ko. Kumakanta ng kantang parang 'womanizer' lang ang naiintindihan ko. Nakalimutan na nya ata?

"Noong sabado ba? hindi iyon trabaho. Naimbitahan lang ako na kumanta."

Hindi ako kumbinsido. Sino namang mag iimbita sa kanya? Si Drake?

"Really?"

Tumango lang sya at hindi na muling nagsalita. Ilang minuto akong nag isip sa pagitan ng tahimik na paligid.

"Sige, since you're really desperate to have a work. Pwede ka na magsimula." Finally! Napilitan din akong magdesisyon!

"Talaga?"

"Oo talaga. Maglinis ka na."

Agad bumakas ang kunot sa kanyang noo nang dahil sa sinabi ko.

"Anong maglinis ang sinasabi mo?" inis sa kanyang tono.

"Maglinis! As in cleaning. Gusto mo ng work? be a janitress in my cáfe then."

"Ayoko! Bigyan mo ako ng posisyong komportable ako!"

Tumaas talaga ang kilay ko sa sinabi nya, hindi makapaniwala. She's really demanding! Ano bang klaseng babaeng ito at ganito kalala?

"You serious? Ako pa talaga ang mag aadjust para sa trabahong ikaw ang may kailangan?"

She leaned towards me very closely. Yung tipong hindi ko na alam kung hihinga pa ba ako.

Puta! kinakabahan ako!

Nakalapat ang mga kamay n'ya sa lamesa ko. Malamig ang aircon pero ang init sa pakiramdan.

"Cyan-"

"Sir Cyan, ito na pa yung Esp-"

Parehas kaming nagkagulatan. Biglaan pa ang pagtayo ko at pag ayos ng neck tie habang prente na lamang syang nakaupo at parang walang nangyari.

She, Who RedrumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon