Unang kabanata: Unang pagtatagpoSaturday is the best day. Araw na naman para maiwelcome ang new guest for my cáfe.
Kung hindi n'yo maitatanong, I owned a café restaurant that is serving coffees every morning to afternoon and is performing gigs every night.
Van calling...
"Hmm?"
"Really? Kakagising mo lang?" He said in a very sarcastic tone.
"Nah. I'm actually on the way there."
"Oo dapat lang bro! Mukhang iba ang dating ng isang babae dito. Iritado e! Bilisan mo dyan hoy!"
Hindi ko alam kung bakit halata naman sa boses ni Van na nagmamadali syang papuntahin ako pero talagang ang bagal ng paghakbang ng mga paa ko papunta sa garahe.
Is it my first time to feel not-so excited welcoming my guest? I don't think so.
Medyo natagalan pa akong magmaneho dahil sa traffic kaya pagdating na pagdating ko ay masigabong batok ang binigay sakin ni Van.
"Dude! Bakit ngayon ka lang dumating?!"
"E bakit ba nagmamadali ka dyan?"
"You don't know dude. You.. haynako ikaw na nga kumausap don, mukha palang parang mananapak na e."
Napailing na lang ako sa kanyang reaksyon. Para akong nae excite na makita ang dahilan kung bakit nangungunot ang noo nya ngayon umaga.
As I enter to my office, nakita ko agad ang babaeng halatang yamot na yamot na habang madiin na nakakuyom ang dalawang kamay sa suot nitong skirt.
"Good morning, I'm really sorry for the wait. Welcome to-"
"Ikaw ba ang may ari ng coffee shop na 'to?"
Hindi pa man ako nakakaupo ay napabalikwas na ako ng lakad dahil sa padabog na pagtayo ng babaeng nasa harapan ko.
Mahaba ang kanyang buhok, bilugan at malaki ang itim sa kanyang mga mata, perpekto ang hugis ng labi at matangos ang ilong. Para syang anghel.
"Marunong ka bang sumagot?"
"Uh, yeah."
Mukha lang syang anghel, mukha lang
"Mag aapply ako dito."
"Ha? Sorry miss, but we are not accepting any application for now. We are just welcoming our new guests for the gigs later. Besides, we are not hiring. Maybe I can help you with other things?"
"Other things? Ha! Kailangan kong mamasukan dito." Malumanay ang pagkakasabi nya pero punong puno ng pagdedemand. Hindi ko alam kung anong meron sa babaeng ito at ganito kung umasta. Ganito ba ang tamang pag aapply para sa kanya?
"I'm sorry. Hindi kita matutulungan kung ganon."
"At bakit hindi? Ikaw ang may ari nito kaya nga ikaw ang sadya ko. Mamamasukan ako dito, sa ayaw at sa gusto mo."
Her words are terrific but none of them convince me to hire her. Demanding, as she is. Mas brusko pa sa akin ang mga salita ng babaeng ito.
"Seriously? Are you joking?"
"Hindi ako nagbibiro."
"But miss-"
"Frejya Vandana." Mahinahon nyang inilapag ang dala nyang folder na pansin kong kanina nya pa hawak kasabay ng matamis na pagngiti nya sakin.
This girl, really? Being amazona to being sweet?
Wala akong nagawa kundi ang kunin ang inilapag nyang folder at siyasatin.
She graduated Business Management in France. Worked in different companies with different high positions na nagtatagal lang ng isang buwan at mag aapply muli sa iba.
Anong klaseng work experience ba meron s'ya?
"You worked in different companies in just a month?" Usisa ko.
"Gusto ko lang ng maraming bagay na maranasan at malaman." And there she goes with her smile again.
Naging interesado ako dahil sa sagot nya ngunit may bahagi pa rin sa aking hindi ako maaaring tumanggap ng aplikante ng hindi rin nasisiyasat ni Van. He's my co-owner.
"I'll call you if-"
"Salamat sa pangtanggap. Magsisimula na ako bukas."
Yun lang at matamis nya akong nginitian bago lumabas ng opisina.
Seriously? Ganoon sya mag apply?
BINABASA MO ANG
She, Who Redrum
Teen FictionSoothing voice. Angelic face. Lovely moves. But black aura. Who would have known that behind her sweet smiles and perfect talents is her hidden personality and mission? Is it really possible for a woman like her to captivate a womanizer's heart? All...