CHAPTER 2

3.6K 148 4
                                    

                         DASHIELLE





Huminga ako ng malalim habang ang amo ko ay halos mawarak na ang hawak nitong telepono.Kanina pa ito galit na galit na parang lahat ng tao ay kaaway nya.Pero hindi nman ako nasisigawan nito hanggang ngayon.Nasigawan lng nya yung butler niya na ngayon ay sapilitan niyang pinadampot sa mga Guard.

Bagot lng akong nakatayo sa tabi ng lamesa ng amo ko habang pinapakinggan ang sinasabi nya sa kabilang linya.

"I don't need a butler ma? Kailan ka pa naging mahigpit sakin?" Dalawang tanong nya.Malamang nasagot na iyon ng nasa kabilang linya dahil hinampas nya ang lamesa gamit ang isa nyang braso.

Hindi na ko nagulat sa mga hampas-hampas na iyan.Nag-alala naman ako dahil baka magkapasa sya ang puti puti pa nman niya kaya paniguradong pasa ang bunga ng paghampas nya doon. Ano ba kase ang pinaglalaban nya at ayaw sundin ang kanyang ina? Dapat magpakauto na lng sya tulad ko noong...

"Bullshit!!! Ma! Like i've said Ayoko sa kanya! Baby pa lng kami non nung binigyan nyo kami ng pangalan at kailangan matali kami sa isa't-isa noon pa dahil sa lintik nyong pagkakaibigan especially sa lintik na pangalan namin? How about our decision?!"

Ahh kaya naman pala may Empress at yung wednesday pa na dapat nyang kadate ay nagngangalang Emperor? Grabe naman ganun pala kahibang ang mga magulang nila para itali agad ang dalawa noong sanggol pa.Ni wala pa ngang dibdin noon si Mam at wala pang isip engaged na sila?

Kinagat ko ang labi ko para mapigilang mapatawa sa sitwasyon ni Mam.Napakasimple lng nman pala ng pinapagawa ng magulang nya tapos nagpapakabebe pa sya.Kung nasa posisyon ko sya noong mga bata pa ay kusa na kong susunod kaysa naman...

"What's with the smile?" sa gulat ko napakamot ako sa mata kong biglang nangati at nagbabadyang lumuha.

Tanong pala iyan ni Mam na ngayon ay nakatayo na pala sa harap ko ng hindi ko man lng napapansin.Nag-angat ako ng tingin dto dahil sa tangkad nya idagdag mo pa ang sandals nito na mataas kaya hanggang balikat lng ako nito.Nakapameywang pa pala sya.

Ang ganda naman nya..Kissable lips,pointed nose,makapal na kilay, and that eyes na hinihipnotismo akong tumingin doon.

"Aray." Sabi ko ng bigla akong nakaramdam ng pitik sa noo ko.

"Staring is rude woman.Ang dami ko ng tinanong sayo wala ka pa ring imik dyan,estatwa ka ba?"

Hindi ako nakapagsalita dahil nakangiti na ito ngayon at nawala na rin ang kapulahan ng mukha dahil sa galit.Parang sinapian na naman sya ng anghel.

"Uhm.. Schedule po ba tinanong nyo?" tanong ko na lng pabalik sa kanya dahil malay mo baka tama yung kutob kong iyon ang tanong nya.

"Baliw hindi! Sabi ko bakit ka ngumingiti dyan?" nakacross arm na sya kaya nakita ko agad ang namumula nitong braso.Anumang oras ay magkukulay itim na yan mamaya.

Walang salita kong hinila ang isa nyang kamay papunta sa sofa at paupuin sya roon.Wala pa rin akong imik kahit pa nagrereklamo sya,kapag tinanong ko na maayos lng ba kayo? Ay baka maging pabebe lng itong muli at hahaba pa ang usapan.Baka sa haba ng usapan namin baka ndi ko mamalayan na nangingitim na pala ang braso nito.

Salamat naman at hindi ko na kailangan lumabas para lng bumili ng yelo.Kumuha ako ng ice cube sa ref at inilagay ito sa cold compress bago ako bumalik sa aking amo na prenteng nakaupo sa sofa na taas-kilay,hindi ko alam pero natutuwa pa ko sa itsura nya.

Mabuti kahit ganito ako katahimik at walang galang sa kanya ay hindi nya ko tinanggal sa trabaho.Mag-iisang linggo na pala akong naninilbihan sa kanya.Parang ang tagal ng panahong magkasama kami dahil sanay na ko kay mam at obvious namang sanay na sya sa mga kilos kong nakakabagot.

Walang imik lng akong tinabihan sya bago ipahid sa braso nyang namumula ang cold compress.Maingat ko lng itong dinadampi para hindi sya masaktan.

"Hindi ka tlga imikin na tao ano? Boss mo ako pero ganyan ka na ha.Hindi porket hinahayaan kitang maging ganyan eh sasanayin mo sarili mong ganyanin ako.Hindi ka ba nahihiy?" Tanong nito.Wala sa boses nya ang anumang bahid ng inis o galit sa akin.

"Handa naman po akong matanggal." yun lng ang nasabi ko.

"Wala naman akong sinabing ganyan baliw.Ang OA ha? Haha." Sarkastiko pa nyang asar pero hindi na lng ako nagsalita.Natatakot kase ako baka magalit pa ito.

"So ayun nga narinig mong galit na galit ako sa Mom ko."

"Kase po gusto na po nyang ikasal kayo sa Emperor nyo."
Sagot ko.Napagod na ko magdampi ng cold compress sa braso nya kaya naman inilapag ko na ito sa lamesa bago huminga ng malalim.

"Mhm tama ka nga.. Ayoko namang ikasal pa.Nakakasawa kaya ang pagmumukha ng Emperor na yun na mukhang adik.Araw-araw ka ba naman idate sa kanya dba?"
Natawa sya kaya naman natawa rin ako sa pagkainsulto nito.Backstabber din pala sya.Halos lahat pala backstabber.

"Nakakasawa rin yung mga mukha ng empleyado ko..mukha ni mommy tapos ung butler na dinala nya dto kanina na mukhang bakulaw." Tinakpan ko ang bibig para hindi sabayan ang pagtawa nya.Nakakahiya kase sa tawa nyang kay ganda tapos yung akin baka maging tawang peke na magiging dahilan para mawalan sya ng gana.

"Nakakasawa din yung bahay ko pati na lugar na dinadaanan ko.Hind ako palagalang tao ang gusto lng ng mom ko kung saan sya nakakapunta dpat doon din ang punta ko.

Tumango-tango ako.Naaamaze lng ako sa kanya dahil sobrang daldal nya ngayon.Habang tumatawa pa sya ay hindi ko alam pero yung puso ko tumitibok ng mabilis at parang kinakabahan.

Hindi naman ako masyadong nagkikilos ngayon o nagsasalita.Ano ba tong pakiramdam na ito?

Kaya pasimple akong napakapit sa parte kung saan ang puso ko.

"Are you listening Ms. Adair??" Nagpapikit pa ko ng ilang beses bago bumalik sa sarili.

"Ano po iyon?" Tanong ko.

"Isulat mo ang schedule ko this sunday."

Tumango ako at kinuha ang notepad ko.Doon ko sinusulat ang mga schedule niya dahil wala naman akong cp.Kumuha na rin ako nang ballpen.

"Ano po ilalagay ko?"

"Pupunta ako sa apartment mo buong araw.Sunday,7 am since wala naman akong gagawin sa araw na yun at isa pa day off natin."

"Ah okay- Bakit?!" Sigaw ko dahil sa gulat.Ang sikip kaya ng apartment ko noh medyo wala pa ngang laman dahil hindi pa ko nasweldo at isa pa yung natira sa binigay saking pera ni Mam ay ipinadala ko sa batangas kung saan naroon ang Mama ko..

"Aba't sinisigawan mo na ako ngayon Ms. Adair ha?"
Pilyo pa nitong sabi.

"H-hindi po.." bumuntong-hininga ako kaya isinulat ko na ang sinabi nya dahil sa wla na rin naman akong magagawa pa.









My Weak SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon