*toot toot toot*
Nagising ako sa relo ko na tumutunog sa tenga ko.Sa gulat ko natapon ko ito sa kung saan.Kahit mahina lng yung tunog non pero masakit sa tenga pag nilapit mo.Sino namang tangang maglalagay non? Kundi ako lng.
Wala kase akong alarm clock or cellphone man lng na gigising sakin tuwing umaga kundi ang relo na iyan.Bigay lng yan ng nagiisang kaibigan ko sa Batangas..
"Sakit ng likod ko busit.." reklamo ko habang hinihilot yung balakang ko.Sa sahig lng kase ako natutulog dahil wala namang foam or kama dto at isa pa murang apartment lng toh kaya alam kong unti lng ang kagamitan rito.
Tinupi ko na ang kumot na tanging nilalatag ko bago matulog at inilagay iyon sa loob ng cabinet.
Nagsuot ako ng malaking t-shirt at nakapanty lng.Tutal Sunday naman ngayon tsaka walang pasok.
Nagisip pa nga ako na baka may nakalimutan ako ngayong araw.Wala naman siguro kaya umiling na lng ako bago binuksan ang tv at umupo sa mahabang sofa.Ganito lng ang gagawin ko sa bahay na ito buong araw tsaka kakain ng Lunch mamaya.Hindi kase ako nakain tuwing breakfast na nakasanayan ko na..
"Ayy palaka.." sa gulat ko nahagis ko yung remote sa kung saan dahil doon sa sunod-sunod na paghampas sa pintuan ko.
Naguguluhang binuksan ko ang pinto para alamin kung sino yon.Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon at walang magtatangka dahil wala naman akong kakilala sa lugar na ito.
Pagkabukas ko ganun na lng ang paglaki ng mata ko sa nakita.Si Mam Empress lng pala na nakapameywang,walang pinagbago ang mataray nitong kilay.Ang ganda naman pala niya kahit walang suot na kolorete pero ang suot nito ay nakapantalon na itim at croptop shirt matching denim jacket.
"M-mam.. May pasok po ba kaya niyo ko pinuntahan?" Tanong ko.
Inikutan naman ako nito ng mata at walang pasabing pumasok na lng sa loob na hinayaan ko na lng baka magalit pa.
"Grabe naman ang sikip naman dito." Nakacross na ulit yung braso nya habang pinapasadahan ng tingin ang buong apartment ko. "Hey hindi pa ko kumakain magluto- shit!"
Biglang mura niya na nagpakunot na tlaga ng noo ko.
Tumingin pa ito sa kung saan bago takpan ang mata."Ano pong problema? Napuwing ka ba?" Takang tanong ko.
"What the fuck- pwede ba magbra ka man lng???!" Sigaw nya pero hindi naman ako natakot kase maganda naman.
"Ahh.. labahan po lahat. Tsaka ayos lng po iyan meron ka rin naman nito."
"So balak mo tlgang ganyan ang suot mo buong araw?!"
Hindi ko na pinansin tanong nya.Tinakpan ko na lng yung bibig nya para tumigil sya sa pagsigaw bago pa ko mareklamo ng mga kapitbahay or kapitkwarto.
Natulala naman sya sakin ng binigyan ko sya ng ngiti.Pansin ko pa ang pamumula ng buong mukha nito pero hindi ko na rin yun sinabi sa kanya at baka magalit pa sya,baka pag nangyari yun ako ang mapalayas nya sa sarili kong apartment.
"Uhm.. Magluluto po ako.Anong gusto nyo?" Kanina ko pa tinanggal yung kamay ko sa bibig nya kaya naman napaupo sya sa sofa.Tinanong ko na kase wala na ata syang balak pigilan ang pagkatulala.
"Uhm.. Pancake?"
Ngumiti ako sa sinabi nya.Yan kase ang kinakain ko tuwing umaga kapag ginanahan ako magalmusal.
"Swerte nyo mam Empres-"
"Empress lng.Kapag wala tayo sa work,okay ba Dash?"mataray nyang utos ulit kaya napatawa ako ng mahina kase ang cute nya ngayon.

BINABASA MO ANG
My Weak Secretary
Romance[COMPLETED✓] - Unedited. (GxG) Empress Belle DeMitri Guerin- Owner of the IMPERIAL Publishing Group. Also a model of the company magazines cover because of her goddess beauty and sexiness. Strikto,Boring ang buhay nya.Dahil halos lahat nakukuha sa i...