CHAPTER 17 (SPG)

3.4K 82 6
                                    






                    REGRETS






Tinanggal ko na ang sekretarya ko kahit na kasalanan ko naman. Umaga palang pero nag-iinom na ko sa condo ko. Linggo ngayon gusto kong magpakawasted mamaya!

"Damn!" mura ko ng bigla ako nadulas sa nagkalat na bote ng beer dito.

Nasinok ako bigla kaya gumapang ako papuntang kusina para kumuha ng tubig. Sobrang kalat na pala dito kahit kagabi pa lang ako naginom.

Tinungga ko na yung pitchel na may malamig na tubig wala kase ako nakitang  hugas na baso. Pabalik na ko ng sala ng magring ang doorbell, maingat na nilagpasan ko ang mga nagkalat na bote ayaw ko maging cause of death ko ito.

Binuksan ko na agad ang pinto habang nakayuko saka kamot-kamot ang kanang mata.

"Sino yan?" tanong ko.

"Besh mo!" sigaw bigla ng bisita tsaka binigyan ako ng pitik sa noo. Napa-aray ako kase dumagdag pa sa sakit ng ulo ko yung ginawa niya.

Naalala ko yung kababuyang ginawa ko kahapon na nakita niya kaya bigla ako nakaramdam ng hiya.

"Alis ka na.. Makalat- " bago ko pa siya palayasin nakapasok na pala siya. Pinisil ko na lang ilong ko tsaka siya sinundan.

"The fudge!! Parang may nangyaring krimen dito sa kalat!!"  arte niya sabay sipa ng mga bote sa kung saan.

Tinaboy niya rin mga kalat na nasa sofa bago siya umupo doon. Humiga naman ako sa isang sofa na kaharap niya.

"Wag ka maingay.. masakit ulo ko.." itinakip ko ang aking braso sa aking mata. Tinitiis ang sakit ng ulo.

"Besh?" hindi ko na narinig pa yung sinasabi ng kasama ko dahil sa biglaang pagkahilo ko.



PAGKAMULAT ng mga mata ko nakaamoy agad ako ng mabangong pagkain. Gutom na ko.

Tatayo na sana ako pero hindi ko kaya. Nagkapa na lang ako sa kama ko hanggang sa biglang may umalalay sakin umupo. Isinara ko ulit aking mata dahil sumakit na naman ulo ko.

"Uly? Is that you?" nanghihinang tanong ko sabay yakap sa katabi.

"I want to die.. my head.. it's fucking hurting and also my heart.." bigla na lang ako naiyak.

"Bakit mo pa kasi siya pinakita sakin?.. Nahihiya ako sa kaniya." dagdag ko pa na lalo lang ako umiyak.

"Why? Gusto kita makita kase namimiss na kita." sabi ng katabi ko. Nagulat ako kaya mabilis kong kinalas ang yakap ko sa kaniya ngunit dahil nga mas malakas siya sakin hinigpit pa niya ang yakap.

"I really miss you.. wala ka ng dapat pagsisihan tapos na yun lahat. Past is past, okay?" tumango ako.

"I miss you too.. I'm sorry. I can't keep my promise because I am a stupid little girl back then."

"Nahh hindi mo naman kasalanang lumipat kayo dito sa Manila." pinisil niya ilong ko dahilan ng pamumula ng aking pisngi.

"Halika na kumain na tayo. Bakit ka kase naginom ng sobrang dami nilagnat ka tuloy."

I pout my lips then slap her butt napasinghap naman siya sa ginawa ko. "Dami ko kase iniisip just shut up okay?.."

"Pfftt okay okay!" nagtawanan kami parehas.

Pagkatapos namin kumain dumiretso agad kami sa kama para mapunasan na niya ng basang bimpo katawan ko.

"Nababawasan nga init sa katawan hindi naman nababawasan sakit ng ulo." reklamo ko sa ginagawa niyang pagpunas kase look nababasa damit ko!

My Weak SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon