CHAPTER 7

2.8K 101 3
                                        

    DASHIELLE








Weird day. Naglilihi ata si Mam Empress ngayon, pabili kase ng pabili ng pagkain.Nandito kami ngayon sa opisina ang weird nga lang, may hawak siyang chocolate sa kabilang kamay habang yung isang kamay nagpipirma ng mga papeles.

Ngumiwi ako ng bigla niyang padabog na nilapag ang ballpen sa lamesa at tumingin sakin ng masama.

Napalunok ako gusto ko sanang tanungin pero ayaw lumabas ng salita sa bibig ko. Natatakot ako.. yun naman palaging rason. Wala akong ibang ginawa kundi tumingin lang sa baba.

"Hey?? Okay ka lang??" Tanong ni Empress.

"Opo.. Ayos lang. Ikaw po ba? May kailangan pa po kayo?"

"Ikaw."

"H-huh??"

"Wala wala pfftt." Tumawa lang siya kahit na wala namang nakakatawa.Ganoon lang siguro siya kasaya tapos mamaya galit naman.

"Urghh ang sakit talaga e.. T*ngina talagang buhay toh.." reklamo niya habang himas himas ang puson. Nagpakuha agad ako ng pangrelieve sa puson niya.Kailangan lang naman niya ito idikit sa tiyan niya para medyo guminhawa naman pakiramdam nito.

"Wag ka po muna magwork.. Red days niyo po kaya dapat pahinga lang." Tinuro ko ang sofa at naintindihan naman niya without asking.

"I hate this.. Ang sakit puta!" Sambit niya bago sabunutan ang sariling buhok.

"Waahhh!!!" Mabilis ko siyang pinigilan, balak pang tumayo para magbasag ng kung ano-ano pero pinigilan ko lang.

"M-mam naman eh!"

"Empress sabi.. Tsk."

"Okay Empress.." ngumiti ako sa kaniya without a reason.. nope, I mean the reason of my once in a blue moon is to make this girl happy even when there is no moon or there's a moon that shining bright every night.

Akmang yayakapin na niya ako ng biglang malakas na bumukas ang pinto, iniluwa noon si Sir Emperor. Ohh.. Walang pasabing lumayo ako kay Mam Empress at balak ng lumabas ng opisina ng bigla niyang hawakan ang aking kamay.

"Saan ka pupunta?" bulong ni Mam, makikita mo sa mata nito na may pag-aalala.

"Sa labas po.. Kakain na rin." Ngumiti ako ng mapait sa kaniya at pagkatapos non, may yumakap sa kaniya ng mahigpit.

Nawala bigla ang emosyon ko kaya lumabas ako at nabingi na.

Habang naglalakad lang at mukhang nalibot ko na buong building, naglakad na lang ako palabas.Nakatungo ako na parang tanga, parang lahat ng takot ko lumabas at pagkahiyain.

"Ouch!" Rinig ko pero hindi ko na lang pinansin.

"Hoy babae!! Bumalik ka dito!"
May humawak sa braso at marahas na pinaharap sa kaniya.

ULYSSA POV

Kyaaahhh! Sa wakas nakabalik na rin ako sa bansang pinas.Papunta na nga ako sa beshy Press ko, sinigurado kong bongga ang pagpasok ko doon.Hindi pwedeng siya lang noh!

Pero nawala ng parang bula ang aking kagandahan ng bigla akong mabangga ng isang babae.

"Ouch!" Binangga niya ako sa braso kaya tumilapon ako sa sahig.Grabe ha? Ang dami ng malalakas ngayon at walang modo.Kaya naman mabilis akong tumayo at nagsisisigaw wala na kong pake kung nakakahiya na ko, susulitin ko na dahil mas nakakahiya pa yung tumilapon sa sahig noh! Pasalamat siya walang tae!

Mukhang nabingi ang babaita, that's why I don't have a choice kundi marahas siyang ipaharap sa maganda kong peyslak-

Na pinagsisihan ko naman.

My Weak SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon