"Mam may pinapaabot pong sulat sa inyo." sabi ng guard pagkapasok niya sa opisina ko,napansin ko nga ang hawak niyang sobre na kulay brown at maliit parang hindi naman ito masyadong mahalaga at malamang hindi yan masyadong mahaba kaya ng mailapag niya ito sa lamesa binati nya ko ng magandang umaga bago umalis pero pinigilan ko muna ito sandali.
"Btw,kanino pala galing toh?" Pansin ko na wala man lang pangalan sa likod ng sobre. Malamang nasa loob.
"Hindi ko po alam mam,basta po lalaking naka black suit na may itim na shades."
"Ahh,sige manong salamat." Tinanguan lang ako nito at pinagpatuloy na ang naudlot nyang paglabas.
Tinitigan ko lang yung sobre.Balak ko ng buksan ng bigla namang nagfire alarm na ikinalaki ng mata ko.Agad akong lumabas ng aking opisina para tignan kung saan yung nasusunog pero tumigil din iyon ng malaman kong isang batang paslit lang pala ang pumindot ng fire alarm.
Nagulat pa ko sa inakto ng mga janitor na naabutan ko ng bigla silang mangiyak-ngiyak sabay sabing hindi daw nila napansin yung bata na nakaakyat sa hagdan mapindot lang yung fire alarm. Paulit ulit lang nilang sinasabi habang hinihilot ko na ang sentido ko kase nakaluhod na sila ngayon.
"It's all right,Pakihanap na yung magulang niyan baka hinahanap na siya.Tumayo na kayo dyan,pagkatapos niyo mahanap magulang ng batang yan bumalik na kayo sa mga trabaho nyo, alright?"
Nagulat pa sila sa sinabi ko na animo'y hindi ako yung "Empress" na nakilala nila noon.Well, I've changed for good.. I mean Dash changed me.
Oo nga pala namimiss ko na ang babaitang yun.Tumingin ako sa wrist watch ko at 7:38 na pala,late siya ngayon ah.
Pagkabalik ko akala ko may "Dash" akong madadatnan pero wala pa rin.
Parang nakaramdam ako ng takot sa hindi malamang dahilan.Dali-dali kong kinuha ang susi ng sasakyan ko para puntahan ang bahay niya. Shit.. sana ayos lang sya. Baka kasi nagkasakit na nman.
Pagkapark ko sa harap ng apartment na tinutuluyan niya ay mabilis kong tinakbo yun at kumatok ng kumatok pero walang sumasagot.
"Iha wag kang masyadong maingay dito at maninipis lang ang mga dingding dito.Baka may magising ka.." saad ng matanda na wala namang bahid ng inis dito.
"U-Uhmm.. Kilala nyo po ba yung owner dito? Pwede bang pakisabing buksan tong pintuan?" Garalgal kong tanong.
"Ako ang may-ari nito iha.. pero 'sensya ka na hindi mo na naabutan ang dalagang nakatira diyan." Bakas sa boses niya ang lungkot na para bang alam niyang nalulungkot ako dahil hindi man lang nagpaalam sakin ang dalagang tinutukoy niya.
Bagsak balikat kong tinalikuran ang matanda pero napaharap din ng bigla siyang magtanong.
"Iha, kaano ano mo ba yung dalagang nakatira diyan?"
"B-boss niya po sa trabaho.. Secretary ko po siya.."
"Yun lang ba iha? Napakabusy mong tao pala para puntahan pa ang isang sekretarya mo lang."
Bumuntong hininga ako upang lakas loob sabihin ang totoo.
"Mahal na mahal ko po ang dalagang tinutukoy niyo..Binago niya po ako.Napakasama kong boss noon.Kasi stress ako sa Mom ko.. pero siya yung hindi perpektong trabahador ko pero gusto ko pangbkatrabaho,siya yung pilit kong gusto makita,makasama.. nasusuway ko na yung strikto kong nanay dahil sa kaniya.. kung wala siya baka nakakulong pa rin ako sa bahay na yun o di kaya'y nakatali na sa lalaking hindi ko naman mahal."
Umiiyak kong litanya sa kaniya habang hinihimas na niya ang likod ko dahil halos hindi na ko makahinga.
"Siguro dapat kong sabihin ito sayo.Pero iha hindi maganda ang kutob ko sa kasama niyang mga nakaitim na uniporme.Mukhang galing sya sa marangyang pamilya pero yung mukha niya habang nagpapasalamat siya sakin dahil sa pagpaupa ko sa kaniya ng kwarto sa murang halaga lang may takot at nalulungkot yung mga mata niya na para bang may iisang tao siyang iniisip at malamang ikaw iyon iha.Sabay abot sakin ng napakalaking halaga ng pera."
Napalunok ako dahil naguguluhan ako sa kaniyang sinasabi.Doon ko lang natuklasan na hindi ko pa pala siya sobrang kilala.Fuck! Nakakainis!
Kinagat kagat ko ang ibabang labi dahil naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko man lang inalam ang tungkol sa buhay niya.Pero alam ko namang hindi niya sasabihin sa takot.
"Maraming salamat Tanda- este manang.. pero pwede po bang upahan ko po ang kwartong ito? Gusto ko po dito matulog mamaya."
Ngumiti ako ng may pait,hindi siya nag-alinlangan payagan ang nais ko inabot na rin niya sakin ang susi ng kwartong toh bago ako bumalik sa opisina para tapusin ko ang mga trabahong naiwan ko.Tinawagan ko si Archie para siya munang magsilbing alalay ko dahil wala na kong sekretarya ngayon.
Gabing-Gabi na ng matapos ko na dapat kong tapusin,doon ko lang napansin ang sobreng kulay brown.Bigla kong naalala ang sinabi ng manong guard na dinala daw ito ng nakaitim na suit.
Nilagay ko muna ito sa bag ko at pinuntahan na si Archie na siyang maghahatid sakin sa dating apartment ni Dash.
Maayos na niyang nalinis ang tutuluyan ko kaya dumiretsong higa na lang ako sa maliit na kama na tama lang sakin at sa kwartong ito kaya hindi mukhang masikip.
Yakap yakap ang unan na parang ito yung taong namimiss ko.Mag-iistay ako dito para makapag-isip ng paraan kung saan ko siya makikita.
"..Nakaitim na uniporme.../..Pinapaabot ng nakablack suit.." ulit sa utak ko yung sinabi ng guard at ng matanda kanina.Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa kabobohang hindi ko agad ito binuksan kaya dali-dali kong binuhos ang laman ng bag ko sa kama.Nang makita ang pakay ay agad ko itong binuksan na ikinatigil ko.
"I love you.."
Yun lang ang nakasulat sa 1/2 sheet ng papel kumabog ang dibdib ko dito pero nainis ng wala nang kahit ano pang nakasulat sa papel na toh.
"Fuck! Are you fucking kidding me?!" Kung sinabi mo na lang kung saan kita makikita natuwa pa ko! Damn it!"
Ginusot ko ang papel at kinulong ito sa palad ko sabay suntok sa dibdib ko dahil sa hirap huminga.
"I.. I love you too.." mangiyak ngiyak kong sabi habang yakap yakap ang papel na para sakin magpapagaan sa loob ko para hanapin siya.
Just.. wait for me...
BINABASA MO ANG
My Weak Secretary
Romansa[COMPLETED✓] - Unedited. (GxG) Empress Belle DeMitri Guerin- Owner of the IMPERIAL Publishing Group. Also a model of the company magazines cover because of her goddess beauty and sexiness. Strikto,Boring ang buhay nya.Dahil halos lahat nakukuha sa i...