CHAPTER 13

2.1K 88 9
                                        

A/N:Errors ahead.. too broke to check the errors..

DASHIELLE

"Ipaliwanag mo kung anong kababuyan pinaggagagawa mo?" Malamig na pahiwatig ni Mom sabay hagis sa pagmumukha ko ang mga larawang nakuha niya na naghahalikan kami ni Empress doon sa apartment ko na hindi ko alam kung paano niya nakuha ito.

Sadyang may sakit ako niyan kaya hindi ko alam anong pinaggagagawa ko at nalimutan ko pang kayang kaya niya ako ipahanap kahit na sinadya kong walain ang mga gamit ko pagkaapak ko ng Manila.Natunton pa rin ako ng demonyo kong ina.

"Hindi ka na ba iimik dyan?" Nawawalan ng pasensya ang kanyang mukha. Pinakatitigan ko lang siya sa mata,pinapakitang wala akong pagsisising naghalikan kami na kanya naman agad nabasa saking mga mata at isang malakas na sampal nga ang natanggap ko mula sa kanya pero hindi ako nagpatumba sa sahig.

"Pinapunta kita doon para maghanap ng ikakasira ng kompanya nila,hindi ko sinabing lumandi ka at katulad mo pang babae! Dirty bitch!" Inilabas na niya ang buong galit niya sakin. Pinagsisipa sa hita,pinagsasampal sa mukha sinabunutan,binato ng mga libro ng hindi pa siya nakuntento ay kumuha pa siya ng sinturon at hinampas hampas niya sa likod ko ang bakal na nasa sinturon.

"Bakit kasi hindi ka pa naging lalake?! Mas lalago pa sana ang buhay ko! Salot ka tlgang babae ka!" Dalawang oras pa niya ginawa ang mga pananakit pa niya sakin bago siya napagod.

Huminga siya ng malalim na parang walang nangyari pagkatapos nun ay dumiretso na siya sa kaniyang kama.

Walang ingay akong gumapang palabas ng kwarto niya.Ni pagbuga ng hangin ay di ko ginawa.

Gumapang pa ko pababa ng hagdanan na may ingat.Nakasanayan ko na ito simula bata pa ko... Himala nga't hanggang ngayon buhay pa rin.

Gumapang din ako hanggang kusina kaya nakita ko ang mga katulong dito sa bahay.Hindi ko na inabala pang tignan sila pero ramdam ko ang mga titig nilang naiiyak sa itsura ko ngayon.Hindi nila ako pwedeng tulungan dahil kapag nangeelam sila sakin mawawalan sila ng trabaho.Papunta nga pala ako sa kung saan ako nararapat.. doon sa may basement.

"I-i'm.. back.." Napangiti ako ng makita ko sa aking kama na natutulog ang aking alagang guinea pig na si Alu.

"Alu.. matutulog lng ako ha.." Sabi ko sa kanya ng kagat kagatin niya ang index finger ko hudyat na gusto niya makipaglaro.

Napatingala ako sa nag-iisang bintana ko dito sa basement, mahaba toh at medyo malaki na sapat na sakin para pasikretong makalanghap ng sariwang hangin at pagmasdan ang hardin ng nasa kabilang bahay. 'Thou trespassing yung ginawa ko'

Bigla akong napangiti ng maalala ang nag-iisa ko naging kaibigan. Na sa buong buhay pagkabata ko siya lang ang nakakita ng mukha ko at nakakilala sakin. Tinatago kasi ako ng aking ina na ang alam ng publiko namatayan siya ng anak. Ewan ko ba kung bakit niya pinalabas na ganun, may sakit nga talaga sa utak ang ina kong yun.

Mabalik nga tayo sa babaeng yun...

Flashback..

Tinulak ko pa ang kama ko papunta doon sa bintana na masyadong mataas dahil sobrang bulinggit ko.Kinuha ko rin ang mga bagay na pwede ipatong para lang makasilip.. sana hindi ako mahuli.

Nang sa wakas ay naabot ko rin at nakalabas ng bintana na may dalang lubid para madali akong makababa mamaya.Sa edad kong lima.. natanaw ko ang naggagandahang bulaklak na makikita ko lang sa mga libro na inaabot nila sakin.Humawak ako sa bulaklak na sa pagkabasa ko ito ay isang 'rosas' na pinakamaganda sa nakita ko lalo pa't pula ito.

"Hoiii!! Who are you?! Are you a thief?!" Sigaw ng mataray na batang babae sa tabi ko na nagpatumba sakin,napatakip pa ko ng tenga sa takot. Dahil kapag ako sinigawan senyales na may mali ako na ginawa mapalaki man o maliit..

"W-Wag mo po ko.. S-sumbong mama.." nakapikit kong pakiusap.

"What?? Anong nangyari sayo? I don't even know you. of course I don't know your mom too so.. I'm just asking what are you doing to my garden?" Naka-cross arm na siya sa harap ko habang tinititigan ko lang ang mukha neto.Ang cute niya kasi.. parang manika.

Biglang umikot ang dalawang mata nito sabay lahad ng palad niya sakin.

"Ano yan?.. sasampalin mo ba ko?.."

"Urghh.. idiot.. I'm helping you to stand up.." Nang nainip na siya umupo na lang din siya sa tabi ko at nagkatitigan kami ng ilang segundo sabay na kami umiwas ng tingin.

"Saan ka nakatira? Dyan sa tabi?" Turo niya sa bahay ko.. este bahay ng nanay ko. Tumango na lang ako.

"Pipe ka ba?"

"...."

"Ahh.. 'Kay nice talking." Pagkausap niya sa kaniyang kamay na ginawa pa niyang puppet. Nagmukha tuloy siyang ewan kaya hindi ko kinayang matawa ng mahina.

"What?! Why are you laughing?.. tss." Reklamo pa niya.

"Anyways wala kang friend siguro dito noh?"

"...."

"Sabi ko nga.. ako rin wala e so ganito sa ayaw at sa gusto mong magsalita magkaibigan na tayo ha?"

Tumango lang ako dahil nahihiya ako sa kaniya. Ewan ko kung bakit, ang ganda kasi ng boses niya tas ang ganda pa niya..

"Urghh ang tahimik mo.. ganda pa nman ng tawa tsaka boses mo.." reklamo pa niya pero hindi ko masyadong narinig dahil pabulong ito.

Bigla akong napatayo ng makitang magdidilim kaya  lalakad na sana ako palayo pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.Nagkatitigan ulit kami sa mata sabay na rin siya tumayo.

"Aga pa ahh..you know what time pa lng?Hindi pa nman magdidilim we can still uhmm.. walk around my garden if you want?"

Napailing ako ng ulo then akmang iiwan na siya ng mahigpit pa rin niyang hawak ang aking kamay.Kinakabahan na talaga ako sa takot na baka may pumunta na sa basement at makitang wala ako mayayari na naman ako.

"Fine fine.. Maybe your parents is strict kaya ka ganyan.. Look how pale you are..Dungis pa." Pinunasan pa niya ang banda nasa pisngi ko na ikinapula ko.

"Ohh Btw, Here.." tinanggal niya ang relong suot niya at ikinabit yun sa aking pulsuhan.

"Alarm nyan is 6 am because yan ang oras ng gising ko.. and 6 pm the time na pupunta ako dto just to play. Kaya try mong lumabas pag tumunog yan ng 6 pm, okay? I will wait for you. New friend.."

Ngumiti siya ng kay tamis na sinuklian ko naman.

"What's your name?.."

"..."

"Okay bukas mo na lang sabihin kapag nakainom ka na ng tubig." She secretly rolled her eyes again in a cute way. "Btw, I am Empress."

Nagpaalam na kami sa isa't isa bago ako bumalik sa loob ng basement ko.

Sakto namang pagayos ko ng mga kagamitan dito ay ang pagdating ni mama at ng pagkain ko...

Kinabukasan,lumabas ako ulit sa bintana ng tumunog ng 6 pm yung relo. Tulad nga ng bilin niya sakin pero... hindi siya dumating..

END OF FLASHBACK

Bigla akong nagising at naghabol ng hininga sa naging panaginip ko ng maalala ang pangalan ng batang nakilala ko noon. Si ano.. Empress?..







My Weak SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon