FEAR TO BE HURT
"Good morning." antok pa ang pagbati nito sakin. Hindi pa ko nagaangat ng tingin kase binabasa ko pa etong bagong publish na magazine.
Maganda naman dahil kung hindi mapapalayas ko ang mga taong gumawa nito.
"Mhm..Morning 7:30 pa lang ha." Hanga kong sabi.
Nagangat na ko ng tingin sa kausap na lalo pa ko napahanga. Naka-corporate attire na siya at mukhang bagong bili, hindi katulad kahapon na parang gusgusin.Pinagsiklop ko ang aking mga kamay habang yung siko ko nakapatong sa lamesa.
Pinagmasdan ko naman ang buhok nito na medyo basa pa pero infairness nagsuklay maayos itong nakapusod. Napapisil naman ako sa ilong dahil wala itong anumang kolorete sa mukha pero ang ganda pa din. Hindi ko alam kung insecure ako or naaamaze lang.
"Mam? Ayos ka lang?" Umiling-iling ako ng matauhan bago tumikhim.
"Yeah. Next time maglagay ka na sa mukha mo ng pulbo or lip balm man lang." sabi ko na lang para mawala hiya ko. Seriously? Mahihiya ako sa isang pulubi?
Tumango lang siya na kinasanayan ko na kahapon pa. Mas mababagot ako kapag nandito siya hindi ka kikibuin hangga't hindi mo kikibuin pero okay na rin ito magkakaroon ng katahimikan ang buhay kasama ang sekretarya ko.
Binigay ko na sa kanya ang mga schedule ko sa isang buwan para mairemind niya saken.Inulit ko pa nga na ayaw ko eengot-engot dito sa kompanya ko kung hindi palalayasin ko agad-agad.
Wala na ko masabi na mga dapat niyang tandaan na panay tango lang siya.Tumayo na ko sabay abot ng pambili ng coffee sa coffee shop na malapit dto.
Tumango lang ulit siya bago tumalikod.
"Mygosh!" biglang sigaw ko na hindi kase makapaniwala na nakasuot lang siya ng rubber shoes na parang ako pa ang nahiya para sa kanya.Humarap siya sakin na parang nagtataka. Bumuntong-hininga na ako bago kumuha ng sandals na may katamtamang takong.
Katulad kahapon tinitigan niya ang hawak ko na iniaabot sa kaniya para suotin.
"Be ashame silly! Urgh!" Nangalay na ko kakatayo sa harap nya habang nagrereklamo.Ako na mismo ang lumuhod para isuot sa kaniya itong hawak ko.Tinanggal ko ang rubber shoes pati medyas niya na wala namang amoy.Isinuot ko na yung sandals sa kanya kaya magpasalamat dapat siya dahil komportable yan.
Bigay pa yan ng Mom ko noong nagaaral pa ko ng Business then i decided to keep it on my office.
Mabilis akong tumayo bago tumikhim ng ilang beses.
"Bilisan mo na.Bumili ka din ng maiinom mo ha? Bilisan mo! 15 minutes lang." Agad siyang kumaripas ng takbo palabas.Sinampal ko ang sarili dahil sa inakto ko sa pulubi na yon.May paluhod pa ko nalalaman! Pagkaakyat niya dito tatanggalin ko na siya kase ako pa ang nagmumukhang alila nito.
Lagpas 15 minutes nakarating na rin siya. Inilapag niya sa mesa ko ang kape pero hindi doon natuon ang atensyon ko kundi sa kanyang mukha na maputla.
"Ayos ka lang?" medyo tinarayan ko."Opo.. Natakot lang sa elevator." Pag-amin nya. Malaking duwag pala ang isang 'to. Grabe parang laging mapuputukan ako ng ugat sa babaeng ito dahil mukhang sagabal lang.
Para namang naawa ako na hindi naman ako maawain kaya balak ko na namang sampalin ang sarili ko ng biglang may kamay na pangahas hawakan ako.Tinaasan ko siya ng kilay."What do you think you are doing?"
"Wag nyo pong saktan sarili nyo. Natatakot ako, baka magkapasa yan.Mapula na nga eh na parang sinampal mo rin po kanina." Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi nito kaya marahas akong lumayo na magkalapit na pala ang mga mukha namin.Binitawan na rin nya ang pulsuhan ko.
"Shit." Bulong ko habang hinihilot ang kunot kong noo.
Medyo kumalma na ko ng makainom ng kape na malamig na pala."Schedule for today? Meron ba?" Tanong ko.
"6 pm dinner date to Mr. Emperor." sagot nito.
"Alright.Bumalik ka na sa table mo,kapag kailangan kita tsaka ako tatawag."
Mukhang hindi na ito magbabago dahil tumalikod na ito.Wait wala pala siyang phone number sa form so it means na wala siyang phone? Urgh.
Tinawagan ko si Manang Mya ang mayordoma ng mansyon ko.
"Manang bumili ka nga ng phone,tulad ng pinabili ko sayo noon.Mhm.. salamat manang." binabaan ko na siya ng tawag.
DASH POV
NASA tabi ko si Mam Empress habang naghihintay na bumukas ang elevator. Sabi nya samahan ko daw siya bumaba bago pumunta sa date niya. Sira ang private elevator kaya hindi agad kami makaalis.
Bagot na bagot talaga ang mukha ko ngayon dahil antok ako sobrang naexcite kase ako,natatakot akong matulog kagabi at baka paggising ko kinabukasan ay panaginip lng ang lahat.Baka paggising ko ng umaga natutulog pala ako sa lansangan.
Bigla kong naalalang nasuka ako dahil sa elevator.Walang paalam akong tinalikuran si Mam Empress at naglakad patungo sa hagdan.Maghahagdan na lng ako katulad kaninang umaga pagpasok ko dto ay naghagdan lng ako.
May humawak naman sa braso ko.Nanlambot naman ang puso ko dahil sa maingat nitong paghawak sakin,natatakot pa naman ako magkapasa.Nagtaas naman ako ng tingin,ngayon naman ay pikon na sya.
"Sabi ko sabay tayo bababa? Sa tingin mo,saan ka pupunta?"
"Maghahagdan po..Kaysa naman po masukahan kita sa elevator."
"Tss.Para namang hindi mo ginamit ang elevator pagkapasok mo-" muntik pang lumuwa ang maganda nitong color green na mata. "Nung nakarubber shoes ka pa naghagdan ka lng noh?"
Tumango ako.Tinampal naman nya ang noo na parang hindi makapaniwala.
Narinig naming bumukas na ang elevator kaya mabilis naglakad patungo doon si Mam Empress habang hila-hila ako sa braso.
Pinindot nya ang 1st floor.Umandar na yung elevator pababa nakaramdam agad ako ng hilo.
"Tss..weak." bulong ng boss ko pero rinig ko naman bago sya tumikhim.Naramdaman kong hinahaplos nya ang likod ko na nagpakalma naman sakin.
Hindi ko alam pero napangiti ako,ramdam ko na concern sya sakin pero hindi ko alam kung bakit.Wag naman sana sya pa-fall dahil lesbian ako,hindi lng halata.
Walang nagiimikan sa aming dalawa habang nasa biyahe.May driver si Mam kaya nandto kami sa backseat.Wala rin naman akong masasabi.Gusto ko sanang magpasalamat dahil sa ginawa nya hindi ako nakaramdam ng pagsusuka.
Kaya lng bagot kase ang boses ko kaya baka pag magpapasalamat ako mainis sya dahil hindi mahahalatang galing sa puso dahil nga sa bagot kong boses.
"Nagbago na isip ko Mang Carlo,ihatid na lng natin itong sekretarya ko.Gusto ko na rin kase umuwi at pagod na rin ako."
Hindi ko na pinilit pa yung dinner date nya doon sa Emperor na yun.Halata naman na sa kanya tlga nakatadhana ang lalaking yun dahil sa pangalan pa lng nila.
Tamang-tama naman na napadaan kami sa kanto kung saan malapit ang apartment ko kaya pinatigil ko na doon yung manong driver.Walang lingon o salita akong naglakad pababa ng sasakyan.Nahihiya kase ako magpaalam at isa pa tulog na si Mam Empress.

BINABASA MO ANG
My Weak Secretary
Roman d'amour[COMPLETED✓] - Unedited. (GxG) Empress Belle DeMitri Guerin- Owner of the IMPERIAL Publishing Group. Also a model of the company magazines cover because of her goddess beauty and sexiness. Strikto,Boring ang buhay nya.Dahil halos lahat nakukuha sa i...